As I was saying awhile ago na pupunta akong public school ko so, nandito na ako sa public school ko. Hindi ko ito ipinangalan sa pangalan ko. Bagkus may ginawa akong bagong name. Which is ang pangalan ng public school ko ay School For All (S.F.A.)
Medyo corny yung pangalan pero it indicates that this public school of mine is not just for the people who are rich nor poor. Kaya ganun yung pinangalan ko.
As usual, simpleng t-shirt na white, jeans na black and white shoes lang ang suot ko.
Dun lang kasi ako pinaka komportable of all of my clothes.
Dang iikli kasi ng iba.
Bumaba na naman ako sa kotse dahil okay na naman na. Naipark na. Sobrang gala ko nohh? Hahahaha!
Pero ang pag gala kong ito ay para sa trabaho. Kahit hindi naman talaga ako ganun kasipag kung magtrabaho.
Ichecheck ko lang yung schools ko if maayos ba or may problema ba.
If wala naman? Aalis na agad ako.
Dumiretso agad ako ng office ko bitbit ang maliit lang na pouch na may laman na phone, konting cash and cards.
Wala na naman akong dapat pang dalhin ehh.
Nakita ko namang nagsitayuan ang mga guro na naroroon. Ewan ko ba bakit alam nilang pupunta ako even though hindi ko sinasabi sa kanila.
Nagugulat na lang ako na nandun na agad sila naghihintay sa pagdating ko.
Hindi naman ako artista? Boss lang naman nila?
Ang yabang pa rin ng dating! Hahahaha!
"Goodmorning." striktang bati ko sa kanila
Yung ibang mga teachers ay nagsipagbatian sakin. Yung iba napansin kong hindi kasi nga busy sila sa mga ginagawa nila para sa school.
Oo nga pala. Ang office ko at ang faculties ay magkasama. Para tipid diba? Chos. Kuripot ko talaga!
Pero syempre medyo mas malaki yung faculties kesa sa office ko since di naman ako naglalagi dun. Ngayon na lang talaga.
"So what's the news?." agad na tanong ko sa kanila pagkaupo na pagkaupo ko sa chair ko sa office ko.
Pero syempre? Magkahiwalay pa rin ang office ko sa faculties kahit na magkakasama kami sa iisang building.
"Maayos pa rin naman po, Ms. Amber ang school. Maraming mga magulang ang nagpapasalamat dahil kahit na may private school kayo ay mas ninais nyo pa ring bigyan ng pagkakataon ang ibang bata na makapag-aral sa ganitong paaralan. Na nagpapakita na hindi hadlang ang kahirapan kapag ninais ng isang indibidwal na mag-aral." mahabang paliwanag ng principal na nai-assign ko
Hindi ko pala nabanggit kanina. May principal pa pala na nandito. Hahahahaha!
"That's good to hear. By any chance, do you have any events for this month?." tanong ko sa kanila
It's already month of July. Kaya I am expecting them to have any events for this month.
"Yes maa'm." sabay-sabay na sagot ng mga guro
Yan ang gusto ko sa kanila ehh. Laging may event para sa ikabubuti ng mga mag-aaral.
"Good. What is it?." curious kong tanong sa kanila
May binigay naman na papel sakin ang principal. Kung saan nakalagay ang mga events na gusto nilang mangyari.
Month of July Events
"Making people surround with positive one"
Story-telling (Elementary)
Spoken Poetry (Elementary and JHS)
Slogan Making Contest (Elem. and JHS)
Poster Making Contest (Elem. *Grades 4-6 only and JHS)
Singing Contest (Elementary and JHS)Lima lang pero sa tingin ko okay na tohh.
"This is good. So when we will start the event? Napagkasunduan nyo na ba?." nakangiting sabi ko sa kanila
Nagkatinginan naman silang lahat.
I guess, wala pa?
May isa namang sumagot.
"Maam Amber, pinag-uusapan pa po kasi namin. And we also need your approval." sagot ng teacher na si Mr. Romeo
Ahh kaya pala. Berigud naman pala sila.
"Ohhh really? I am sorry ngayon lang ako nakapunta dito." nangingiwing sabi ko naman sa kanila
Napakatamad ko talaga magtrabaho!
"Okay lang po." nakangiting sabay-sabay na sagot naman nila
That's what I love about them. Kasi they have so many understanding.
Mabigyan nga ng bonus! Chos. Baka mamihasa! Hahahahaha!
"Okay so what's the options?." tanong ko naman ulit sa kanila
"July 20-23 daw po or July 24-27. Hindi pa po namin mapagkasunduan kung ano since ang hirap mamili sa dalawa." napapakamot ang ulo na sabi naman ni Maa'm Sherly
Maybe I need to suggest then.
"Hmmm.. I think you guys should get started this event by the date of June 20-23,2020. Hindi ko naman sinasabi na ito na talaga. I also need your opinions pa din naman naman." sabi ko sa kanila
Napaisip naman sila bigla. Kitang-kita ko ehh. Napahawak sila sa baba nila.
"That's a perfect date maam Amber." papuri ni Ms. Principal
I know right! Chos! Syempre di ko tohh sasabihin nohh.
Baka mamaya maging feeling close sila sakin at kaibiganin nila ako at hindi na nila ako tratuhing boss nila.
Ayoko nun!
"It's settled then, isn't it?." baling ko sa kanilang lahat
Napangiti naman sila bigla.
Approval ko na lang pala talaga ang kulang.
Dapat pala inagahan ko ang pagpunta dito. Pero okay na rin lang naman siguro kasi July 16 palang naman ngayon. May 3 days pa sila to prepare.Angas! 3 days lang mga behh!
Malalakas tong mga empleyado ko ehh! Hahahahaha!"Yes maa'm." sabay na sabay na sagot naman nila
Pinirmahan ko naman yung papel. So settled na.
Masaya pa naman ang events kapag public school. Pero masaya rin naman kapag private school, kaya I think parehas lang naman.
What do you think?
-----------------------------------------------------------------
Hello again sparkles! So this is it! Another update for this day! Hoping that you'll enjoy it! Godbless!Love,
sparkly_white
BINABASA MO ANG
Ways To Workout
RomancePapano kung gagawin mo ang isang bagay na hinding-hindi mo kailanman ginusto? Ipagpapatuloy mo pa ba ito sa kabila ng paghihirap na dadanasin mo o tatalikuran mo nalang ito? Sa buhay may mga bagay na kailangang isaalang-alang, kahit na gaanong hirap...