Nagising akong sumasakit pa rin yung ulo ko. Hindi ko alam kung bakit? Siguro kasi dahil dun sa mga nalaman ko kagabi? Ewan ko ba?
May feeling ako na mahalaga yun? Tapos nakalimutan ko lang?
Ano ba kasi ang totoo?!
Gulong-gulo na ako!
Bumangon na lang ako kahit na sobrang sakit pa rin ng ulo ko. Pagkabangon ko ay muli kong nakita si Pia na inihahanda yung pagkain ko sa mesa na malapit sa kama ko.
Pansin ko lang ha? Dalawang beses na akong may breakfast in bed.
Dagdag isipin ko na naman tohh!
"Good morning, Ate! Kain ka na po." masayang bati sakin ni Pia
Pilit ko naman syang nginitian.
Ang sakit kasi talaga ng ulo ko sobra!
"Okay lang po ba kayo, Ate? May masakit po ba sa inyo? Bakit parang namumutla ka po yata?." nag-aalalang tanong ni Pia sakin
Wait! Ako namumutla?
Baket? Sumasakit lang naman ulo ko ahh!
Hindi ko alam pero parang nahihirapan akong magsalita. Pero pinilit ko pa ring sagutin si Pia.
"H-hindi ko alam." nahihirapang magsalita na sagot ko naman kay Pia
Bigla naman syang napasigaw.
"Hala ate! Wait lang! Wag ka bibitaw ahh? Sandali lang talaga, promise! Sandali lang!." natatarantang sabi ni Pia sakin
Wait bakit ba sya natataranta? Ehh nasakit lang naman yung ulo ko?
"O-okay lang ako." nahihirapan pa ring magsalita na sagot ko kay Pia
Mas lalo naman syang nataranta.
"Hindi ate. Wait lang talaga! Wag kang matutulog! Wag na wag kang matutulog!." natatarantang sabi sakin ni Pia
Inaantok na nga ako. Gusto ko ng matulog.
"G-gusto k-kong m-matulog, Pia. P-pwede i-iwanan mo na muna a-ako?." nahihirapang sagot ko naman kay Pia
Naiyak naman sya sa sinabi ko.
"Ate! Hindi! Hindi kita iiwan! Kumapit kalang! Wag kang matutulog!." umiiyak na sabi sakin ni Pia
Bakit ba? Matutulog lang naman ako!
"A-ang O-OA mo naman, Pia. P-parang m-matutulog lang naman a-ako eh!." medyo natatawang sagot ko kay Pia pero hirap pa rin ako magsalita
Napahagulgol naman sya sa harapan ko.
"KUYA BRYAN! TULUNGAN MO KO! SI ATE AMBER! SUMASAKIT ULIT YUNG ULO NYA! KUYA, HINDI KO NA ALAM ANG GAGAWIN KO!." sigaw ni Pia habang umiiyak kaya napapasok agad si Bryan sa kwarto ko
Pero teka? Sumasakit ulit yung ulo ko?
Kailan yung unang sumakit yung ulo ko?
Natatarantang chineck naman ako ni Bryan. Ibang-iba yung Bryan na nakikita ko ngayon. Yung soft side nya yung pinapakita nya sakin. Walang iba.
"Amber? May masakit ba sayo? Sa ulo lang ba? Saan pa? Pia, call our family doctors! Kahit lahat na sila tawagan mo! Basta tawagan mo nalang silang lahat!." natatarantang sabi ni Bryan sakin sabay baling kay Pia na umiiyak na talaga ng todo
Bakit ba kasi sila natataranta? Hindi pa naman ako mamamatay ahh?
Ang harsh nila ahh!
"W-why are you b-both p-panicking? I-i am not y-yet going s-somewhere. Y-you g-guys a-are so O-OA." nahihirapang sabi ko kay Bryan
BINABASA MO ANG
Ways To Workout
RomancePapano kung gagawin mo ang isang bagay na hinding-hindi mo kailanman ginusto? Ipagpapatuloy mo pa ba ito sa kabila ng paghihirap na dadanasin mo o tatalikuran mo nalang ito? Sa buhay may mga bagay na kailangang isaalang-alang, kahit na gaanong hirap...