Kabanata 12

1 0 0
                                    

Nasa likuran kaming bahagi ng palasyo kasalukuyang naghahanap ng pang gatong na kahoy si Han Ji dahil iihawin niya ang isda niyang nahuli.

"Eto sapat na siguro ito" bitbit nito ang limang malalaking pirasong kahoy at sinimulan na nitong lutuin ang isda ng ma apuyan na ito.

"Hindi mo ba gusto ang mga pagkain na hinahanda sa atin?" Tanong ko dito nagkokorean akong salita para maintindihan niya ako.

"Hindi naman sa ganon parang bigla ko lang kasing nagustuhan ang kumain ngayon ng isda"

Ilang minuto ang lumipas at naluto na ang isda.

"Oh sabay na natin itong kainin" sabay bigay nito ng isang isda sa akin.

"Kamsahamnida" pagpapasalamat ko.

"Ilan taon ka na?" Tanong nito sa akin.

"25 ikaw?"

"26 isang taon lang pala ang tanda ko saiyo pero kapansin pansin na maliit ang iyong katawan na parang katawan ng isang babae hindi naman sa nilalait ko ang katawan mo"

Nanlaki ang mata ko masyado ba talagang halata na isang babae ako?

"Hindi kasi ako nagbubuhat kaya hindi lumaki ang aking katawan ng katulad sainyo at siguro sadyang payatin ako" pagdadahilan ko.

"Kumain ka ng marami upang hindi ka ganiyan kapayat kaya simula ngayon sasabayan mo ako kumain sa tingin ko ay nagpapalipas ka ng gutom eh."

"Hahaha hindi naman palagi nga akong gutom"

Ng matapos kaming kumain at maglakad lakad sa palasyo ay napag desisyunan na naming bumalik sa silid pahingahan.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng hawakan ako ni Han Ji sa braso.

"Maraming salamat sa pag sama sa akin ngayong gabi"

"Walang anuman maraming salamat din saiyo sa sunod ay makipag kaibigan ka din sa ibang mga kasamahan natin dito dahil napapansin ko ay palagi kang tahimik at nag iisa"

"Kung ganon maari bang sa tabi kita palagi?"

Double meaning ba yan ses!? Charr...

"Oo puwede naman hehe halika pasok na tayo sa loob"

Pag bukas ko ng pinto ay halos tulog na ang lahat maliban kay Hyung Suk  na nakangisi sa akin ngayon.

Mukhang mang aasar na naman itong hinayupak na ito at hindi nga ako nagkamali dahil pagkaupong pagka upo ko sa aking higaan ay tumabi kaagad ito sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mukhang mang aasar na naman itong hinayupak na ito at hindi nga ako nagkamali dahil pagkaupong pagka upo ko sa aking higaan ay tumabi kaagad ito sa akin.

"Aba! At  may  paglabas labas na kayong dalawa ngayon"

Nilingon ko naman si Han Ji dahil baka narinig nito mabuti na lamang ay nakapikit na ito.

"Mag tigil ka nga diyan at ang ingay mo! Kumain lang kami ng isda at hindi date iyon no!"

"Date?"

Chopstick (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon