Nagising ako mula sa naramdaman kong tapik sa pisngi ko. Nang maimulat ko yung mga mata ko ang una kong nakita ay si Bryan na may matamis na ngiti.
Bryan, tigil-tigilan mo ko.
Nagiging marupok ako dahil sayo.
Nginitian ko naman sya.
"Why? Are we already at our house?." nagtatakang tanong ko kay Bryan
Our house.
He said that when I was sleeping in the hospital.
Flashback
1 week ago...
"Love, please. Don't leave me, okay? Don't leave me, don't." naririnig kong sabi ni Bryan habang umiiyak
Hindi pa ako gising pero naririnig ko yung mga boses ng mga taong kumakausap sakin.
At siya lang yung boses na lagi kong naririnig.
Araw-araw. Gabi-gabi.
"Love, to be honest? The house that I built is not just for me. It's for the both of us. And for the family that we will build. Please, love wake up. Don't make me feel the pain again." umiiyak pa rin na sabi ni Bryan isang gabi
Hindi ako makabangon kasi yung katawan ko ay namamanhid. As in. Gusto ko ng bumangon at sabihin sa kanyang gigising ako para sa sarili ko, para sa kanya at para sa pamilya ko.
End of Flashback
He is really the reason why I woke up.
Pero ngayon? Nakakainis sya!
Kasi naman! Lagi na lang nyang iniistorbo yung tulog ko! Ang ganda na kaya ng panaginip ko! May baby daw ako doon! Tapos ang cute-cute at ganda-ganda ng baby na yon!
Arggghh!
"Yes, love. Kanina pa kita ginigising pero ayaw mong magising." natatawang sagot naman nya
Inis ko naman syang tinitigan.
"Dapat binuhat mo nalang ako or what! Ang ganda-ganda ng panaginip ko ehh!." naiinis na sabi ko sa kanya
Tinawanan naman nya ako.
Lahhh? Anong nakakatawa dun?
"Come on, love. If it's just because of your dream kaya ka naiinis sakin? We can absolutely achieve that dream of yours." natatawang sagot naman niya
Ano? Anong achieve my dreams pinagsasabi nito?
Ano? Gagawa kami agad ng baby?!
Hooooy! Di pa ako ready!
"Nevermind. My dream is not yet the one that I wanted. I just wanted to fast my recovery. Ayoko ng nakawheel chair. Feeling ko hindi ulo yung tumama sakin ehh. Feeling ko paa ko. Feeling ko lampa ako." inis na sagot ko naman sa kanya
"Don't worry, love. You'll recover soon. And I am always here for you no matter what happens." nakangiting sagot naman nya sakin
Amber Louise, wag kang marupok.
Wag na wag.
"Oo na." namumula ang pisngi na sagot ko naman sa kanya
Sabing wag ehh.
"Now, can we go inside? Our families already waiting for us." nakangiti na rin na sabi naman nya
Tinanguan ko na lang sya at binuhat nya ako na parang yung pagtapos ng kasal nyong dalawa? Wait. Nakalimutan ko basta yon. Hahahaha! Yung groom binuhat nya yung bride tapos maghahoneymoon na sila.
Yuck! Ano bang pinag-iisip ko?
Inilagay nya naman akong muli sa wheel chair at kasama pa rin namin yung nurse kong babae na si Nurse Ella. Sya yung naatasang maging private nurse ko hanggang sa gumaling ako. Para di rin mahirapan si Bryan sa kakaalaga sakin.
Syaka si Bryan mismo yung pumili ng private nurse ko. Ayaw nya ng lalaki.
Baka daw mag-away pa silang dalawa at hindi ako gumaling ng mas mabilis.
"Thank you, Nurse Ella." sabi ko kay Nurse Ella na nasa likod ko
"Small thing, Mrs. Go. Small thing. Hahahaha!." sagot nya at tumawa sya bigla
Shocks! Ang babait ng mga taong ibinibigay sakin!
Bigyan ng bonus yan!
Charot.
Pumasok na kami sa loob at nakita ko nga sila Mommy, Daddy, Kuya Adam, Anica, Mama Rina, Papa Bruce and Ate Bri. Masaya nila akong sinalubong ng matamis nilang mga ngiti.
Pero unang lumapit sakin si Anica na may pag iyak-iyak pang nalalaman.
Abnormal talaga.
"Bestfriend! I am so happy for you! Finally! Makakasama ka na rin namin!." lumuluhang sabi nya pagkalapit na pagkalapit nya sakin
Masyadong iyakin si Anica kaya sige hayaan na natin sya.
"Hoooy! Baliw toh. Pagpahingahin mo muna ako bago mo ko daldalin duhh!." masungit na sagot ko naman sa kanya
Mas lalo naman siyang umiyak.
Ohh diba? Iyakin talaga.
"Bestfriend naman ehh!." nagtatampong sagot naman nya sakin na siyang tinawanan ko lang at ng lahat
Pero yung tawa ni Kuya Adam yung kakaiba kasi siya lang yung natira saming tumatawa.
Kaya napatigil siya.
Hahahaha! Ayaw pa kasi umamin ehh!
Weak!
"Welcome home Amber!." sabay sabay na sabi nilang lahat
Awww. That was so sweet.
Kahit na nag-away kami ni Bryan ng first time kong makita ang bahay na ito? Namimiss ko rin pala ito. Hahahaha!
"Thank you, familias!." nakangiting sagot ko naman sa kanilang lahat
"Welcome!." hyper pa ring sagot nila
Kakaiba energy nila ngayon ahh? Di ko masabayan! Hahahaha!
Pumasok na kami ng tuluyan. Kasi kanina nasa pintuan lang kami ehh. Hahahaha!
Nagulat ako kasi ang daming nakalagay na kung ano-ano sa salas. May mga letters pa nga na nakalagay yung pangalan ko. And yung very color ko pa yung pinili nila na mas lalong ikinatuwa ko.
Ang saya lang.
Ang sayang isipin na kahit marami akong pinagdaanan? May saya pa ring nandyan.
Saya na di ko malilimutan.
At lagi kong ilalagay sa puso ko't isipan.
Yung saya na hindi maipaliwanag at yung saya na babaunin ko hanggang sa dulo ng mundo.
_______________________________________
Hello sparkles! Always put a smile on your face because it suits you!
I love you all sparkles!
Godbless!
Love,
sparkly_white
BINABASA MO ANG
Ways To Workout
RomancePapano kung gagawin mo ang isang bagay na hinding-hindi mo kailanman ginusto? Ipagpapatuloy mo pa ba ito sa kabila ng paghihirap na dadanasin mo o tatalikuran mo nalang ito? Sa buhay may mga bagay na kailangang isaalang-alang, kahit na gaanong hirap...