Natapos naman ng maayos yung lunch time namin. Malamig pa rin yung pakikitungo namin ni Bryan sa isa't-isa. Siguro maghahanap na lang ako ng bagong instructor. Kasi naiinis talaga ako sa presensya nya.
Baka sumabog nalang kaming dalawa bigla.
Kakausapin ko nga si Mommy patungkol dito. Sana nga lang ay pumayag.
Masayang umalis na naman na ang pamilyang Go kasama si Anica. Kaya nagsipaalam na kami sa isa't-isa.
Nang makaalis na sila ay nakita kong pumuntang salas si Mommy at doon yata ay mamamahinga. Kaya pupuntahan ko nalang siguro sya.
Naglakad na ako papuntang salas at doon nga ay nakita ko si Mommy na nakaupo at nagpapatugtog ng mga paborito nyang kanta na which is paborito naming dalawa.
Through the lows and the highs
I will stay by your side
There's no need for goodbyes
Now I'm seeing the light
When the sky turns to gray
And there's nothing to say
At the end of the day
I Choose YouI Choose by Alessia Cara. Sobrang meaningful ng kanta. Kasi about sya sa love sa family. Which is napanood lang rin namin sa family movie na Willoubys.
"Mommy?." malakas na tawag ko kay Mommy na kasalukuyang relax na relax sa pagkakaupo
Hininaan ni Mommy yung sounds para magkaintindihan kami.
"Yes?." tipid na sagot naman ni Mommy sakin habang nakangiti
I hope pumayag sya.
"Can I change Bryan as my instructor?." nanlalambing na tanong ko naman kay Mommy na biglang napatigil
"Why? Tell me the reason why you don't want him to be your instructor." medyo may pagkastrikta na sagot naman ni Mommy
Napakadami kong reason. Pero iisa lang talaga ang pinaka... yun ay ang ayaw ko sa presensya ni Bryan kasi baka magkagera kaming dalawa.
"You know I really really hate him mommy! You already saw what happen earlier right? His attitude is more than a trash! Nakakainis sya! Walang manners!." nanggigigil na sagot ko naman kay Mommy na bahagyang natawa
Nakangiting tiningnan naman ako ni Mommy.
"Your attitude really came from me. I also just like you before I met your dad. Okay, okay. I understand. You can change your instructor but you can't change your groom alright?." natatawang sagot naman ni Mommy
Hayst. Buti nalang pumayag arrggh!
"Thank you, mommy! You saved me from that jerk!." tuwang-tuwa kong sabi kay Mommy at niyakap sya
Humiwalay naman ng kakaunti si Mommy sa akin.
"But wait! There's more! You will change Bryan as your instructor but you will be having Blue as your instructor! I know everything about him kaya you don't have to worry." nakangiting sabi naman ni Mommy sakin
Matutuwa na sana ako ng lubusan ehh! Ehh kaso sa pinsan pa pala ako ng pinakahate ko mapupunta! Argghhh.
"Mommy can I just find someone that isn't related to Bryan Go? Arrgghhh!." reklamo ko kay Mommy
Matalim na tinitigan naman ako ni Mommy.
"He is one of those people whom I trust. He knew you since you were young. Kaya umayos ka, Amber Louise." mataray na sagot naman sakin ni Mommy
Arrggghhh! Wala na akong magagawa!
"Fine! I'll try my best to be cooperative." naiiritang sagot ko naman kay Mommy
Nginitian naman ako ni Mommy ng pagkatamis-tamis.
"That's my girl!." tuwang-tuwa na sabi naman ni Mommy sakin
Alam nyo yung feeling na akala mo makakatakas ka na sa presensya ng taong pinakakinamumuhian mo pero ang ipapalit naman sayo ay yung may koneksyon pa sa taong yun? Nakakagigil na ewan!
----------------------------------------------------------------
Here it is for all of you sparkles! Thank you sa walang sawang pagsuporta! This writing skills ay nanggaling sa Lord kaya nagpapasalamat ako kasi binigyan Nya ako ng ganitong talent. At first akala ko sobrang lame lang ng mga gagawin kong story. Kasi sabi ng ate ko is parang masyado akong grammatical errors. Kaya noong una naghesitate talaga ako na gumawa ng story.Thank you for being my motivation! Love you all sparkles!
Love,
sparkly_white
BINABASA MO ANG
Ways To Workout
RomancePapano kung gagawin mo ang isang bagay na hinding-hindi mo kailanman ginusto? Ipagpapatuloy mo pa ba ito sa kabila ng paghihirap na dadanasin mo o tatalikuran mo nalang ito? Sa buhay may mga bagay na kailangang isaalang-alang, kahit na gaanong hirap...