At dahil sa umiral ang kabaitan sa puso ko, nanlibre ako ng mga teachers na nasa faculty. Meron naman kasing canteen na nagbebenta sa loob na puro ulam pero syempre sinisigurado kong masusustansya yung pagkain na ibinebenta nila. Hindi yung mga sobrang mamantika.
Ngayon ko lang narealize na dapat hindi kumakain ng ganun kasi nakakahighblood pala yun.
Good thing at hindi sila maingay sa canteen. Kasi nga diba? Kanina naabutan ko silang nagchichismisan sa faculty.
Ang inorder ko lang ay yung ampalayang may itlog na sahog. Pero kalahati lang yung inorder ko since ayokong maparami yung kain ko. Kasi nga nagdadiet na nga ako at papagalitan ako ni Mommy pag nalaman nyang kumakain ako ng marami.
Tahimik lang kaming kumakain at nakikita kong gusto pa ng extra rice ng mga teachers na kasama ko.
"You can still get some rice." nakangiting sabi ko sa kanila na siyang ikinatuwa naman nila
"Talaga po, Ms.Amber? Maraming salamat po!." sabay sabay nilang sagot sa akin
Nagmamadali naman silang kumausap sa mga tindera sa canteen para sa extra rice.
Sanaol pwede magextra rice!
Agad rin naman silang bumalik at nagsikain.
Nakakatuwa lang silang tingnan kasi wala silang kaartehan sa katawan. Kasi nga hindi ano pumipili ng isang teacher na may kaartehan sa katawan. Mas gusto ko pa nga na simple lang pero dahil sa buhay naman nila iyon ay hinahayaan ko silang maglagay ng kolorete sa mga mukha nila.At infairness naman ay bumabagay sa kanila.
Since natapos ko na rin naman yung mga napirmahan ko kanina. Baka uuwi na ako ng maaga.
After 1 hr. naman ay natapos na kaming kumain. Ako kasi nginunguya ko na ng maigi yung kinakain ko kahit na ako yung pinakakaunti lang ang kinain. Kasi nga sabi ni Mommy kailangan ko ng nguyain lahat ng mga kinakain ko ng mabuti para mabilis akong matunawan at hindi na ako lumobo ng bigla.
Nagpacheck up pa nga kami noon habang nagwoworkout session ako sa gym ni Blue ehh. Ang sabi ng doktor kailangan ko daw na nguyaing mabuti ang mga kinakain ko kasi mabilis lang daw ako tumaba kapag hindi nginunguya ng maigi yung mga pagkaing kinakain ko.
Syempre dahil sa takot kong hindi na muling tumaba at dahil sa kagustuhang ma-maintain na talaga ang 42 kilos lang na timbang ay hindi na talaga ako nagkakakain ng sobrang dami kaysa dati.
Ang hirap kaya magpapayat!
Tumayo na rin ako ng matapos akong kumain. Gusto ko na rin kasi makauwi since tapos ko na rin naman lahat ng dapat kong tapusin kanina. Buti nga at hindi ako tinamad ehh.
"Ms. Amber? Aalis na po kayo?." tanong ng isang teacher na hindi ko kilala
"Ahh yes." tipid ko namang sagot sa kanya
"Ahh salamat po sa treat nyo!." masayang sabi naman nito
Ngumiti na lang ako sa kanya at kinuha yung sling bag ko.
Nakakatuwang isipin na kahit na maliit lang na bagay yung nagagawa mo ay na-aappreciate na nila. Kahit na hindi ganoon kamahal basta makatipid rin sila.
Pumunta na akong parking lot kasama si Kuya Bitong. Nakalimutan ko nga palang banggitin na kasama ko si Kuya Bitong since pagkain agad ang naisip ko. Hahahaha!
Sumakay na agad ako sa kotse pagkabukas na pagkabukas ni Kuya Bitong. Grabe nakakapagod pa rin kahit konti lang yung napirmahan ko.
Kaya sana lang wala ng Bryan Go na manggugulo. Sana umuwi na sya. Sana hindi ko na sya makikita. Kasi naiinis talaga ako sa presensya nya.
Paano pa kaya pag magkasama na kami sa iisang bubong nohh? Panigurado kasi magsasama kami since *ehem* ikakasal na nga kami after 3 days. 2 days na lang at magaganap na yun.
Hindi ko rin alam kung tatagal ako na kasama ko sya. Ni hindi ako marunong magluto o maglaba. Siguro naman may kasambahay na makakasama namin sa bahay diba? Try ko magpaturo or tumulong para manlang matuto ako.
Pero teka? Bat ko ba iniisip yung mga ganung bagay ehh wala pa nga?
Mabuti pa at wag ko munang isipin yun since nakakastress lang kung iisipin ko pa.
--------------------------------------------------------
Good day sparkles! I am so sorry if ngayon na lang ulit ako nakapagupdate. Marami kasing bumagabag sa kin like: Do I still need to continue this story that I made or not?First timer palang ako pero parang hirap na hirap na ako. Huhu. I hope you guys will still support me until the end of this story. I will do my best to finish this story as soon as possible. Sana matapos ko ito before mag 24! Fighting!
Thank you for understanding! Enjoy reading!
Blessings!
Love,
sparkly_white
BINABASA MO ANG
Ways To Workout
RomancePapano kung gagawin mo ang isang bagay na hinding-hindi mo kailanman ginusto? Ipagpapatuloy mo pa ba ito sa kabila ng paghihirap na dadanasin mo o tatalikuran mo nalang ito? Sa buhay may mga bagay na kailangang isaalang-alang, kahit na gaanong hirap...