Kabanata 50

9 0 0
                                    

Nasa balcony ako ng bahay ko habang nainom ako ng wine nakakailang bote na ako kaya medyo lasing narin ako.

Hindi ko inakala na sobrang pinapahalagahan niya yung porselas na binigay ko akala ko kasi simula nung pinutol niya yun ng araw na iyon putol narin ang pagmamahal niya sa akin.

Hinimas ko ang porselas na kapareho ng sakaniya kailanman ay hindi ko ito hinubad dahil ito rin ang kaisa isang alaala ko sakanya.

Ilang taon narin pero ganito parin ako walang nagbabago mahal ko parin siya. 

Dumadating ako sa punto na napapagod na akong mag hintay umasa na magkikita at makakasama ko siyang muli.

May mga gabi na magigising  nalang ako bigla ko siyang maiisip at bigla nalang akong maiiyak.

Tumingin ako sa langit gabi gabi kong tinitignan ang buwan at mga bituin sa langit sa tuwing naalala ko siya. Lalo na kapag namimiss ko siya pakiramdam ko kasi ay pareho lang
Kaming nakatingin doon at pinagmamasdan ang mga bituin at ang buwan.

Nagising ako ng may bumatong unan sa mukha ko napaupo ako bigla ay napahawak ako sa ulo ko ng atakihin ako ng hangover.

"Pota naman Nics!" Reklamo ko.

"Inom pa more! Anong nangyari kagabi at nagpakalasing ka na naman? Si Han Ji na naman?"

"May bago pa ba? Mahal ko yun eh!" Reklamo ko ulit.

"Mahal ka ba?"

Sumimangot naman ako at siniringan ito babatuhin ko na sana ito ng unan ng bigla itong tumawa.

"Joke lang! Pero real talk hangang kailan mo balak maging ganyan? Hangang kailan ka makukulong sa nakaraan? Hindi ka ba napapagod? Nasasaktan? Ako ang nahihirapan sayo bilang isang kaibigan mo! Nahihirapan ako na araw araw wala akong magawa sa tuwing nasasaktan ka ng dahil sakanya."

"Nics..."

"Yes you love him! but love yourself too! 2 years is enough 2 years is too much! you have to accept the truth. you need to let go of your love for him."

Nakatungo lang ako tama siya pero bakit hindi ko makaya.

"Maybe now is not the time for you two. but maybe in the next life! Sa tingin mo natutuwa siya kung nasaan man siya ngayon sa ginagawa mo sa sarili mo?

Umiling lang ako... dahil kung ako ang nasa taong 1395 at siya dito sa 2020 mas pipiliin ko na sumaya siya kahit wala na ako sakanya.

"I know you love him very much but you should be free and happy. I miss the old Aeshtrid please bring back her"

"Yes I will" Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko at ngumiti sakaniya patakbo naman itong lumapit sa akin at yumakap.

"Alam kong masakit yung mga sinabi ko saiyo-"

Pinutol ko siya at sinabunutan.

"Tama ka naman eh"

Ngumiti ito sa akin at may kinuha sa bag niya na dalawang ticket.

"Tara! Sa South Korea!" Nakangiting ani nito.

Tumayo naman ako at dumaretso sa banyo upang mag toothbrush sumunod naman ito sa akin.

"Ayaw mo ba? Sayang naman itong ticket!" Nakasimangot na ani nito.

"Kakagaling ko lang dun nung nakaraan ano ginawa kong Laguna to Manila yung Pilipinas at Korea? Hahaha"

"Pota ano naman! Halika na! Manonood ako ng concert eh! Libre ko na nga lahat aarte ka pa! Sampalin kita ng betlog diyan eh!"

"Tigilan mo ko wala ka namang jowa!" Pang aasar ko dito.

Chopstick (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon