"Huhuhu Master Shipunen tama na wala akong kaya kay Kimchi napaka husay niya sa pag gamit ng espada" Pag iinarte ni SeoYin
"Hahaha mahal na Gongju SeoYin kanina ko pa kayo pinagmamasdan hindi ka lumalaban kay Kimchi siya ba ay pinagbibigyan mo? Maari kong palitan ang kaniyang kalaban kung hindi mo seseryosohin ang inyong sparring" ani ni Master Siponen
Napangisi naman ako Ayan! Ang arte mo kasi girl!
Bumusangot naman ang mukha nito at tuloy tuloy akong sinugod.
"Wahhh!" Sabay sugod nito sa akin ilang beses tumalsik ang aking espada dahil hindi naman ako marunong gumamit nito.
Makalipas ang halos isang oras na pagssparring ay natapos din halos lahat kami ay napaupo sa lapag at ako lamang ang halos humiga na.
"Ang iba sainyo ay mahusay na sa pag gamit ng espada ang iba naman ay kailangan pang mag sanay at magpaka dalubhasa kaya kayo ang mas tutukan ko" ani ni Master Siponen.
"Ayos ka lang ba Mahal ko? Pasensya na kung ginalingan ko pero iniwasan naman kitang saktan at sugatan dahil kung papalitan ako ni Master Siponen baka saktan ka ng iyong makakalaban" sabay lapit nito sa akin.
Nalukot naman ang mukha ko at tumayo ako at naglakad dahil nagugutom na ako.
"Mahal ko!" Sigaw pa ni Seo Yin
Kadiri ka girl!! Sabunutan kita eh! Hindi ko ito nilingon dare daretso lang ako naglakad papunta sa silid kainan
Kumuha ako ng plato at sumandok ng mga pagkain parang buffet ang dating ng kainan namin dito at ng makasandok na ako ay dumaretso ako sa isang bakanteng upuan at lamesa
"Huy! Hindi mo na ako inintay" ani ni HyungSuk
"Pasensya na naiirita na kasi ako sa kapatid mo kung makadikit sa akin akala mong tuko"
"Hahaha mukhang tinamaan talaga sayo ang kapatid ko"
"Nakakadiri alam mo yon? Gusto ko na siyang sabunutan"
Natawa lang sa akin si Hyung Suk at ganon na lang ang pag busangot ng mata ko ng tumabi pa sa akin si Seo Yin.
"Huwag ka ng mag tampo sa akin Mahal"
"Seo Yin isa kang Gongju hindi ka dapat umaasta ng ganiyan" ani ng Daegun Eun Woo.
"Tama hindi ganiyan umasta ang isang Prinsesa sa lalaking nagugustuhan niya kung patuloy kang magiging ganiyan mapipilitan akong isumbong ka kay Ama" dagdag ni Hyung Suk.
"Bakit kayo ganiyan sa akin? Huhuhu Wahhh!" sabay ngawa nito.
Agad namang tumayo si Hyung Suk at pinatahan ang kaniyang nakakabatang kapatid.
"Ilang taon ka na ba Kimchi?" Ani ni Seo Yin"
"S-mool-da-seot" (25) ayan daw ang bigkas ng aking edad na itinuro sa akin ni Hyung Suk kung sakaling may magtanong sa akin
"Apat na taon ang tanda mo sa akin? Pero puwede naman iyon handa parin akong magpakasal sa iyo" Confident na ani nito.
Itinuon ko na lamang muli ang aking sarili sa pagkain at hindi na pinansin pa ang pangungulit ni Seo Yin.
Ng makalipas ang 20 minutos na pag papahinga muli kaming bumalik sa pag eensayo tinuruan kami ng mga basics sa tamang pag hawak ng espada ang tanging nangingibabaw sa batch namin ay si Han Ji at Eun Woo dahil talagang pantay ang kanilang galing palagi nga lang nanalo ang tahimik na si Han Ji.
Alas singko ng hapon natatapos ang aming klase o pag eensayo mabilis kong hinigit si Hyung Suk upang taguan ang kaniyang babaeng kapatid.
"Mukhang natatakot ka sa aking kapatid? Hahaha"

BINABASA MO ANG
Chopstick (COMPLETED)
Historical FictionAlam kong darating ang araw na ito ang iiwan mo ako ang magkakahiwalay tayo ilang beses ko man hinanda ang aking sarili masakit parin talaga. Narinig ko ang lahat gusto kitang pigilan pero alam kong hindi puwede dahil hindi tayo ang para sa isa't i...