Agad akong bumaba sa kabayo na aking sinakyan at kaagad na inilabas ang aking espada upang labanan ang mga kawal na kasalukuyang sumusugod sa Hyoeson. Nakikipaglaban narin ang mga iba ko pang kaibigan.
Sinaksak ko sa tiyan ang muntik ng sumaksak sa likuran ni Han Ji pinagsisipa ko naman ang susugod sa akin panay kalansing ng mga espada ang maririnig sa buong lugar dumadanak narin ang mga dugo. Mga iyak at sigaw ng mga mamayan ng Hyoeson ang maririnig.
Nagbagsakan ang mga kawal na nasa harapan ng gate ng Hyoeson ng pagpapanain ito ng mga kawal na nang galing sa Syoeson.
"Ang lakas ng loob nilang mag kampihan! Humanda sila sa akin!" Sigaw ng Hari ng Syoeson na kalook a like ni Lee Min Ho.
"Pumunta na kayo sa Palasyo! Iligtas niyo ang kamahalan" sigaw ni Joon Nam habang sinasanga nito ang mga kawal na patuloy parin sa pag dating.
"Halika na Kuya!" Sigaw ni Hyung Suk sabay tingin kay Han Ji.
Kuya? Naguguluhan man ako pero hindi ko nalang muna inisip.
Lahat ng nakakasalubong namin ay nilalabanan namin sobrang dami nila na tila gusto kaming pigilan na makarating sa Palasyo.
"Ahh!" Sigaw ko ng masaksak ako sa tagiliran napahawak ako sa aking sugat dahil kaagad na tumulo ang dugo dito kahit hindi ito ganon kalalim" bumagsak ang may gawa sa akin non ng saksakin ito ni Han Ji ng kaniyang espada.
Lumuhod si Han Ji sa aking harapan at nilagyan ng tela pantakip ang aking sugat.
"Umalis ka na mapapahamak ka lang dito may sugat ka na"
"Kaya ko pa!" Sabay sanga ko sa sasaksak sana sa likuran ni Han Ji "Huwag mo akong alalahanin kaya kong protektahan ang aking sarili"
Tumango ito at pinagsusugod ang mga kalaban ganon din ang aming ginawa si Gongju Seo Yin ay nasa aming likuran at pinagpapana ang mga kalaban na tumatakbo papalapit sa aming direksyon.
Napaupo ako ng may humigit sa akin at pagsabay ng aking pagbagsak sa ibang direksyon ay biglang pagtama ng pana sa pinupuwestuhan ko kanina.
"Eun Woo" tawag ko sa humigit sa akin.
"Maging mapagmatyag ka Kimchi ingatan mo ang iyong sarili para sa akin" sabay buhat nito sa akin papasok sa isang silid at ginamot nito sa aking sugat.
"Salamat Eun Woo"
Mabilis niyang ginamot ang aking sugat tumigil na ang pagdurugo nito at kaagad kaming lumabas upang muling lumaban.
"Napakarami nila kailangan niyo ng makapunta kaagad kala Ama Ako na ang bahala dito!" Sigaw ni Eun Woo kay Hyung Suk at Han Ji
"Sige!" Sigaw ni Hyung Suk sabay patakbong tumungo sa Palasyo sumunod din kaagad si Han Ji ganon narin ako lahat ng humaharang sa dinaraanan namin ay nilalabanan namin.
"Ama!" Sigaw ni Seo Yin
Nakaluhod ang Hari at Reyna parehong nakatapat sa leeg nila ang espada tig isa sila ang isa ay sa hari ng Dyoeson at ang isa ay sa Chyoeson.
"Oh! Andito na pala ang mga mahal niyong mga anak! Oras na para patayin ko kayo sa kanilang harapan!" Sabay tawa ng hari ng Chyoeson na kamukha ni Kim Soo Hyun.
"Huwag kang magmadali kaibigan" ani ng hari ng Dyoeson na nagyaya sa aking magpakasal nung nakaraan si yabang!. "Ang sabi sabi ay kaya hindi natuloy ang labanan ng Hyoeson at Syoeson dahil tinakot ng susunod na hari ang Hari ng Hyoeson? Totoo ba iyon?" Ani ng hari ng Dyoeson sabay libot nito ng paningin sa amin.
"Bigla akong nagkaroon ng interest na makita ang susunod ng hari ng Hyoeson!" Ani ng hari ng Chyoeson
"Ako rin! Kaya kung nandito ka man ngayon! Humarap ka sa amin! Ipakita mo ang iyong tapang!"

BINABASA MO ANG
Chopstick (COMPLETED)
Historical FictionAlam kong darating ang araw na ito ang iiwan mo ako ang magkakahiwalay tayo ilang beses ko man hinanda ang aking sarili masakit parin talaga. Narinig ko ang lahat gusto kitang pigilan pero alam kong hindi puwede dahil hindi tayo ang para sa isa't i...