Dare daretso lang akong naglakad hangang sa makarating ako sa bayan ng Syoeson tinignan ko ang mga nagbabantay dito pero hindi naman ako sinaway kahit na nakita akong galing ng Hyoeson hindi katulad ng una naming punta na parang gusto na kaming patayin nagulat pa ako ng nag bigay pugay pa ang mga ito ng nasa tapat na nila ako.
"Ikinagagalak namin na tumungo sa aming bayan ang isang Hyoeson Dragon Warrior" sabi ng isa sa mga nagbabantay.
Tumango ako sa mga ito at ngumiti at dare daretso na akong pumasok sa Syoeson. Tinignan ko ang buong paligid na hindi ko masyadong nagawa nung una kaming pumunta dito mas maunlad ang bayan ng Hyoeson at mas malaki pero kinakatukat din ang bayan ng Syoeson dahil sa husay ng mga ito sa pag gawa ng nakakalasong mga inumin at khemikal.
Una akong tumungo sa pamilihan at tumingin ng maari kong mabili
Napatingin ako sa isang tindahan na nagbebenta ng Hanbok na para sa mga kababaihan pumasok ako dito at tumingin ng maari kong mabili iba't iba magagandang disenyo ng damit ang aking nakita
"Annyeong" bati sa akin ng isang matanda na sa tingin ko ay may ari ng tindahan "Para ba sa iyong kasintahan? Marami kaming magagandang disenyo dito"
Tumango lamang ako dito hindi ko naman maaring sabihin na ako ang magsusuot dahil base sa suot ko ay panglalaking Hanbok ito.
"Gusto ko sana ay yung simple lamang" ani ko sa matanda
Ngumiti naman ito at naglakad patungo sa kabilang bahagi ng tindahan at may kinuha.
"Eto sigurado akong magugustuhan ito ng pagbibigyan mo simple lamang pero maganda" ani ng matanda habang nakangiti.
Isang kulay pink at gray ang kulay ng hanbok na ipinakita nito sa akin na may mga disenyong bulaklak na talaga namang nagustuhan ko kahit simple lamang ito.
"Napaka ganda nito eto na po ang kukuhanin ko"
Ngumiti ang matanda at ibinalot ang napili kong hanbok iniabot ko naman dito ang pilak upang bayaran ang binili kong damit.
"Ikaw ba ay mula sa bayan ng Hyoeson? Ang mga kagalang galang na sundalo ng Hyoeson?"
Tumango lamang ako dito at ngumiti.
BINABASA MO ANG
Chopstick (COMPLETED)
Fiksi SejarahAlam kong darating ang araw na ito ang iiwan mo ako ang magkakahiwalay tayo ilang beses ko man hinanda ang aking sarili masakit parin talaga. Narinig ko ang lahat gusto kitang pigilan pero alam kong hindi puwede dahil hindi tayo ang para sa isa't i...