"Oh andito na pala sakto at tapos na kami mag ayos dito"
"Oh edi sinulan na natin ang inuman" sigaw ni Ho Seok na palaging masiyahin kahit ata batukan ko ito at masaya parin ito. "Aray! Hahaha bakit mo hinampas ang aking ulo?"
"Tinignan ko lang kung nakangiti ka parin kahit batukan kita hahaha!"
Sabay naman kami nagtawanan nito na halos wala ng katapusan.
"Mukhang may kaonting tama na ng alak si Kimchi dahil ng kami ay bumibili ng alak ininom niya lahat ng mga libreng painom sa tindahan hahaha" ani ni Hyung Suk.
"Hoy! Hyung Suk! Hindi pa ako sinabi lasheng!" Reklamo ko.
Magulo pero masaya ang naging kasiyahan namin hangang sa lahat kami ay tuluyan ng nalasing kaya sobra na ang ingay.
"Oh! Han Ji!" Ani ni Hyun Jin
"Ahndito shi Han Ji? Ang magaling na si Han Ji? Ahkala ko bah ay busy siya?" Nilingon ko si Han Ji na nasa tapat ng pintuan kahit umaalon ang aking paningin at dalawa na siya sa aking paningin nagawa ko padin siyang tignan Guwapo eh! "Hey! You! Han Ji! What the feck! Are you doing here huh!?" Totoo nga atang pag lasing ay malupet mag English
"Huh?" Sabay sabay na ani ng mga kasamahan ko.
"Tila naparami ata ang inom niyo lalo na ikaw Kimchi"
"Abha! May problema ka ba sa pag iihnom ko ha!?" Sigaw ko dito.
Naglakad ito papalapit sa akin
"Bhakit ka nalapit sa ahkin ha!?"
Hinila nito ako palabas ng tirahan ni Eun Woo."Ano bah!" Sigaw kong muli dito
Isinandal nito ako sa pader at iniharang ang kaniyang braso upang hindi ako makaalis.
"Oh! Taposh! Lalapit lapit ka ngayon sa akin? Susuyuin mo ako ganon pagkatapos mo akong iwashan ng ilang araw! Aba anong akala mo sa akin Marupok! Hindi ako Marupo-"
"Iniibig kita..." pagputol nito sa akin
"Mahal din kita!" Mabilis pa sa kisapmata na sagot ani ko. Parang nawala lahat ng kalasingan sa katawan ko ng mapagtanto ko ang aking sinabi at napatakip sa aking bibig.
Tumingin naman ito sa akin na naguguluhan
"Anong ang iyong ibig sabihin? Hindi ko maintindihan gumagamit ka na naman ba ng ibang lengguwahe tulad kanina?"
Nakaramdam naman ako ng kaginhawaan ng maalala kong nag tagalog nga pala ako (Mahal kita)
"Ah! Wala iyon hehe mauna na ako!" Dare daretso akong naglakad pabalik sa bahay ni Eun Woo para akong binuhasan ng malamig na tubig at lahat ng kalasingan ko ay nawala.
Pero muli ako nitong hinila pabalik sakaniya.
"Alam kong nagtatampo ka dahil hindi kita pinapansin nitong nakaraan patawad pinilit ko naman na pigilan itong nararamdaman ko pero ang hirap sa tuwing nakikita kita ay gusto ko agad na hagkan ka"
Nanatili akong nakatitig kay Han Ji hindi ko malaman ang aking isasagot natatakot ako.
"Alam kong iba ito parehas tayong lalaki hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko para saiyo pero isa lang ang alam at sigurado ako na Iniibig kita kahit ano pa man ang sabihin ng iba"
"Mahal kita Han Ji" pagtatagalog kung muli malakas ang loob ko dahil hindi niya naman maiintindihan. sunod naman akong nag Korean "Pero hindi maari..."
"Naiintindihan ko maaring hindi kaparehas ng nararamdaman ko ang nanaramdaman mo para sa akin pero sana ay hayaan mo akong iparamdam sayo kung gaano kita kamahal"
BINABASA MO ANG
Chopstick (COMPLETED)
Ficción históricaAlam kong darating ang araw na ito ang iiwan mo ako ang magkakahiwalay tayo ilang beses ko man hinanda ang aking sarili masakit parin talaga. Narinig ko ang lahat gusto kitang pigilan pero alam kong hindi puwede dahil hindi tayo ang para sa isa't i...