Kabanata 41

6 0 0
                                        

Pumunta ka sa pinakamatandang puno sa Hyoeson bago mo basahin ang mga linyang ito at nakakasigurado ako na makakabalik ka sa iyong panahon.. maaring may maghatid saiyo pero meron lamang siyang isang araw at kailangan niya rin makabalik. Putulin mo rin ang Chopstick kung gusto mong makalimutan ang lahat ng nangyare.

Basa ko sa harapan ng aking mga kaibigan na si Jung Kye, Ho Seok, Joon Nam, Hyun Ngi, Min Yun at Hyun Jin.

"Kung ganon ngayong araw mo kailangang umalis?" Tanong ni Joon Nam.

Tumango lang ako dito at tumingin sa lapag.

"Sasama ako sa paghatid saiyo" ani ni Jung Kye at sila Min Yun at Hyun Jin ang aking makakasama.

Sinamahan nila akong bumalik sa palasyo at nagawa ko pang magpaalam sa iba ko pang kaibigan tulad nila Gongju Seo Yin.

"Bakit ang bilis naman kaagad" ani nito habang pinupunasan ang mga luha sa mata.

"Hindi nga rin namin inakala na ganito  kabilis ang lahat ng nagyayare una ang pag sugod sa atin ng dalawang bayan ang pagkamatay ng ating dalawang kaibigan tas nalamang din natin na si Han Ji pala ang hari hindi ako makapaniwala sa nangyayari" ani ni Hyun Ngi.

"Ako rin minsan napapaisip ako kung naging mabuti at magalang ba tayo kay Han Ji nung tayo ay nagsasanay pa?"

"Ang daming nangyari tas bakit ngayon ka pa aalis" malungkot na ani ni Ho Seok.

Aalis na sana ako sa palasyo ng pigilan ako ni Seo Yin.

"Hindi ka ba magpapaalam sakaniya?"

Nilingon ko ang pinto ng silid ni Han Ji kung saan siya ay natutulog.

Ngumiti ako ng malungkot at umiling.

"Baka hindi ko makayanan ang umalis. Alam kong sobrang hirap na hirap na siya ayaw ko ng dumagdag pa"

Tinignan ko ang mga kaibigan ko may pag aalinlangan sila sa kanilang mga mukha pero mas mahihirapan akong umalis kung makikita ko siya.

Pero sumunod parin sa akin ng tatlo.

"Ito ang pinakamatandang puno dito sa Hyoeson" ani ni Hyun Jin

Isang malaki at malagong puno ang bumungad sa amin na may nakaukit na isang puso dito rin ako nagising nung unang araw akong napunta sa panahong ito.

Isang malaki at malagong puno ang bumungad sa amin na may nakaukit na isang puso dito rin ako nagising nung unang araw akong napunta sa panahong ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kinuha ko ang talaarawan at binasa ang mga salita upang ako'y makabalik sa aking kasalukuyang panahon.

나를 현재로 되 돌려줘

naleul hyeonjaelo doe dollyeojwo
(Bring me back to the present)

Basa ko habang hawak ko ang chopstick.

Lumiwanag ang puno at lumikha ng isang lagusan.

Suot ko ang mga binili sa akin ni Hyung Suk na gusto niyang isuot bago ako umalis hindi ko maiwasan ang malungkot dahil panigurado akong matutuwa siya dahil suot ko ang mga ibinigay niya.

Chopstick (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon