Hindi na muling nag mulat ang mga mata ni Hyung Suk nasa kandungan na siya ngayon ng Reyna at Hari na wala ring tigil sa pag iyak.
Natahimik ang lahat hindi makapaniwala sa nangyari kay Hyung Suk tila tumigil ang mundo naming lahat.
Nanlaki ang mata ko ng nakahanda ng saksakin ng hari ng Dyoeson si Han Ji na nakaupo at nanlulumo sa lapag at nakatitig lamang kay Hyung Suk.
Agad akong tumayo at hinarang ang aking sarili kay Han Ji at ipinikit ko ang aking mata upang ihanda ang aking sarili.
"Kuya Eun Woo!!!" Sigaw ni Seo Yin
Inimulat ko ang aking mga mata ng may yumakap sa akin.
"Eun Woo bakit mo ginawa iyon!" Tumulo ang luha sa aking mata habang hawak ko si Eun Woo umubo ito at nagtalsikan ang mga dugo galing sa kaniyang bibig.
"Ayokong masaktan ka... mahal na mahal kita Kimchi hangang maging ito man ang huling hininga ko..."
"Hindi Eun Woo!! Hindi ka puwedeng mawala!"
Hinawakan nito ang aking mukha at pinunasan ang luha sa aking mukha.
"Huwag ka ng umiyak"
Ngumiti ito sa akin at tumulo ang luha sa mga mata hangang sa tuluyan na itong pumikit.
"Eun Woo! Kuya gumising ka! Huwag mo rin kaming iwan" Malakas na iyak ni Seo Yin
Nababalot ng mga puting bulaklak at puti mga tela ang buong palasyo napuno ng iyak ang buong palasyo.
Natapos ang labanan kanina sa tulong ng Syoeson at Nyoeson. Namatay ang dalawang hari ng Chyoeson at Dyoeson.
Nakaupo kami sa gitna ng Palasyo habang ibinababa ang dalawang bangkay naglagay ng dalawang pansaping puting tela at sunod na inilagay ang katawan ni Hyung Suk at Eun Woo mas lalo kaming naiyak ng makita namin ang mga nakapikit at wala ng buhay na kanilang mga katawan.
Lumapit ang reyna kay Hyung Suk at inalalayan ito ng hari ng bigla itong tumumba.
"Ang mahal kong anak! Ang napaka buti kong anak! Hindi mo kami kailangang iligtas! Mas kaya kong ako ang nasa posisyon mo ngayon" ani ng reyna sabay yakap sa bangkay ni Hyung Suk.
Yakap yakap naman ni Seo Yin ang bangkay ni Eun Woo lumapit ako upang hawakan si Eun Woo. Hindi ko maatim na dahil sa pagligtas niya sa akin ay buhay niya ang naging kapalit habang buhay ko na ata bitbit ito sa aking konsensya.
Mas lalo pa akong naluha ng makita ko si Hyung Suk na yakap yakap na ngayon ni Han Ji na walang tigil sa pag sigaw at pag iyak!
"Hindi ko sila naprotektahan! Napakawalang kuwenta kong kapatid!" Sigaw nito "Ako nalang sana ang mamatay! Hindi sila! Arghh!"
Napatakip ako sa aking bibig dahil sa pag hikbi alam kong sobrang sinisisi niya ang kaniyang sarili pero wala siyang kasalanan.
Sakay ng dalawang Gama hinatid namin si Hyung Suk at Eun Woo sa kanilang huling hantungan.
Tila hindi ko kayang tignan habang tinatabunan ng lupa ang kanilang mga katawan. Walang tigil ang iyakan lahat ay nakiramay sa dalawang mabubuting Prinsipe. Tahimik ang lahat dahil ang iba sa kanila ay hindi paring makapaniwala na si Han Ji ang susunod na hari ng Hyoeson.
Nakaalis na ang lahat pero nakaluhod parin si Han Ji sa libingan ni Eun Woo at Hyung Suk at walang tigil sa paghingi ng tawad.
Bumuhos ang malakas na ulan kaya mas lalo akong naluha sa awa kay Han Ji.
"Han Ji malakas na ang ulan halika na"
"Hindi ako aalis dito" malamig na ani niya pero pumipiyok dahil sa pag iyak.
"Han Ji hindi magugustuhan nila Eun Woo at Hyung Suk kung magkaka ganiyan ka!"
"Hindi mo alam ang nararamdaman ko Kimchi! Hindi ikaw ang nawalan!"
Malakas ko siyang sinampal.
"Nawalan ako ng kaibigan Han Ji! Mahal ko silang dalawang kaibigan ko! Yung sakit na nararamdaman mo sa pagkawala nila nararamdaman ko din! Sana ako nalang din yung nasasaksak at namatay! Para hindi sila yung nakalibing diyan ngayon!" Sabay punas ko sa aking mata.
"Anong kasalanan nila? Napakabuti nilang tao bakit kailangan nilang kuhanin agad" mahinang ani ni Han Ji.
Lumapit ako sakaniya at niyakap ko siya at parang sanggol ito na umiyak sa aking bisig. Hindi na namin inantala ang malakas na ulan dahil mas lamang ang sakit na nararamdaman ng aming mga puso.
Masakit mawalan ng kaibigan o kapamilya hindi mo alam kung paano ka muling mag uumpisa na hindi mo na siya makikita o makakasama.
Nakatulog sa aking bisig si Han Ji nakatulog sa sobrang pagod kakaiyak. Ganon rin ang nararamdaman ko pero pinigilan ko kailangan kong magpakatatag para sakaniya.
"Kimchi!" Napalingon ako ng may tumawag sa akin.
"Gonju Seo Yin ikaw pala" Magang maga pa ang mga mata nito dahil wala ring tigil sa pag iyak ito. Natigil ang tingin niya sa kaniyang kapatid at mas lalong lumungkot ang mukha nito.
"Gustong gusto kong ilabas ang sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon. Pero kailangan ko magpakatatag para kay Kuya Han Ji alam kong doble ang sakit sakaniya dahil sinisisi niya rin ang kaniyang sarili."
Sa tulong ng mga taga pag silbi ay naiuwi namin sa palasyo si Han Ji at nanatili parin itong tulog.
Nasa kuwarto ako ngayon ni Gongju Seo Yin dahil may ibibigay daw siya sa akin.
"Eto" sabay abot nito sa talaarawan ni Master Cha Nim Woo. "Kahapon ay ibinigay iyan sa akin ni Kuya Hyung Suk pakiramdam niya daw kasi ay hindi niya maiibigay saiyo iyan masama daw ang kaniyang kutob na may hindi magandang mangyayari" naiyak naman ito pero kaagad ding pinunasan ang kaniyang luha "iyon pala kasi mawawala siya" hindi ko rin maiwasan ang hindi maiyak.
Bumukas ang pinto at kaagad na yumakap si Seo Yin sa kaniyang kasintahan na si Sik Hyun na pumasok.
Umalis na ako sa kaniyang silid at bumalik sa silid ni Han Ji. Umupo ako sa tabi ni Han Ji at hinawakan ang talaarawan upang umpisahan ng basahin.
Nakailang pahina na ako pero hindi ko parin mahanap kung anong kailangan kong gawin upang ako'y makabalik hangang sa dumami na ang aking nababasa.
Nilagyan ko ng sumpa ang chopstick upang makabalik ako sa panahon na buhay pa ang babaeng mahal ko. Pero hangang ngayon ay palpak parin
Nabasa ko na kaya pala siya gumagawa ng mga sumpa sa mga bagay dahil gusto niyang makabalik sa panahon na buhay pa ang kaniyang kasintahan.
Pinalayas ako sa Hyoeson! Dahil may kababalaghan daw akong ginagawa ang tanging nais ko lang naman ay muling makasama ang mahal ko
Nilipat ko ulit ang pahina.
Nawala ko ang chopstick alam kong nalagyan ko iyon ng sumpa kaya kung sino man ang makakakuha non ay makakabalik sa panahong ito 1395. Nais kong humingi ng tawad sakaniya kung meron man. Dahil nadamay siya sa kamalian ko tatangapin ko na hindi na talaga maiibabalik ang babaeng mahal ko.
muli kong nilipat ang pahina.
Sa oras na dumating ang Lunar New Year dalawang araw ang makalipas dapat makabalik na siya sa kaniyang panahon kung mayroon mang nakakuha ng sumpa ng aking chopstick kung hindi ay maglalaho siya ng parang bula.
Bigla kong naisara ang pahina sa takot dalawang araw? Ibig sabihin bukas? Kailangan ko ng umalis
Tinignan ko si Han Ji na natutulog tumulo ang luha sa aking mata
Hindi ko kaya...
Itutuloy...
(C) Kabilang buhay by Bandang lapis
-------------------------------------------------------------
Please don't forget to Follow, Vote and add this story to you library Thanksyou!😗💙LexAndrA_Togepi
BINABASA MO ANG
Chopstick (COMPLETED)
Historical FictionAlam kong darating ang araw na ito ang iiwan mo ako ang magkakahiwalay tayo ilang beses ko man hinanda ang aking sarili masakit parin talaga. Narinig ko ang lahat gusto kitang pigilan pero alam kong hindi puwede dahil hindi tayo ang para sa isa't i...