Ng makalapit na kami sa Pahingahan ay isang nakangising Hyung Suk ang sumalubong sa akin. Sinundan ko naman ng tingin si Han Ji na dumaretso sa kaniyang higaan at pumikit.
Nawala lang ang tingin ko dito ng higitin ako palabas ni Hyung Suk.
"Bakit ka ba nanghihigit?"
Umupo kami sa mga bench na mayroon ang palasyo na may malawak ding pond na may mga isda.
"Kaya ka ba nag paiwan para makasama mo si Han Ji?" Nakangising ani nito
"Tinutukso mo ba ako? Hindi ba sabi ko sayo susubok akong pumana at alam mo ba kaya ko na!"
"Talaga? Ang bilis naman"
"Tinuruan ako ni Han Ji alam mo mukha lang siyang Masungit pero mabait naman siya"
Muli itong ngumisi at parang nang aasar
"Mayroon kang pag hanga sakaniya no? Aminin mo yiee!"
Hinampas ko naman ito sa braso
"Ano bang mga pinagsasabi mo diyan! Wala no! Tsaka ang ingay mo talaga! Mamaya may makarinig ano pa isipin nila!"
"Ano naman kung may makarinig? Natatakot ka ba na baka malaman nilang--" tinakpan ko naman kaagad ang bibig nito.
"Ang ingay mo talaga! Baka malaman nila na babae ako! O isipin nilang bakla ako dahil may gusto ako kay Han Ji eh wala naman talaga!"
Tinangal naman nito ang kamay kong nakatakip sa kaniyang bibig.
"Nako! Kunwari ka pa! Kung makatitig ka nga kanina! Iba eh!"
"Sige! Oo na! Nagagandahang lalaki ako sakaniya pero wala akong pag tingin sakaniya"
"Oh kita mo na! Nagagwapuhan ka sakaniya!"
"Bahala ka nga diyan!" Sabay tayo ko at dare daretsong naglakad pabalik sa silid.
"Pag mas lalo mong pinag kaila baka mas mahulog ka lalo Kimchi! Hahahha" pahabol na sigaw ni Hyung Suk.
Hindi ko na ito nilingon at dare daretso akong naglakad papasok sa silid pag bukas ko ng pinto ay nagtama kaagad ang tingin namin ni Han Ji at agad ko namang iniwas ang aking tingin.
Humiga ako sa aking higaan at tumingin sa kisame. Tumingin ako sa aking kanan at nakapikit na Han Ji ang aking nakita.
Never akong maiinlove sayo okay? Ayoko sa mga mukhang bad boy sabay pikit ko ng aking mga mata hangang sa ako'y nakatulog na.
Kinabukasan ay muli kaming bumalik sa pag eensayo sa espada at pag gamit ng Gakgung isang Linggo kaming nag ensayo sa pag gamit nito hangang sa lahat kami ay natuto.
"Natutuwa ako sa isang linggo nating pag eensayo lahat kayo ay natuto at mabilis turuan" Nakangiting ani ni Master Siponen "Kaya dalawang araw ko kayong pag bibigyan na lumabas dito sa palasyo ng pag sasanay tuwing Sabado at Linggo ay puwede kayong gumala o umuwi sainyong bahay"
Napuno naman ng hiyawan ang buong silid aralan lahat kami ay natuwa dahil may pa weekend break si Master Siponen.
Lahat kami ay masayang bumalik sa silid ang iba ay dumaretso sa kanilang bahay upang makasama ang kanilang pamilya.
"Saan mo gusto pumunta Kimchi?"
"Ha? Hindi ka ba uuwi Hyung Suk?"
"Palagi ko naman sila nakakasama ikaw ang iniisip ko dahil wala ka namang pupuntahan alam ko na dadalhin kita sa Bayan" Nakangiting ani nito. Mabuti na lamang at natakasan namin ang kaniyang babaeng kapatid.
Naglakad kami patungo sa bayan napakaraming kung ano anong tinda ang aking nakita natutuwa din ako sa dami ng mga tao.
"Ito bagay ito sa iyo!" Sabay suot sa aking buhok ng isang Binyeo

BINABASA MO ANG
Chopstick (COMPLETED)
Historical FictionAlam kong darating ang araw na ito ang iiwan mo ako ang magkakahiwalay tayo ilang beses ko man hinanda ang aking sarili masakit parin talaga. Narinig ko ang lahat gusto kitang pigilan pero alam kong hindi puwede dahil hindi tayo ang para sa isa't i...