Kabanata 22

3 0 0
                                    

Ipapakasal sa akin si Seo Yin? No way! Sinunod sunod ko ang inom ng alak sa aking baso.

"Talaga kuya? Ipapakasal mo ako kay Kimchi!" Parang nagnining ang mga mata ni Seo Yin habang nakatingin kay Eun Woo

Gusto ko nalang maiyak huhu

"Hindi naman si Kimchi ang humalik kay Seo Yin at alam naman natin na walang pag ibig si Kimchi kay Seo Yin hindi ako makapapayag na hindi mahal ng mapapangasawa niya ang ating Prinsesa" ani ni Hyung Suk sabay kindat sa akin.

Nakaramdam naman ako ng ginhawa sa sinabi ni Hyung Suk

"May punto ka HyungSuk" Ibinalik ni Eun Woo ang tingin niya kay Seo Yin "Ayoko ng malalaman na may hinalikan kang lalaki malinaw ba? Makakarating na talaga ito kay ama at hindi na kita hahayaan na lumapit pa sa mga kasamahan ko lalong lalo na kay Kimchi"

Ngunit parang walang narinig ito ng bigla itong tumabi sa akin at humawak sa aking braso.

"Hindi ko matatangap na wala kang pag tingin sa akin Kimchi! Anong kailangan kong gawin upang ako'y iyong ibigin? Lahat lahat ay ibibigay ko saiyo!"

"Hindi ako para saiyo Seo Yin darating ang araw na maiintindihan mo ako"

Muli akong uminom sa aking baso at napatingin sa aking kaharap na masama ang tingin sa akin.

Isa ka pa Han Ji kupal ka..

Tumayo ito at hinila ako palabas sa kainan.

"Bakit ka nanghihila!" Dare daretso ako nitong hinigit hangang sa likurang bahagi na kami napunta ng kainan na walang nadaan na tao.

"Totoo bang wala kang pag tingin sa Prinsesa?"

"Oo wala ikaw lang naman ang nag iisip na meron eh"

"Hindi mo ba naiisip ang maari niyang maramdaman?"

"Alam mo ang gulo mo! Nung nakaraan iniisip mo na iniibig ko siya tapos ngayon parang pinipilit mo ako na ibigin siya pero hindi maari dahil pareho kami!"

"Parehong ano?"

"Baba-" Napatakip ako sa aking bibig sheyts muntikan ko ng ma gender reveal ang aking self.

"Baba?"

"Ba basta!"

Napatigil kami ng nakarinig kami ng pag sabog. Ang kaninang tahimik na daan kung nasaan kami ay napuno ng taong nagsisigawan at tumatakbo.

Hinila ni Han Ji ang isa sa mga kababaihan na tumatakbo.

"Anong nangyayari?"

"May nagpasabog malapit dito pati na rin sa harapan ng Hyoeson! Pasugod na dito ang Syoeson!" Sabay takbo nito palayo.

Hinugot ko ang aking espada ganon din ang ginawa ni Han Ji patakbo kaming lumabas sa eskinita isang hindi magandang pangyayari ang aming nakita.

Lahat ng madaanan na mga tinda ng mga kawal ng mga Syoeson ay kanilang itinataob at ang iba ay pinagnanakawan pa.

"Parang awa niyo na huwag kayong magnakaw ito lamang ang pinagkukunan ko ng pang gastos para sa aking pamilya" pag mamakaawa ng isang ginang pero parang walang narinig ang kawal dahil panay parin ang bulsan nito ng mga paninda.

Patakbo akong lumapit dito at tinadyakan sa likuran.

"Kimchi! Mag ingat ka!" Sigaw ni Han Ji sabay nakipaglaban ito sa mga kawal na nangugulo.

Pinagdadampot ko ang mga tinda ng ginang at ibinalik dito.

"Umalis ka na! Tumakbo ka na at magtago" sigaw ko dito na kaagad naman nitong sinunod.

Chopstick (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon