06

28 4 0
                                    

Napakasarap naman talaga ng samgyupsal ohh! Hanggang sa pag-uwi ko? Ang sakit ng tyan ko! Sayang nga at hindi ko manlang naisama si Kuya Bitong. Pero nag-Jollibee na naman daw sya kaya okay lang.



Lagi kong inaabutan si Kuya Bitong ng 5k pag lumalabas kami. Ewan ko lang bat nakalimutan ko syang abutan kanina?



Hay nako. Nakaimutan ko dahil sa pag-iisip ng sobra. Minsan nga babawasan ko na.



Parang baliw akong hinihimas himas ko ang tyan ko habang bumabyahe kami pauwi. Nagtataka na nga si Kuya Bitong na panay ang sulyap sakin.



Hindi na yata sya nakatiis kaya nagsalita na sya.



"Maa'm Amber? May masakit po ba sa inyo? Baka gusto nyong pumunta muna tayong ospital?." nag-aalalang tanong nito sakin



Ospital agad? Ehh busog na busog lang naman ako eh!



"Hindi na, Kuya Bitong. Busog na busog lang talaga ako. Ang dami kong nakain sa Samgyupsaler kanina ehh. Sayang nga at di kita nasama. May natira pa kaming madami ni Anica ehh. Ang dami nya kasing inorder." busog na busog na sagot ko sa kanya



Nag-away pa nga kami ni Anica kasi gusto kong iuwi yung iba. Ayaw naman nya.



Flashback



Tapos na kaming kumain ni Anica pero gusto ko pa! Ang problema lang... busog na busog na ko!



Kung iuwi ko kaya yung mga natira?



"Bestfriend?." kunyaring malambing na tanong ko kay Anica na busy sa hinahanap nyang card nya



Yaman diba? Hahahaha!



"Ohh baket?." sagot nya kahit busy syang naghahalukay ng bag nya



"Pwede ko bang iuwi tong mga natira?." inosenteng tanong ko sa kanya



Gulat naman syang tumingin sa akin at nakita kong iniabot nya sa waiter na lumapit ang card nya.



"OKAY KA LANG BA?!." gulat na gulat na sigaw nya sakin


Kaya nagsitinginan yung mga ibang kumakain.


Eto talagang bestfriend ko? Eskandalosa!


"Ayy sorry po." sabi naman nya nung marealize nya kung ano ang ginawa nya



Ayan tuloy! Masyado kasing malakas ang boses ehh!



"Amber Louise....nag-iisip ka ba? Bawal ang mag-uwi ng pagkain dito diba?." nalolokang bulong nya sakin


Bakit naman bawal? Ehh kakain rin naman sa bahay.


"Sige. Konti nalang kukunin ko." nagtatampong sabi ko sa kanya


Napahawak naman sya sa sentido nya.


"Hindi ko alam kung ako lang ba? Pero ewan ko ba? Ang slow mo!." bulong nya pa rin sa kin na naiinis na


Hala inis agad? Yun lang naman sinabi ko ahh?


"Sige na nga wag na nga lang. Ayaw mo eh." sa huli ay ako rin ang sumuko


End of Flashback


Ang damot naman nya diba? Kukunin ko lang naman eh!


"Ahhh kaya pala po, maa'm. Andito na po tayo sa bahay nyo." sagot naman ni Kuya Bitong


Ang daldal ko talaga! Miski sa isip ko!
Di ko namalayang nasa bahay na namin kami.

______________________________

Thank you again and again! Lovelots!

Love,
sparkly_white

Ways To Workout Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon