Alam kong darating ang araw na ito ang iiwan mo ako ang magkakahiwalay tayo ilang beses ko man hinanda ang aking sarili masakit parin talaga.
Narinig ko ang lahat gusto kitang pigilan pero alam kong hindi puwede dahil hindi tayo ang para sa isa't i...
Sa bayan ng Dyoeson maghahanap sila Hyun Jin, Min Yun, Joon Nam at Ho Seok at Hyun Ngi sa bayan naman ng Nyoeson sila Sik Hyun, Eun Woo, Joon Seo at Ho Rang at sa Chyoeson naman ay kaming tatlo nila Hyung Suk at Jung Kye dahil ito ang pinaka mailap na bayan kaya kailangan ay kakaonti lang kami.
Nauna ng lumakad ang dalawang grupo dahil mas malayo ang kanilang lalakbayin at habang kami naman ang pinaka delikado at lahat naman kami ay nagkaroon na ng mga plano at paghahanda para sa araw na ito.
"Kailangan nating mag pangap na isa tayong kawal ng Dyoeson upang makapasok tayo" ani ni Hyung Suk sabay abot nito sa amin ng kasuotan na pang kawal agad naman kaming nagpalit na tatlo.
Sumakay kami sa tatlong kabayo na may hatak hatak na mga pagkain inumin na kailangan namin upang kami ay makapasok sa Dyoeson madaling araw ang naging plano namin upang maglakbay upang mahaba ang oras namin upang mag hanap.
Nag papahinga kami saglit paminsan minsan dahil medyo malayo rin ang aming lakbayin para rin makapag pahinga at makakain ang mga kabayo na aming gamit.
Nakaupo kami sa lilim ng isang malaking puno kakatapos lang naming kumain.
"Kanina ka pa tingin ng tingin may gusto ka bang sabihin?" Malamig na ani ni Hyung Suk
Napalingon naman ako dito dahil nagtataka ako kung sino ang sinasabihan nito naabutan ko na lamang na magkatinginan silang dalawa ni Jung Kye
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Matagal na namayani ang katahimikan sa dalawa halatang nag dadalawang isip pa si Jung Kye kaya lumayo ako ng kaonti upang makapag usap ang dalawa.
"Ahm..sa oras na makabalik na tayo sa Hyoeson yayain ko ng magpakasal si Xan Lex kung okay lang sa iyo?" Sabay tungo ni Jung Kye.
Napatingin naman ako kay Hyung Suk ng ngumiti ito pero may bahid na lungkot parin sa mga mata.
"Bakit naman hindi magiging okay sa akin?"
"Ah kasi di ba-"
Pinutol kaagad ito ni Hyung Suk.
"Alam kong mamahalin mo siya higit sa kaya kong ibigay alam ko rin na nagmamahalan kayong dalawa kaya sino ako para pigilan kayong sumaya? Parehas kayong mahalaga sa buhay ko dahil kayo ang pinaka matalik kong kaibigan"
Napatingin si Jung Kye kay Hyung Suk at hinila ito upang mayakap
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.