Kabanata 46

2 0 0
                                    

Naiwan akong nakatanga at nakanganga habang sinusundan ng tingin ang papalayong si Mr. Do Ji Han.

Let's go on a date daw? Potakers!

Tumunog ang aking cellphone kaya agad ko itong kinuha at sinagot ang tawag.

"Ma'am ano pong gusto niyong orderin ko na dinner?"

"Ah may date ako"

"Date ma'am? Naks naman luma lovelife" pang aasar sa akin ni Anna ang sekretarya ko.

"I mean dinner kakain ako mag isa sa restaurant dito sa baba"

"Okay po maam hihi"

Muling tumunog ang cellphone ko hudyat naman na may nag message sa akin sa instagram.

Do Ji Han started following you...

I don't have your phone number so I message you here follow me back okay? See you @7pm later

Ang tagal kong nakatunganga sa DM niya seryoso pala siya pukinginamerge!

Tinignan ko ang oras sa relo ko at nanlaki ang mata ko ng 6:58 na tumakbo na ako pabalik sa suite ko muntik pa akong magkanda dulas dulas dahil sa snow pero dahil maganda ako hindi ako nadulas duh!

Agad kong hinubad ang mga damit ko at dumaretso agad ako sa shower upang maligo.

Kanina pa tunog ng tunog ang doorbell pero hindi ko pinansin dahil busy ako sa pagligo. After 20 minutes lumabas din ako.

"AY! Putangina!-" gulat ko ng bumungad sa akin ang mukha ni Mr. Do Ji Han napatakip ako sa katawan ko kahit naka bathrobe ako.

Namula naman ang pisngi nito at tumalikod.

"Sorry ang tagal mo kasi eh kanina pa ako doorbell ng doorbell sabi ko 7pm tayo magkita pero kanina ka pa wala kaya tinanong ko na kung saan ang room mo"

"Hindi ka makapag hintay! Bwiset ka sa labas ka muna magbibihis ako!"

"Okay sorry" Mabilis na sinara nito ang pinto.

Nagbibihis ako ng bumukas ang pinto kung saan naka konekta ang room ni Anna.

"Hala! Maam asan si pogi?"

"Anna! Bakit mo siya pinapasok"

"Maam may date daw po kasi kayo kanina pa doorbell ng doorbell naririndi ako"

"Hayst next time huwag ka basta basta magpapasok"

"Noted maam kahit boyfriend mo po siya hindi ko po siya papapasukin sa sunod"

"Oh my gosh! He's not my boyfriend!" Reklamo ko habang naglalagay ako ng lipstick.

Tumawa naman ng palihim si Anna at bumalik sa kaniyang kuwarto.

Ng matapos na ako ay lumabas na ako ng suite ko Napakunot ang noo ko ng walang Mr. Do Ji Han ang bumungad sa akin.

Pota pinagloloko ata ako ng lalaking iyon!

Muli kong binuksan ang aking pinto ng may humigit sa aking kamay.

"Tara na?"

Tinignan ko naman ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko at mabilis ko itong tinangal at kumuha ng alcohol sa aking bag at nag spray sa kamay ko.

"Wow! Ang arte ah!"

Nginisian ko naman ito at nauna na akong maglakad patungo sa elevator.

Tahimik lang kami sa elevator ng bigla itong magsalita.

"Saan ang lamay? Taray ah! Itim na itim"

Tumaas naman ang kilay ko at tinaasan ito ng kilay

"Excuse me! Lamay mo gago!"

"Hahahaha ang initin naman ng ulo mo hindi ka na mabiro mabuti na lamang at marunong at nakakaintindi ako ng tagalog kundi katakot takot na mura na siguro ang pinagsasabi mo sa akin ng wala akong kaalam alam"

Ang daldal...

Napa siring nalang ako at ng bumukas ay dare daretso na akong naglakad sa pool side kung saan may restaurant doon.

Muli na naman akong hinigit ni Mr. Do Ji Han.

"Hey! Huwag mo naman masyadong ipahalata na excited ka sa date naten" sabay ngisi nito.

"Hindi ako excited!" Sabay upo ko sa isang bakanteng upuan at lamesa agad din naman siyang umupo sa harapan ko.

May mga napapatingin sa side namin dahil artista ang kasama ko.

Tinaas ko ang kamay ko para umorder. Agad namang lumapit ang waiter.

"Ako na ang bahalang umorder sa atin marami akong alam na masarap dito" nakangiting ani ni Mr. Do Ji Han

"Sige lang bida bida" bulong ko

"Ang attitude mo sis!" Ani nito ng makaalis na ang waiter pagka kuha ng inorder niya Bakla baklaan nito kaya hindi ko maiwasan ang matawa.

"You are beautiful when you smile"

Nawala naman ang ngiti ko at tinaasan ko siya ng kilay.

"I Fucking know right!"

"Yabang! Hahaha"

"Duh! Hahaha"

Ng matahimik kami ng ilang oras ay binasag ko ito.

"Ahm Mr. Do Ji Han ba talaga ang pangalan mo?"

"Ahm yeah! And call me Ji Han nalang" nakangiting ani nito.

Iniwas ko ang tingin ko dahil si Han Ji ang aking nakikita...

"Do you know me? Or do you think you have seen me before?" Sabay tingin ko dito

Sumandal naman ito sa kaniyang upuan at nag isip.

"Sa tingin ko hindi pa.. Kanina lang kita nakita at nalaman ang pangalan mo doon sa Fashion Show"

Hindi siya si Han Ji...

"Ah okay" Nawala ako sa mood at nalungkot kaya ng dumating ang pagkain ay nanahimik lang ako paminsan minsan ay sinasagot ko ang mga tanong niya tungkol lang naman sa pag dedesign ko.

Wala naman siyang kasalanan kung umasa ako na si Han Ji siya kamukha lang naman kasi siya kaya nagpasalamat parin ako sakaniya ng matapos ang dinner namin.

"Thank you sa dinner! I need to go na"
Pinagpilitan niya kasi na siya ang mag bayad sa kinain namin.

"I hope you enjoy our date?"

"Yes I enjoy our friendly date sige na pasok na ako" ngumiti ako dito bago ako pumasok sa suite ko.

Napasandal naman ako sa aking pinto at para akong nawalan ng lakas at napaupo sa lapag.

Tuloy tuloy at walang tigil ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.

Tumayo ako at naglakad patungo sa balcony napatingin ako sa bracelet na suot ko na kahit kailan ay hindi ko hinubad. Na nagsisimbolo sa pagmamahal ko kay Han Ji kahit sinira niya ang bigay ko sakaniya ay iningatan ko ng mabuti ang sa akin.

Tumingin ako sa langit at tinignan ang mga bituin. Muling bumalik sa akin ang mga alaala namin ni Han Ji

Akala ko ba gagawa ka ng paraan para magkita at magkasama tayo ulit? Wala yata talagang panahon ang nakalaan para sa ating dalawa Han Ji Umasa ako na maaring siya ay ikaw alam kong mali pero hindi ko lang matangap na hindi yata talaga tayo pagtatagpuin pang muli...

Itutuloy...

(C) Only Reminds me of you by mymp

-------------------------------------------------------------
Please don't forget to Follow, Vote and add this story to you library Thanksyou!😗💙

LexAndrA_Togepi

Chopstick (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon