"Kimchi! Kimchi!"
Kahit hinang hina ako ay iminulat ko ang aking mga mata at dahil narin sa pag alog sa akin ni Han Ji. Nasa isang tago at mapunong banda kami ng kagubatan.
"Magsalita ka anong nararamdaman mo!"
"Nang..hihi..na aak-o"
"Tatakpan ko ang tama ng pana sa iyong likuran hindi ko maari itong hugutin dahil lalong durugo. Dadalhin kita agad sa pagamutan sa oras na makabalik tayo sa Hyoeson"
Pumilas ito sa mangas ng suot niya at tinakpan ang dumudugong sugat sa aking likuran.
Pumatak ang malalaki at malakas na ulan na lalong nagpahirap sa aming dalawa. Dahan dahan niya akong binuhat at isinakay sa kabayo at ng makasakay narin siya sa kabayo ay niyakap niya ako paharap sakaniya.
"Pasensya na sa ating puwesto hindi kita maaring idapa sa kabayo dahil baka masaktan ka at kailangan kitang hawakan ng mabuti"
Sa bawat pagtalon ng kabayo dahil sa hindi pantay pantay na lupang dinaraanan namin ay nakaramdam ako ng matinding sakit na kalaunan ay nawawala rin kaagad.
"Pakiusap huwag kang bibitiw Kimchi kakayanin natin ito"
Kahit hinang hina ako dahil sa tinding sakit ay nagawa kong tumango kay Han Ji.
Halos mawalan na ako ng malay ng kami ay tumigil at kaagad akong binuhat ni Han Ji.
"Doktor! Natamaan siya ng pana gamutin mo siya pakiusap!"
Padapa nito akong inihiga sa isang sapin muli na namang umatake ang masakit na pakiramdam na buong katawan ko ay dinadamay.
"Kailangan kong alisin kaagad ang pana na nasa kaniyang likuran"
Hawak pa lamang ng doktor ang pana na nakatusok sa aking likuran ay masakit na lalo na ng hinugot nito kaya hindi ko maiwasan ang hindi mapasigaw.
"May lasong tinataglay ang panang ito na nagdudulot ng labis na sakit sa kaniyang buong katawan panghihina, pamamanhid at pagkawalan ng malay at ang matindi ay kamatayan"
Kung ano ano pang ibinuhos at ipinahid sa aking sugat hangang sa nandilim ang aking paningin.
"Mabuti at gising ka na" salubong sa akin ng doktor ng makita nitong gising na ako. Lumapit ito sa akin at kinapa ang aking pulsuhan. "Mukhang mabuti na ang iyong lagay mabuti na lamang at hindi ganon kalakas ang lason na tinataglay ang panang tumama sa iyo kaya naagapan ko pero aminado akong nag alala ako dahil isang linggo kang tulog"
"Isang Linggo!?"
"Oo ang ibang nalalason ng Syoeson ay tatlong araw lang ay gumigising na
Ikaw pa lamang ang isang linggo kaya talaga nagalala ako na baka hindi ka na magising pabalik balik na nga dito si Ginoong Han Ji Hyung Suk at ang mga kasamahan mo pa sa tingin ko ay papunta narin sila dito araw araw silang bumibisita"At hindi nga nagkamali ang doktor dahil padabog na bumukas ang pinto at nag uunahang pumasok ang tatlong itlog.
"Kimchi! Mabuti at gising ka na!" Ani ni Joon Nam
"Nag alala talaga ako saiyo Kimchi!" Ani ni Jung Kye agad naman itong hinawakan sa mukha ni Min Yun at pinaalis
"Ikaw lang ba! Kami din nag aalala masyado kang makasarili!" Ani ni Min Yun
"Anong makasarili don! Ikaw ah! Namumuro kana sa akin palagi mo akong kinokontra!"
Magpapambuno na sana ang dalawa ng magsalita si Hyun Jin.
"Puro kaya talong dalawa ah! Itatapon ko na kayo sa ilog!"
Sumimangot naman si Min Yun at Jung Kye at nagtinginan at sinamaan ng tingin su Hyun Jin at sabay na binuhat palabas ng silid. Mukhang sa labas na naman magrarambol ang mga ito.
"Hayst! Parang mga isip bata kamusta na ang lagay mo Kimchi?" Tanong ni Ho Seok.
"Okay na ang aking pakiramdam maraming salamat sa pagdalaw niyo"
"Nangungulila na nga kami saiyo lalo itong si Han Ji palagi kang bukang bibig" ani ni Hyung Suk
Bigla namang nasamid si Han Ji at napa ubo.
"Sobrang nagalala kasi ako saiyo" ani ni Han Ji
"Huwag kang mag alala okay na ako"
"Mabuti kung ganon" ani naman ni Eun Woo at hinawakan ang aking kamay "Sana ay makabalik ka na sa ating pagsasanay ako na ang bahalang magturo saiyo ng mga napagsanayan namin habang wala ka"
"Talaga? Salamat Eun Woo!" Sabay ngiti ko dito.
"Lalabas na muna ako" Malamig na ani ni Han Ji at padabog na isinara ang pinto.
"Anong nangyari doon? Galit ba siya?" Tanong ni Joon Nam
"Paano mo naman nasabe?"Yun Ngi
"Idinabog ang pinto eh! Mabuti hindi nasira nakakatakot talaga ang kaniyang presensiya! Huhu" ani ni Ho Seok.
"Hahahaa nagseselos lang siguro iyon!" Ani ni Hyung Suk sabay tawa nito tumigil lamang ito ng sinamaan ko ito ng tingin.
Kinabukasan ay pinayagan na akong makaalis ng doktor si Hyung Suk ang sumundo sa akin.
"Ako lamang ang sumundo saiyo dahil ako lamang ang pinayagan gusto sanang sumama ng iba"
"Pati si Han Ji?"
"Hindi naman siya nagsabi na gusto ka niyang sunduin tsaka bumalik na naman siyang tahimik walang imik at seryoso sa bawat pag eensayo namin"
Ani ni Hyung Suk habang naglalakad kami papunta sa Palasyo ng pagsasanay. "Sa tingin ko rin ay bukas ay ipapatawag tayo sa Palasyo""Sa tingin mo galit sa atin ang Hari? Hindi nag tagumpay ang pakikipag sunduan natin sa Syoeson"
"Simula nung araw na makabalik tayong lahat sa teritoryo ng Hyoeson at nalaman ng aking ama ang ginawang pang babastos ng hari ng Syoeson sa aking babaeng kapatid ay talagang nagalit ang aking ama at pumayag sa gustong digmaan ng Syoeson"
"Ibig sabihin ay may digmaan ngayon dito? Bakit parang hindi naman magulo!"
Tumingin ako sa mga mamayanan na patuloy parin sa pagbebenta sa bayan at sa mga taong namimili."Hindi pa naman kasi sumusugod ang Syoeson at hindi pa sila nagbibigay ng banta pero nakahanda ang buong Hyoeson. Lamang tayo sa mga tauhan at armas pero magagaling sa mga lason ang Syoeson kaya nagpaplano pa ng mabuti sa palasyo"
"Kaloka naman kasi iyang hari ng Syoeson may pagka pranning ata! Jusme! Ang guwapo pa naman niya! Kamukha niya rin ang artista sa panahon ko!"
"Artista? Ano iyon?"
"Mga taong lumalabas sa telebisyon basta pag naisama kita sa panahon ko ipapakita ko saiyo huwag ka ng matanong muna sa ngayon dahil hindi mo rin maiintindihan hanga't hindi mo nakikita"
Ng makabalik na kami sa Palasyo ng pagsasanay ay tama nga ang sinabi ni Hyung Suk ng mapatingin ako kay Han Ji nakaupo ito sa gilid na tahimik lamang at nakatulala at hindi namamansin.
Itutuloy...
Happy Birthday!! BTS RAPMONSTER (KIM NAMJOON💜)
-------------------------------------------------------------
Please don't forget to Follow, Vote and add this story to you library Thanksyou!😗💙LexAndrA_Togepi

BINABASA MO ANG
Chopstick (COMPLETED)
Historical FictionAlam kong darating ang araw na ito ang iiwan mo ako ang magkakahiwalay tayo ilang beses ko man hinanda ang aking sarili masakit parin talaga. Narinig ko ang lahat gusto kitang pigilan pero alam kong hindi puwede dahil hindi tayo ang para sa isa't i...