Alam kong darating ang araw na ito ang iiwan mo ako ang magkakahiwalay tayo ilang beses ko man hinanda ang aking sarili masakit parin talaga.
Narinig ko ang lahat gusto kitang pigilan pero alam kong hindi puwede dahil hindi tayo ang para sa isa't i...
Nakangiti akong humiga sa aking higaan parang lahat ng sakit na naramdaman ko ay nawala ngayong gabi nilingon ko ang puwesto kung saan ang higaan ni Han Ji at mahimbing na itong natutulog.
"Baka matunaw na iyan!" Napaupo ako ng bumulong sa akin si Hyung Suk.
"Bakit ka nangugulat!" Bulong ko dito. Tumingin naman ito sa akin ng nangaasar at ngumisi may pag turo pang kasama.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Asawa ko din si Taehyung hahahaha
"Parang kahapon lang daig mo pa ang iniwan ng iniibig sa sobrang lungkot mo anong dahilan ng mga ngiti at titig mo kay Han Ji?"
"Napaka ingay mo baka may makarinig sa atin. Tsaka napaka tsismoso mo kalalaki mong tao" sabay higa ko at talukbong ng aking kumot.
"Ikuwento mo sa akin bukas ah!" Pahabol nito ipinikit ko na lamang ang aking mata at natulog.
Kinabukasan ay itinipon kami sa bulwagan ng Palasyo ng Pagsasanay ni Master Siponen.
"Maghanda kayo dahil ipinapatawag tayo sa Kaharian" maiksing ani nito sabay alis.
Bumalik naman kami sa aming mga silid upang mag palit ng kasuotan.
"Pasusugudin ba tayo sa Syoeson? Mukhang hindi natuwa ang hari sa ginawa ng Syoeson" ani ni Joon Nam. Habang nagbibihis nakaupo parin ako sa aking higaan at hinihintay na matapos silang mag bihis.
"Bakit hindi ka pa nagpapalit ng iyong kasuotan Kimchi?" Tanong ni Ho Seok
"Ah mamaya na hehe"
Ng makalabas na ang lahat ay biglang sumilip si Hyung Suk sa pintuan.
"Maari ka ng mag bihis ako ng ang bahalang mag bantay dito sa labas" sabay sara nito ng pinto.
Kinuha ko ang pang pormal na kasuotan naming mga Hyoeson Dragon Warrior ito ang kailangan naming suotin sa tuwing haharap kami sa Hari at sa tuwing kami ay lalaban.
Sumakay kami sa kabayo ang iba naman sa amin ay naglakad.
Pumila kami at hinintay na lumabas ang Hari.
"Hindi ko nagustuhan ang ginawang pag sugod sa atin ng Syoeson pero masaya ako dahil matibay ang ating naging dipensa sa tulong ng magigiting na Hyoeson Dragon Warrior hindi ko na hahayaan na kaya kayanin tayo ng Syoeson kaya pumapayag ako sa gustong digmaan ng Syoeson"
Naghiyawan naman ang mga mamayan lalo na ang mga mahihirap na nawalan ng hanap buhay dahil sa pag sira sa kanilang mga paninda.
"Ipinatawag ko kayo Hyoeson Dragon Warrior upang mag handa sa pag sugod natin sa Syoeson"
"Para sa Hyoeson!!" Sigaw ng kanang kamay ng Hari itinaas namin ang aming mga espada.
Ng matapos ang pagpupulong ay bumalik kami sa Palasyo ng Pagsasanay.