Nandito ako sa kwarto ni Ate Lorna. Hindi naman kasi ako maarte pagdating sa mga hinihigaan.
Lagi lang talaga akong ganito kapag may problema ako at laging si Ate Lorna lang ang masasandalan ko.
Though andyan si Anica, pero feeling ko kasi kasabwat din sya since lagi nyang nakakausap si Mommy kaya hahayaan ko munang mawala yung tampo ko sa kanya. Kasi kapag nagkataon? Baka mag-away lang kaming dalawa.
Mukhang nandito na nga sila Daddy sa bahay at narinig ko na yung busina ng kotse nya.
Hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto ni Ate Lorna. Gusto ko? Nasa kwarto nya lang ako hangga't hindi pa humuhupa yung tampo't galit sa puso ko.
Hindi ako mabilis magalit. Pero kapag pinakaayaw ko pa ang ginawa mo? Di malabong magalit ako.
"Louise, andito na ang Daddy't Mommy mo pati ang Kuya Adam mo. Hindi ka pa ba lalabas riyan?." rinig kong sabi ni Ate Lorna
Wala pa nga yata akong balak.
"Not yet ate. I'm good here. Just tell them that I am not hungry. I need some time to think." walang gana na sagot ko kay Ate Lorna
Hindi na naman na ako sinagot ni Ate Lorna. Bagkus ay umalis na sya para paghandaan na ng hapunan sila Daddy since 7pm na naman na.
Kahit napakaimposible na hindi ako nagugutom ay tiniis ko ang gutom ko.
Mapride ako, alam ko yun. Nagmana ako kay Mommy ehh.Pero after 20 minutes ay dumating naman na si Ate Lorna na may dalang pagkain.
Favorite ko pa naman yung ulam. Pero wala talaga akong gana.
"Ate Lorna ayokong kumain." walang gana kong sabi kay Ate Lorna matapos nyang mailapag yung tray ng pagkain na dala nya sa isang mesa nya sa kwarto nya
Bumuntong-hininga naman si Ate Lorna.
"Louise, malungkot ka na nga ehh. Ano pati katawan mo idadamay mo?." mahinahong sagot naman sakin ni Ate Lorna
Hayst. Wala na akong magagawa. Pipilitin nya rin naman ako hangga't makakain ako.
"Fine." mahinahon na sagot ko naman sa kanya at kinuha yung tray ng pagkain na dala nya
Malungkot pa rin na kinain ko yung pagkain na dala ni Ate Lorna kanina. Hindi ko alam pero? Dati kasi sumasaya na ako kapag nakakain ko na yung paborito ko?
Tapos ngayon? Ang lungkot ko pa rin.
Pano ba maging masaya? Like despite the pain that you're feeling? You still choose to be happy.
I know that there's still a rainbow after the rain. Kaya alam kong huhupa rin itong lungkot ko.
Nang matapos akong kumain ay niligpit ko na ito. Hindi porket malungkot ako ay iaasa ko lang lahat kay Ate Lorna diba? Though she's our worker here but I treated her like my real sister. Ayoko syang napapagod.
"Tapos ka na?." tanong sakin ni Ate Lorna habang nakangiti
"Yeahh." medyo masiglang sagot ko naman kay Ate Lorna
Think positive lang tayo despite that we are filled with sadness.
"Magbihis ka na ng damit mo. Pawis na pawis ka na ohh." sabi naman ni Ate Lorna habang hinahawakan yung likod ko
BINABASA MO ANG
Ways To Workout
RomancePapano kung gagawin mo ang isang bagay na hinding-hindi mo kailanman ginusto? Ipagpapatuloy mo pa ba ito sa kabila ng paghihirap na dadanasin mo o tatalikuran mo nalang ito? Sa buhay may mga bagay na kailangang isaalang-alang, kahit na gaanong hirap...