Kabanata 36

2 0 0
                                        

Kasalukuyan akong natawid sa bintana nauna na kasi si Han Ji dito rin siya pumasok kanina.

"Bilisan mo naman baka may makakita sa atin" naiinip na ani nito.

"Sandali naman puta ka!" Napamura tuloy ako ng tagalog bahala siyang hindi niya maintindihan ahaha.

Ng makalagpas na ako ay sinalo ako nito kaya kalong na naman ulit ako nito.

"Baka naman gusto mong bumaba? Masyado ng mabigat" reklamo nito.

Ang sexy ko kaya duh!.

"Ang arte mo!" Bumaba rin naman kaagad ako pero agad din akong hinila nito upang mag tago sa pader at ng makitang walang mga tao o kawal ay sinimulan namin ang pag takas hangang sa nakalabas na kami ng palasyo.

Nauna itong sumakay sa kabayo tsaka ako sumakay at mabilis niyang pinatakbo ang kabayo.

"Kumapit ka sa akin baka mahulog ka"

"Lah! Nahulog na nga ako sayo eh!"

Ang harot ko ata sheyt!

Tumawa naman ito

"Kung ganon sinasagot mo na ako?"

"Syempre hindi hahaha"

Agad naman nitong itinigil ang kabayo at mabilis na bumaba dito naiwan tuloy ako kaya bumaba din ako at sinundan ko ito pero bumalik ito sa kabayo upang itali ito.

"Anong problema mo!" Reklamo ko ng sinundan ko ulit ito papunta sa kabayo pati ang pag punta nito sa tabi ng puno.

"Ang hirap mo namang mahalin"

Nanlambot ang tingin ko dito at napatingin sa langit kay gandang pag masdan ng mga bituin.

"Hindi naman sa mahirap sadyang hindi lang talaga tayo puwede"

Hinila ako nito at pinaupo sa kaniyang tabi.

"Para kang bituin sa langit na kay gandang pag masdan pero kahit kailan hindi ko makukuha"

Tumingin ito sa akin at pinunasan ang mga luha na pumapatak sa aking mga mata umiiyak na pala ako.

"Ano ba! Bakit mo ba ako pinapaiyak!" Reklamo ko sabay hampas dito

"Ikaw nga palagi mo akong sinasaktan tas niloko mo pa ako"

"Pasensya na kung kailangan kong itago ang totoong pagkatao ko"

"Kahit ano o sino ka man iibigin parin kita"

Sabay naming tinignan ang langit at ang mga libo libong mga bituin kay sarap pag masdan lalo na pag kasama mo ang taong mahal mo.

Sabay naming tinignan ang langit at ang mga libo libong mga bituin kay sarap pag masdan lalo na pag kasama mo ang taong mahal mo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Iniibig kita Kimchi" natigilan ako sandali.

"Iniibig din kita Han Ji" hindi ko na kailangang mag pangap o mag tagalog upang sumagot sakaniya.

Chopstick (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon