Kabanata 42

2 0 0
                                    

"Saan mo sila nakuha sis grabe ah!" Pangungulit sa akin ni Nics hindi parin maka move on sa mga kasama ko.

"Sa korea kaya hindi ka nila maiintindihan kung mag tatagalog ka ng mag tatagalog diyan" ani ko habang nagsisimula na akong mag luto ng adobo.

"Ay may budget ka ngayon!? Ako na maglalagay nitong kanin ha? Hihi"
Ani ni Nics sabay kuha nito ng malaking plato na may nakalagay na bagong lutong kanin.

Ang arte pag kami ang magkasama ni Nics ang tamad niyan kumilos eh porket may guwapo lang sa sala iba talaga ang #batangmalandi

Ipinatong nito ang kanin sa lamesa at kumuha ng plato baso at kutsara. Inaarte pa ang puwet niya sa tuwing dadaan sa puwesto ni Hyun Jin. Na busy naman sa pakikipag usap kala Jung Kye.

"Ahm saan ako maaring umuhi?"

"Ay pepe!" Gulat ko ng may mag salita sa aking likuran. "Ah doon sa pintuan na iyon turo ko kay Han Ji.

Umalis kaagad ito malungkot akong napangiti

saglit na oras na nga lang tayo magkakasama hindi pa tayo okay pero mas okay na yun para hindi ka mahirapan na kalimutan ako.

Ng matapos akong mag luto ay sinimulan na kaagad namin ang pagkain.

"Eto tikman mo ito masarap ito" pagpapabida na naman ni Nics kay Hyun Jin sinandukan ito ng adobo "Pero mas masarap ako do you want to try? Hihi" napailing at siring nalang ako dito

Ang harot ng kaibigan ko

Sinipa ko naman ang binti nito sa ilalim ng lamesa tinignan naman ako nito ng masama at muling hinarot si Hyun Jin.

"Bakit nga pala ganiyan ang kasuotan niyo? May costume party ba? Hindi ako na inform"

Napatingin ako sa hanbok na suot namin.

"Ah bagong design ko sila ang model hehe" pagpapalusot ko.

Napatigin ako kala Hyun Jin na naguguluhan sa pinag uusapan namin.

"Pag pasensyahan mo na ang kaibigan ko may sira sa utak iyan" pagsasalita ko ng korean para maintindihan nila Hyun Jin (TAGALOG KO NALANG PARA MAS MADALI! AHHAHA)

"Mukha nga ipagamot mo siya sa sunod" ani ni Hyun Jin

Tawa naman ako ng tawa natigil lang ako ng sipain ako ni Nics.

"Anong sabi niya?"

"Hindi ka daw niya bet! Hahaha"

"Ay gago!" Nagulat ako ng hawakan ni Nics ang mukha ni Hyun Jin at pinaharap sakaniya at mabilis na hinalikan.

Halos mabulunan ako sa kalandian ng kaibigan ko.

"Ano ba Nics!" Saway ko dito

Ang harot harot ng gaga!

"May girlfriend ba siya?"

Tinawag ko naman si Hyun Jin na namumula ang buong mukha pati ang tenga.

"May kasintahan ka na ba?"

"Wala! Pero ngayon baka magkaroon" sabay tingin nito kay Hyun Jin. "Ang ganda ng iyong kaibigan"

Emegesh!

"Anong sabi?"

"Secret!" Sabay belat ko kay Nics

"PUTANGINA!" Reklamo nito

Ng matapos kumain ay naghugas kami ni Nics gusto niya daw akong tulungan pero ang totoo chichismiss lang ito sa akin.

"Girl! Yung boylet mo bakit parang bato lintik walang imik magkaaway kayo?"

"Ikukuwento ko sayo next time pero hindi ako sure kung maniniwala ka"

"Ang guwapo talaga niya sis! Pati yung dalawa pero siya talaga bet na bet ng pempem ko eh!"

Nalukot naman ako mukha ko sa sinabi ni Nics.

"Ang baluga mo! Huwag mong haharutin si Jung Kye ikakasal na iyan"

"Aba oo naman sinabi ko lang naman na pogi... si Hyun Jin lang talaga ang tinitibok ng aking puso" nagulat ako ng bigla ako nitong hampasin sa braso "Pero ano na hindi mo ako sinagot kanina nag sex na ba kayo!?- Aray!"

Winisikan ko kasi ng sabon ang mukha niya iyon nga lang napunta sa mata niya.

"Mga lumalabas sa bibig mo ang dumi! Syempre walang ganon na nangyari boba ka!"

"Ang hina mo talaga! Bulok na iyan!" Tukoy niya sa aking pagkababae.

"I don't care! Nga pala hangang ngayon lang sila dito aalis din sila kaagad mamaya"

"WHAT!? Paano ang bebe Hyun Jin ko!" Nalaman niya ang pangalan dahil no choice ako kinulit ako ng kinulit

"Kahit gusto natin makasama ang isang tao kung panahon ang naglalayo sa atin sakanila wala tayong magagawa"

"Wow! Ang lalim ah diyan ka na nga! Susulitin ko lang ang bebe time namin ni Hyun Jin bakit naman kasi aalis agad eh!" Sabay pakembot kembot na lakad nito at umupo sa kandungan ni Hyun Jin na gulat na napatayo sa pag upo ni Nics kaya nahulog ito sa lapag.

Hindi ko maiwasan ang matawa ang harot kasi. Napunta ang tingin ko kay Han Ji at kaagad rin akong nag iwas ng tingin ng nakatingin ito sa akin.

Nagyaya na mag swimming si Nics sa pool na mayroon ang mansyon na nabili ko lumublob kaagad si Han Ji ,Min Yun, Jung Kye at Hyun Jin.

Kanina pa ako nagpalit ng blue na swimsuit pero nagsuot ako ng bathrobe habang wala pa naman akong balak maligo.

Napatingin ako ng maglakad ng parang model si Nics habang naka two piece swimsuit nilandian nito ang lakad at inakit akit si Hyun Jin hindi ko maiwasan ang matawa. Agad itong tumalon sa pool at hinarot ng hinarot si Hyun Jin.

Nagsalin ako ng alak sa aking baso gusto kong magpakalasing para makatulog kaagad ako at hindi ko masaksihan ang pag alis niya.

"Maari mo bang salinan ng iniinom mo ang aking inumin?"

Kagat labi kong sinalinan ang baso ni Han Ji halos mawalan ako ng hininga ng umupo ito sa upuan sa aking harap at hinawakan ang kamay kong nasa lamesa.

"Nagulat ka ba ng malaman mo na ako ang tagapagmana ng Hyoeson? Pasensya na kung hindi ko naamin saiyo ang totoo. Alam kong pagbalik ko maraming responsibilidad akong haharapin. Marami rin ang kukuwestion sa akin. Ang araw na malalaman ng lahat na isa akong hari ay ayun din sana ang masayang pangyayari sa buhay ko kasama ang mga kapatid ko kaso iniwan nila ako"

Tahimik lang akong nakatungo hindi ko kayang magsalita.

"Unang kita ko pa lamang saiyo may iba na akong naramdam iyon pala ay sa bawat araw araw na nakikita kita ay lumalalim na pala ang pag tingin ko saiyo. Sinubukan kong pigilan pero mas lalo lang lumalalim. Masaya ako ng araw na sinabi mo na iniibig mo rin ako pero parang dinurog ang puso ko ng sinabi mong hindi mo ako minahal kahit kailan" pagpapatuloy ni Han Ji

Mahal kita...

Hindi ako nagsalita tuloy lang ako sa pag inom ng alak. Hindi ako palainom pero sa tingin ko y kailangan ko nito

"Kakayanin kong mabuhay ng wala ka" napatigil ako sa kaniyang sinabi "Nasanay na ako na palagi kang nakikita ngayon palang ay nahihirapan na akong isipan na sa tuwing gigising ako ay wala ka na? Pero gaya ng iyong hiling susubukan kong kalimutan ka" ani nito sabay tayo at naglakad palayo.

Huwag mo akong kalimutan... kasi ikaw hinding hindi ko malilimutan at kung gaano kita kamahal...

Pumatak ang luha sa mga mata ko habang pinapanood siya maglakad palayo. Matagal ko ng pinaghahandaan ang araw na ito ang araw na masasaktan ako...

Itutuloy...

(C) Hiling by Mark Carpio

-------------------------------------------------------------
Please don't forget to Follow, Vote and add this story to you library Thanksyou!😗💙

LexAndrA_Togepi

Chopstick (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon