Napangiti ako ng makarating kami sa Hyoeson dahil nakita kong ligtas ang mga kaibigan ko. Pero nawala ang ngiti ko ng makita kong nakaluhod si Xan Lex habang yakap ni Hyung Suk at naiyak.
Agad naman akong bumaba sa kabayo at lumapit dito napatingin sa akin si Xan Lex at sa akin naman ito yumakap.
"Hindi..parin siya nagigising Kimchi"
"Patawarin mo ako Xan Lex ako ang may kasalanan"
Umiling ito at tumayo isinabay niya ako sa pag tayo.
"Wala kang kasalanan ang mga Dyoeson ang may kasalanan"
Muli itong lumingon sa pintuan kung saan kasalukuyang ginagamot si Jung Kye. Maya maya lang ay lumabas na ang doktor.
"Natangal ko na ang lason na kumalat sa kaniyang katawan ligtas na siya. Hayaan niyo nalang muna siya mag pahinga at maya maya lang ay gigising na rin siya"
Nagpasalamat naman kami sa doktor at sabay sabay na pumasok sa silid ni Jung Kye hindi namin alintana kung siksikan kami sa loob.
Tahimik lang kami sa loob hangang sa lumipas ang mga oras.
"Xan Lex..."
Napalingon kami ng magsalita si Jung Kye napaluha naman si Xan Lex at agad na nilapitan si Jung Kye hindi rin naming maiwasan ang maluha dahil sobrang nag alala talaga kami.
Mabuti na lamang at walang nangyaring malala kay Jung Kye dahil hindi talaga kakayanin ng aking konsensya.
Ng maihatid na namin sa bahay si Jung Kye at umuwi narin kami sa sari sarili naming tirahan upang makapag pahinga si Jung Kye ng maayos.
Naunang umalis si Hyung Suk at Han Ji dahil ipinatawag sila sa Palasyo. kaya mag isa akong naglalakad ngayon pauwi.
"Maari ba kitang ihatid?" Napalingon ako sa aking likuran ng may mag salita.
"Oh Eun Woo ikaw pala... nga pala salamat sa pag tulong sa akin sa paghahanap ng talaarawan na kailangan ko"
"Walang anuman" tumawa ito kaya napalingon ako sakaniya.
"Bakit ka natawa diyan?"
"Natutuwa lang ako kasi ngayon nalang ulit tayo nagkausap"
"Eh ikaw kasi iniiwasan mo ako"
"Masyado pala akong halata hehe.. ahm kasi gusto ko lang dumistansya pag kasi nakikita kita o malapit ka sa akin pakiramdam ko ay maririnig mo ang sigaw ng aking puso"
"Sana all nasigaw ang puso hahaha" pagbibiro ko
"May gusto pala akong itanong"
"Ano yun?"
"Kayo na ba ni Han Ji?"
Napaubo naman ako kahit wala naman akong iniinom.
"Hindi noh!"
"Bakit naman? Halata naman sa mga tinginan niyo na mahal niyo ang isa't isa"
Lah masyado ba kaming halata?
"Alam mo naman yung sitwasyon ko hehe"
"Iniibig parin kita Kimchi" Napaangat ako ng tingin dito at hindi malalaman ang sasabihin "Pero magpaparaya ako. Dahil alam kong talo ako pero hindi ibig sabihin na sumuko ako saiyo ay hindi na kita mahal at hindi ako magaalala saiyo"
"Pasensya na talaga Eun Woo"
"Pasensya na kung ngayon ko ito sinasabi ang bigat na kasi eh. Pero ngayon ang gaan gaan na ng pakiramdam ko"
BINABASA MO ANG
Chopstick (COMPLETED)
Historical FictionAlam kong darating ang araw na ito ang iiwan mo ako ang magkakahiwalay tayo ilang beses ko man hinanda ang aking sarili masakit parin talaga. Narinig ko ang lahat gusto kitang pigilan pero alam kong hindi puwede dahil hindi tayo ang para sa isa't i...
