Kabanata 5

7 0 0
                                    

"Mabuti na lang at umalis na ang kapatid mo grabe kinalibutan ako eh!" Ani ko ng umalis din kaagad ang kaniyang nakakabatang kapatid na babae

"Hahaha napaka gandang lalaki mo kasi"

"Pero peke lang Maganda kaya ako! Nakakatakot ang kapatid mo"

Kinabukasan ay maagang umalis si Hyung Suk dahil kailangan niyang mauna sa palasyo at ako naman ay nag mag tanghali na ay sinundo na ng taga pag sundo dahil kailangan ko ng dumaretso sa Palasyo ng pagsasanay.

"Ito ang unang araw niyo sa Palasyo ng Pagsasanay kaya binabati ko kayong mga nakapasa sana ay makayanan niyo ang mga ensayo" Ani ni Master Siponen. "Dalawampu kayong mga Hyoeson Warriors na inaasahan ko ay lahat kayo ay magiging ganap na Hyoeson Warriors kaya pag butihin niyo"

"Makaasa ka Master Shipunen!" Sigaw ng mga kasamahan ko.

"Mabuti kung ganon! Meron nga pala kayong espesyal na tao na makakasama sa pagsasanay ang ating Mahal na Prinsipe" Lumabas sa isang silid si Hyung Suk at tumabi kay Master Shipunen na may ngiti sa mga labi"

"Kamusta kayo!" Sigaw nito sabay patakbong pumunta sa akin at tumabi.

"Ayos! Magkasama na naman ulit tayo!"

"Kasama niyo ang Prinsipe sa pagsasanay pero habang nagsasanay siya dito ay nabibilang na siya sainyo
Pantay pantay lang kayo simula ngayon. Sa ngayon ay wala munang pagsasanay kayong gagawin ngayon. Dito sa kahon na hawak ko ay bubunot kayo ng isang papel na may lima na kulay na papel na magsisilbing inyong magiging pahingahan at kung sino ang makakasama niyo sa silid"

Isa isa kaming bumunot at ganon na lamang ang ngitian namin si Hyung Suk ng magkasama kami sa silid.

"Mabuti na lamang at magkasama tayo sa silid. Pero huwag kang mag aalala Mayroong anim na higaan ang isang malaking silid tig iisa ang lahat ng tutulugan kaya hindi ka masyadong maiilang"

"Basta doon ka malapit sa higaan na tutulugan ko ah?"

"Oo naman"

Sabay kaming pumunta sa aming silid
Isang malaking silid na may limang higaan hindi na kailangan ng aircon o electricfan dahil malamig naman.

Pagpasok namin sa loob ay may tatlo ng kalalakihan na nauna at nakapili narin sila ng kanilang tutulugan.

"Mahal na Prinsipe" sabay bigay pugay ng mga ito.

"Gusto ko sana ay magkalapit kami ng tutulugan ng aking kaibigan maari ba tayong magpalit?" Tanong ni Hyung Suk sa isa sa mga karoomates namin.

"Walang problema mahal na Prinsipe"

Sa bandang dulo tabi ng pader ang aking naging higaan inayos ko narin ang aking mga gamit damit na ipinahiram sa akin si Hyung Suk

"Maganda kung magiging mag kaibigan tayong lahat dito kaya uumpisahan ko na ang pagpapakilala" ani ng isang lalaki ng guwapo din naman at napaka tangkad na lalaki. "Ako si Min Hyun Jin ang pinaka guwapo sa buong mundo"

 "Ako si Min Hyun Jin ang pinaka guwapo sa buong mundo"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Chopstick (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon