3 months later..
Nagising akong sobrang liwanag at puro puti lang ang nakikita ko.
Nasa langit na ba ako?
Ang bait ko pala! Hahahaha! Chos.
Wala pa pala kasi naririnig ko yung ingay ni Anica.
Ang OA nya lang. Humahagulgol pa.
Unti-unti kong inimulat ang mga mata ko at walang ano-ano'y nakita ko si Bryan na natutulog na hawak yung kamay ko.
Hindi ko muna sya ginising para makatulog sya ng maayos. Dahil ramdam ko na buong gabi siyang gising at binabantayan ako.
Ang sweet ko na diba? Narealize ko na sumama yung ugali ko dahil nga sa insidenteng nangyari sakin.
Syempre ulo ang tumama ehh.
Pero yung puso pala hindi matatamaan.
Kasi kay Bryan lang talaga nakalaan.
Umiiyak pa rin si Anica nang makita ko sya. Wala sila Mommy at si Kuya Adam ay nakita kong tulog na nasa mini couch na nandito sa St. Lukes Hospital. Nilibot ko kasi yung paningin ko kaya nalaman kong nasa St. Lukes Hospital kami.
Hinayaan ko munang umiyak si Anica at nang mahimasmasan na sya ay tinawag ko sya.
"A-anica." medyo hirap pa ring tawag ko kay Anica
Ramdam kong may mga nakadikit sa katawan ko. Siguro para sa gamot ko. Medyo malala pala ang nangyari sakin noon?
Hindi ko lang alam. Hahahaha!
Gulat naman na napatingin sakin si Anica. Pero hindi naman sya nag-ingay dahil tinitigan ko sya at umiling.
Lumuluhang lumapit sya sakin.
"B-bestfriend? I-ikaw na ba t-talaga yan? S-sure na yan? H-hindi ka na t-tulog?." nauutal na tanong naman sakin ni Anica
Naku! May pag-utal utal pang nalalaman itong babaeng ito.
"A-abnormal. A-ako lang tohh. Y-yung bestfriend mong m-mahal na mahal ka." natatawa pero pilit na sagot ko naman kay Anica pero mahina lang
Niyakap naman nya ako kahit na nasa tabi ko si Bryan. Kaya nagising tuloy si Bryan. At gulat na tiningnan ako.
Eto talagang babaeng tohh. Naninira ng tulog ehh.
"L-love? You a-awake now? Am I not dreaming? D-do you still remember me?." gulat at nauutal na tanong sakin ni Bryan
Kalma, love. Gusto mo sampalin pa kita ehh.
Nginitian ko naman siya.
"I-i remember you, l-love. D-don't worry. I-i think I am o-okay now." nakangiti at medyo hirap pa rin na sagot ko naman kay Bryan
Sumingit naman si Anica na hanggang ngayon ay nakayakap pa rin sakin.
"Hoy bestfriend. Alam mo ba? Yang pinsan ko? Habang tulog ka? Chinachansingan k------." madaldal na sabi ni Anica pero napigilan sya ni Bryan
Tinawanan ko naman silang dalawa.
"Shut up, Anica." supladong sabi naman ni Bryan kay Anica na tumatawa
"W-what is it, A-anica? T-tell me." namimilit pero hirap pa rin magsalitang tanong ko naman kay Anica
Titingnan ko lang kung maiinis si Bryan. Hahahahaha!
BINABASA MO ANG
Ways To Workout
RomancePapano kung gagawin mo ang isang bagay na hinding-hindi mo kailanman ginusto? Ipagpapatuloy mo pa ba ito sa kabila ng paghihirap na dadanasin mo o tatalikuran mo nalang ito? Sa buhay may mga bagay na kailangang isaalang-alang, kahit na gaanong hirap...