"Grabe ang tindi ng pagsasanay natin sa buong isang linggong ito." Ani ni Mim Yun.
"Para naman kasi sa atin ang pag eensayong ito makakatulong ito kung sakaling bigla tayong sugudin ng Syoeson" ani ni Sik Hyun
"Sa tingin mo ba ay susugod talaga sila? Halos isang linggo na ang lumipas baka naman biro lamang iyon" ani ni Joon Seo
"Hindi nagbibiro ang hari ng Syoeson lalo na pag dating sa pakikipaglaban at digmaan marami na siyang bayan na pina bagsak at sinakop kaya hindi nakakapag taka na yumaman ang bayan ng Syoeson" ani ni Eun Woo
"Kaso nga lang lahat ay dinadaan niya sa dahas ang Korea ay may walong bayan noon pero tinalo nila ang tatlo.
Ngayon ang Hyoeson ang sunod niyang planong sakupin sa tingin ko dahil mayaman ang ating bayan sa ginto" ani ni Hyun Jin"Kung ganon kailangan na talaga na natin ang Hari" ani ni Jung Kye
"Kaso nga lang ay wala atang balak magpakita at magpakilala ang tagapagmana" ani ni Joon Nam
"Hayst!" Sabay sabay na ani nila.
"Huwag kayong mag alala sa oras na sugudin man tayo ng Syoeson nakakasigurado akong hindi sila magtatagumpay" ani ni Hyung Suk.
"Dapat ay nagsasaya tayo ngayon ang araw ng ating pahinga at maari tayong mag gala o umuwi may lakad ba tayo diyan?" Tanong ni Ho Seok
"Kung gusto niya ay puwede sa aking bahay pero bumili na lamang tayo ng ating makakain at inumin huli na kasi kung magluluto pa ako"
Sumangayon naman kaagad ang mga kasamahan namin bali labing tatlo kami na talaga namang magtotropa ang iba naman na kasama namin sa pagsasanay ay mga umuwi na.
"Maari ba akong sumama?" Ani ni Seo Yin
"Hindi!" Ani ni Eun Woo
"Pero kuya! Matagal akong nawala dahil ipinatawag ako ng ama gusto ko lang naman kayong makasama"
"Pero Seo Yin! Lakad ito naming mga kalalakihan! At hindi mo ba naiisip ang iisipin ng makakakita saiyo? Prinsesa ka alam mong kailangan mong protektahan ang titulo mo"
Ani ni Eun WooLumungkot naman ang mukha ni Seo Yin at tumungo lumapit naman agad si Hyung Suk dito.
"Tama ang ating kapatid Seo Yin hindi naman sa hindi ka puwedeng lumabas kasama ang iyong mga kaibigan kaso nga lang ay lahat kami ay lalaki at isa kang Prinsesa hindi bale sa sunod ay lalabas tayong magkakapatid malinaw ba?"
"Oo kuya salamat! Makikinig na ako sa sunod ay sana makasama ako sainyo!" Ngumiti ito sa amin at naglakad na papunta sa kaniyang Gama.
"Kimchi!" Muli kong nilingon si Seo Yin ng tawagin ako nito.
"Baket Gongju Seo Yin?"
"Sa araw ng Lunes ay muli kitang makikita isang linggo akong nawala kaya babawi ako saiyo! Alam mong iniibig kita hindi ba? Kaya hindi ako susuko saiyo! Hihi" sabay sakay nito sa kaniyang Gama.
Napuno naman ng hiyawan ang mga kasama ko sinamaan ko naman ng tingin si Hyung Suk na nakisali pa sa kalokohan kahit alam niya na babae din ako.
"Mukhang tinamaan talaga saiyo ang Gongju Seo Yin Kimchi! Iba ang pagka gandang lalaki mo!" Ani ni Ho Seok
"Tigilan mo ang pagsasalita ng ganiyang Ho Seok at kasama natin ang kapatid ng Gongju"
"Patawad Daegun Eun Woo at Daegun Hyung Suk"
GONGJU-Princess
DAEGUN-Grand Prince"Walang problema tsaka normal naman sa tao ang umibig. Halika na at nasasayang ang oras"
Sabay sabay naman kaming naglakad ng tumigil si Eun Woo.
"Hindi ka ba sasama Han Ji? Halika na"
"Pasensya na pero may aasikasuhin pa kasi ako sa susunod na lang ako sasama sainyo" malamig na ani nito nagkatitigan kami pero iniwas kaagad nito ang tingin sa akin.
Kupal talaga!...
"Ganon ba sayang naman sige sa susunod ay sana ay makadalo ka na sa amin"
"Sige" sabay talikod nito at naglakad.
Ang iba nauna na sa bahay ni Eun Woo at sila Jung Kye, Min Yun at Hyun Jin ang bibili ng aming makakain kami naman ni Hyung Suk ang bibili ng alak.
"Magandang gabi! Daegun Hyung Suk!"
"Magandang gabi din nais kong bumili ng maiinom"
"Ano ba ang gusto niyo? Yung tama lang o yung malakas ang tama? Hahahha"
Hindi naman naming maiwasang matawa sa manong na nagtitinda.
"Kukuha ako ng tig isa"
"Kukuha lamang ako sa loob maari din kayong tumikim ng mga alak na mayroon dito sa labas kung nanaisin niyo"
"Talaga? Salamat!" Kumuha naman ako ng inumanan at sumadyok sa mga banga na pinaglalagyan ng alak at sumadyok at uminom. "Aba! Masarap pala ang inumin niyo sa panahong ito!" Kumuha pa ako sa mga ibang banga at uminom.
"Tama na iyan Kimchi baka malasing ka niyan!"
"Ako? Hindi noh! Kahit unang beses ko itong iinom dito sa tingin ko ay kaya ko naman!"
Binuksan ko pa ang mga ibang banga at kumuha at uminom ng alak.
"Eto na po ang inyong inumin Mahal na Prinsipe pasensya na paghihintay"
"Salamat!" Kinuha nito ang medyo maliit lang na kaonti sa mga banga dito at binuhat ang dalawang banga na may lamang alak. "Kimchi halika na!"
"Sandali! Masarap ang isang ito!"
"Doon na tayo uminom kala kuya. Ganiyan din itong dala ko"
"Talaga? Oh halika na"
Naglakad kami patungo sa bahay ni Eun Woo ng bigla akong napatigil
"May problema ba Kimchi?"
"Tag araw ba ngayon? Bakit ang init!" Sabay paypay ko sa aking sarili.
"Ayan na nga ba ang sinasabi ko alam mo bang malalakas ang tama ng mga ininom mo? Ayan! Mukhang nalalasing ka na tag lamig ngayon ikaw lang ata ang naiintan ngayon! Bukas ay baka umulan na ng unang araw niyebe"
"Talaga? Aba gusto ko iyon! Walang ganon sa amin!"
"Hayst! Pasaway ka talaga" binitbit nito ang dalawang banga habang naglalakad kami patungo sa bahay ni Eun Woo.
"Tulungan na kita sa pagbibit Hyung Suk" ani ni Jung Kye ng makasalubong namin ito.
"Salamat eto kasi si Kimchi ininom lahat ng libreng patikim na alak ayan tinatamaan na tuloy" ani ni Hyung Suk
"Kaya ko pa!" Sabay lakad ko ng mabilis
"Hindi diyan ang daan Kimchi! Hahahaha" sigaw ni Jung Kye.
"Pabalik sa palasyo ng pagsasanay ang daan na iyan si Master Shipunen ang makakainuman mo diyan hahahha!" Ani ni Min Yun.
"Ganon ba? Hahaha saan ba kasi tayo!" Hinawakan naman ako ni Hyun Jin sa braso at inalalayan sa tamang daan.
Sheyts! Tinatamaan na ata ako ng alak na masarap! Apat lang sila pero walo na sila paningin ko...
Itutuloy...
-------------------------------------------------------------
Please don't forget to Follow, Vote and add this story to you library Thanksyou!😗💙LexAndrA_Togepi

BINABASA MO ANG
Chopstick (COMPLETED)
Historical FictionAlam kong darating ang araw na ito ang iiwan mo ako ang magkakahiwalay tayo ilang beses ko man hinanda ang aking sarili masakit parin talaga. Narinig ko ang lahat gusto kitang pigilan pero alam kong hindi puwede dahil hindi tayo ang para sa isa't i...