Kabanata 28

3 0 0
                                    

Tanghali na pero nanatili parin akong nakahiga sa aking higaan nakakaramdam narin ako ng gutom pero tinatamad naman ako kumilos ito ata ang tinatawag na Love Sick pero traydor ang aking katawan dahil nakaramdam naman ako ng ihi kaya wala rin akong nagawa kailangan ko ng bumangon isinabay ko na rin ang aking pag ligo.

Naglakad ako pabalik sa Palasyo ng Pagsasanay upang kuhanin ang mga gamit ko pang naiwan at ng makarating ako ay nakita ko ang mga iba kong kaibigan na kinukuha rin ang kanilang gamit.

"Kimchi! Grabe pakiramdam ko ay kay tagal kitang hindi nakita kahit ang totoo ay kahapon lang naman hahaha" ani ni Joon Nam.

"Ako rin hinahanap hanap ko kaagad kayo"

"Sa susunod na linggo pala ay maligo raw tayo sa ilog nagyakag kasi itong si Ho Seok" ani naman ni Hyun Ngi

"Oh sige ba walang problema sasama ako"

"Dapat nga ngayon kaso lang ay hindi pala makakasama sila Hyung Suk at Eun Woo" ani naman ni Min Ho

"Oo dahil nasa Palasyo sila"

Padabog na bumukas ang malaking gate ng Palasyo ng pagsasanay kaya napatingin kami dito parang galit na toro na manunugod na pumasok si Sik Hyun dare daretso itong naglakad palapit kay Joon Seo at sinapak ito.

Mabilis na bumunot ng espada ang dalawa at nagharapan

"Sinabi ko na sa iyong huwag kang lalapit kay Gongju Seo Yin!" Sigaw ni Sik Hyun

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sinabi ko na sa iyong huwag kang lalapit kay Gongju Seo Yin!" Sigaw ni Sik Hyun.

"Bakit! Anong pakealam mo! Nagtapat ako ng pag ibig sakaniya at sinusuyo ko siya Bakit nagseselos ka ba?!" Sigaw naman ni Joon Seo.

Mabilis na sumugod si Sik Hyun kay Joon Seo pero dahil hindi handa si Joon Seo ay tumalsik ang espada nito.

Agad namang inawat ni Joon Nam at Hyun Ngi ang dalawa.

Pero mabilis na kumawala si Sik Hyun at dare daretsong umalis ng palasyo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pero mabilis na kumawala si Sik Hyun at dare daretsong umalis ng palasyo.

"Hahahahahaha" Malakas na tawa ni Joon Seo

"Muntik ka ng mapatay kanina natutuwa ka pa" Ani ni Ho Seok

"Dahil inaasar ko lang naman si Sik Hyun hindi totoo na sinusuyo ko ang Prinsesa nilalapitan ko lang ito upang umamin na ng kaniyang nararamdaman si Sik Hyun"

Chopstick (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon