43

19 2 0
                                    

Nandito pa rin ako sa reception ng kasal namin ni Bryan kahit na tapos na ang celebration. Ewan ko? Ayoko munang umalis para makapagisip-isip naman ako kahit minsan wala akong isip. Chos.

Ayun nga marami ng tao ang nagsialisan maging yung mga media na kanina pa nakaantabay at kanina pa nakikiusyoso't usyosa ay nagsialisan na. Mabuti naman at nang sa ganon ay magkaroon ng katahimikan. Panay click ng camera kasi ang naririnig ko kaya feeling ko hindi talaga tahimik at napakaraming tao kanina.

Ni hindi na nga kami magkaintindihan ni Anica sa pag-uusap namin kanina. Kahit na ang totoo ay hindi ko naman talaga sya iniintindi ng todo kanina.

"Why are you still here? Don't you want to go home?." biglang sulpot na tanong ni Bryan sakin na syang ikinagulat ko

"Ayy baboy na lumilipad! Ano ba naman yan Bryan?! Umayos ka nga! Kung may sakit ako sa puso baka inatake na ako sa ginagawa mong yan!." galit na sagot ko naman kay Bryan

Bigla-bigla ba namang sumusulpot? Mamaya mapagkamalan ko syang magnanakaw ehh di nasapak ko sya?

Nag-aral kasi ako ng basic self-defense noon para for safety kahit wala sila Kuya Adam ay kakayanin ko ang sarili ko.

"You're so OA. I just came here to let you know that I will be the one who will drive you home. Remember? You are already my wife and I am already your husband." supladong sagot naman ni Bryan sakin

Ayaw pa kasi akong diretsuhin. Ayun naman pala? Ihahatid lang pala ako pauwi. Dami pang sinasabi.

"Dami mo pa kasing sinasabi. Can you just please be straight to the point?." inis na sagot ko naman kay Bryan na napahawak na sa sentido

Papatalo ba ako? Pasamaan pala ng ugali ahh? Pwes! Baka mas masama pa ugali ko sayo.

"Whatever, Amber Louise. We should go now. It's already late." suplado pa ring sagot ni Bryan sakin

Attitude ka bro?

"Oo na. Ang suplado mo! Kala mo naman ang gwapo mo!." inis na sagot ko naman lay Bryan sabay kuha ng pouch ko na white na nasa tabi ko lang

"I'm really handsome. And everybody knows that." mayabang na talagang sagot naman ni Bryan Go na ang sarap ihulog mula sa 7th floor hanggang ground floor

Malapit kasi kami sa rooftop kaya perfect spot ito kung gugustuhin kong ihulog mula 7th floor hanggang ground floor si Bryan Go.

"Tss. Baka malabo lang mga mata nila at iba na ang nakikita nila." nang-aasar na sabi ko naman kay Bryan na napatigil sa paglalakad

"Hmmm.. maybe? But all of their eyes are saying the truth. That I am really really handsome. Can you believe that I have lots of admirers and stalkers? How can you even say those words even if you're just an ordinary woman?." nakataas ang kilay na sagot naman sakin ni Bryan

Lahhh? English ng english tohh ehh! Kung hindi lang talaga sya may lahing Amerikano naku! Pagkakamalan kong nagpupumilit lang syang magsalita ng fluent na English para lang mapahanga ako.

"How can you also even say that I am just an ordinary woman and yet you call me beautiful lady awhile ago, huh?." hindi nagpapatalong sagot ko naman kay Bryan

Natawa naman sya bigla.

"Come on! It was just an act. I can't believe that you take it seriously." natatawang sagot naman ni Bryan

As if naman.

"Shut up. I don't want to hear your annoying voice anymore." naiinis na sagot ko naman kay Bryan

Buti at tumahimik naman sya. Kundi hindi ko alam gagawin ko sa kanya if hindi pa sya tumahimik.

Napakadaldal. Kala mo di lalaki! Daig pa ang babae!

Pumunta na lang kaming parking lot at sumakay agad ako pagkabukas na pagkabukas ni Bryan ng kotse nya. Hindi ko alam pero naiinis tuloy ako lalo sa kanya. Ang pangit talaga ng ugali nya! Oo alam ko. Pangit din ugali ko pero pangit ang ugaling ipapakita ko sa taong pangit din ang ugali kung ituring ako.

Wala naman si Bryan na sinabing kakaiba kaya hinayaan ko na lang ang sarili kong matulog sa malapit sa driver seat.

Bahala sya dyan. Nakakapagod kaya ngayong araw na ito! Sabayan pa ng mga pang-aasar nya!

Hala! Sarap nyang itapon sa bermuda triangle at ipakain kain sa mga nilalang na nagugutom dun.

At nang hindi ko na sya makita! Chos! Ang bad ko!

Makatulog na nga lang.

------------------------------------------------------------
I love you all sparkles!

Enjoy reading! Godbless!

Love,
sparkly_white

Ways To Workout Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon