Alam kong darating ang araw na ito ang iiwan mo ako ang magkakahiwalay tayo ilang beses ko man hinanda ang aking sarili masakit parin talaga.
Narinig ko ang lahat gusto kitang pigilan pero alam kong hindi puwede dahil hindi tayo ang para sa isa't i...
Parang tumigil ang mundo ko sa sinabi ni Han Ji. Inusod ko ang suot ko pambaba at nanlaki ang mata ko ng may dugo nga
Sh*t meron ako! Kaya pala nasakit ang tiyan ko kanina
"Kimchi anong ibig sabihin nito!" Hawak parin nito ang aking braso kaya nararamdaman ko ang pagdiin ng kamay nito.
"May...sugat...ata ako!" Pagdadahilan ko habang nakatingin sa lapag hindi ko siya kayang titigan sa tingin ko ay malalaman niya na nagsisinungaling ako.
"Hindi ako tanga Kimchi sabihin mo sa akin ang totoo!" Sigaw nito napatingin narin sa amin ang iba naming mga kaibigan dahil sa galit na sigaw ni Kimchi.
Namumuo na ang luha sa aking mga mata hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"Anong nangyayari dito? Nagtatalo ba kayo?" Ani ni Min Yun
"Bitawan mo siya! Nasasaktan mo na siya!" Sigaw ni Eun Woo habang masama ang tingin kay Han Ji
Parang napaso naman na biglang bumitaw si Han Ji at doon lamang nagtama ang aming paningin.
Dinampot ko ang tela na dala ko na parang bag at kumuha ng damit at ipinantakip sa aking likuran mabilis akong tumakbo palayo sa ilog upang umuwi narinig ko pa ang pag tawag nila pero wala na akong mukhang maihaharap sakanila.
Nagtatakbo lang ako walang lingunan walang pake sa mga taong nadadangi ko ang mahalaga ay ang makauwi na ako. Tapos na... tapos na ang pagpapangap ko
Ng makarating ako sa aking tinutuluyan ay agad kong inasikaso ang aking sarili parang tanga na walang tigil sa pag iyak pakiramdam ko ay mawawala sa akin ang lahat ang mga mahal kong kaibigan dahil sa pagsisinungaling ko.
Mahihiga na sana ako sa aking higaan ng may narinig akong katok tumayo ako at matagal na tumitig sa pinto habang may kumakatok parin dito.
"Ako ito Kimchi maari ba kitang makausap?"
Binuksan ko ang pinto at tumingin kay Hyung Suk bakas sa mukha nito ang lungkot at awa mabilis ako nitong sinalubong ng yakap.
"Pasensya na kung hindi kita nagawang protektahan pasensya na kung wala ako ron para pag takpan ka"
Ngumiti na lamang ako ng malungkot dito.
"Wala kang kasalanan naging pabaya ako sa aking sarili hindi ko akalain na dadatnan ako ngayong araw."
Matagal kaming nanahimik ng basagin ito ni Hyung Suk at may inilapag na kahon na may pambalot na tela na kung tawagin dito ay Bojagi
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
A bojagi is a traditional Korean wrapping cloth. Bojagi are typically square and can be made from a variety of materials, though silk or ramie are common. Embroidered bojagi are known as subo, while patchwork or scrap bojagi are known as chogak bo.
"Ano ito?" Agad kong tinangal ang pagkakabuhol nito at nagulat ako dahil ang nilalaman nito ay ang damit na binili ko nung nakaraan. "Paano?-"
"Ipinabibigay niya sa akin iyan. Siya rin ang nagtahi niyan humihingi siya ng tawad dahil nasira niya iyan"