"Ako na ang magbubuhat sakaniya" sabay na ani ng dalawang boses. Inangat ko naman ang tingin ko sa dalawang lalaking nag salita.
Kinuha sa akin ni Eun Woo at Han Ji si HyungSuk na tulog na sa kalasingan at inakay nila ito hangang sa makabalik na kami sa Palasyo ng Pagsasanay.
"Alam mo ba ang dahilan kung bakit siya nag lasing?" Tanong sa akin ni Eun Woo umiling lamang ako dahil hindi niya naman maiintindihan pag nag tagalog ako o nag english.
"Maaring gusto lamang niya mag saya kaso nga lang ay napa sobra ang kaniyang inom" ani ni Han Ji na dumaretso na agad sa kaniyang higaan at natulog.
"Siguro nga masyado ng malalim ang gabi matulog ka na din" Napatingin ako kay Eun Woo at tumango at ngumiti dito.
Kinabukasan ay nagising kami sa sigaw ni Hyung Suk.
"AHHHHHH!" Sigaw nito
Napatayo naman kaming lahat at lumapit kay Hyung Suk
"Anong problema Mahal na Prinsipe?" Tanong ni Min Yun
"Pag mulat ko ng aking mga mata ay may gagamba sa kisame!"
Binatukan naman kaagad siya ni Eun Woo
"Ang aga aga mong sumigaw ng dahil lamang sa gagamba? Ang daming inabala mo Sige na bumalik na kayo sa pag tulog"
Pipikit pikit pang bumalik ang iba sa pag tulog at tanging si Han Ji lamang ang hindi nagising sa lakas ng sigaw ni Hyung Suk. Ng makita kong tulog na ang iba ay nilingon ko si Hyung Suk.
"Nababaliw ka na ba! Bakit ka nag lasing kagabi!"
"Shhh! Huwag kang ma ingay halika sa labas may sasabihin ako sa iyo"
Hinila naman ako nito palabas sa aming silid.
"Paano ako napunta dito binuhat mo ba ako?"
"Hindi tinulungan ako ng nakakatanda mong kapatid at ni Han Ji" Nagtaka naman ako dahil mukha na naman itong nangaasar "Anong mukha na naman iyan Hyung Suk!"
"Tinulungan ka ng iyong iniibig! Yiee"
"Wala sabi akong gusto sakaniya! Huwag mong iniiba ang ating usapan!"
BINABASA MO ANG
Chopstick (COMPLETED)
Fiksi SejarahAlam kong darating ang araw na ito ang iiwan mo ako ang magkakahiwalay tayo ilang beses ko man hinanda ang aking sarili masakit parin talaga. Narinig ko ang lahat gusto kitang pigilan pero alam kong hindi puwede dahil hindi tayo ang para sa isa't i...