12

20 2 0
                                    

Ngayon ay nasa bahay na ako. Medyo nakakapagod rin yung kanina ahh? Ang dami ko pa palang pipirmahan! Akala ko yung para sa event lang ng school.

Kaya yon imbes na 10am ay aalis na ko? Naging 12pm dahil natambakan na pala ako sa paper works.

Yung iba? Approval para sa baby thesis nila. Dahil magcoconduct daw sila ng survey sa buong S.F.A. At kailangan daw ng approval ko bago sila magconduct nito.

Brainy mga empleyado ko nohh!

Ako lang tohh! Ako lang na humahawak at nagpapasahod sa kanila! Chos.

Pero tinraning din talaga sila bago magstart magturo. Ang tawag don ay O.J.T. (On the Job Training) para makita ko if compatible sila sa school na meron ako.

The S.F.A. school of elementary and JHS.

Nagulat si Mommy kase lunch na ko nakauwi. Eh kadalasan nga kase is 10am palang nakakauwi na ko.

Kaya sinabi kong nagsipag ako.
Hahahahaha!

At dahil din sa ginutom ako dahil sa dami ng pinirmahan ko kanina? Nasa dining area ako ngayon, lumalamon este kumakain!

Ang ulam pa naman ay yung favorite kong menudo! Luto daw ni Mommy. Kaya tikman natin kung masarap ba. Kasi minsan lang rin sya kung magluto sa bahay ehh.

Teka ako lang pala ang makakatikim. Hindi pala kayo pwede! Tamang takam na lang muna kayo at ikakain ko na lang kayo! Wahahaha!

Nakakatatlong cups na ako ng kanin pero hindi pa rin ako nabubusog.

Isa akong alamat!

"Louise, masyadong marami na ang nakakain mo. Tama na yan." saway sakin ni Mommy na kanina pa pala ako pinagmamasdan

Ehh I want more!

"Mommy, napagod ako dahil sa dami ng pinirmahan ko po kanina. Please just let me eat na lang." nagrereklamong sagot ko naman kay Mommy

"Fine." sagot ni Mommy sabay huminga ng malalim

Yun na yun? Hindi nya ako pipigilan?

Woaaah! Bago yun ahh!

Pag kasi ako kumakain ng maraming kanin? Tinatapik ni Mommy yung kamay ko! Minsan pa nga namumula ehh!

Ayy may naalala nga pala ako! Kanina kasi habang pumipirma ako ay may nakita akong papel na napakaganda ng brand as in! More like gold ang kulay nya. Hindi ko na binasa kasi tinatamad na rin ako magbasa! Kasi nga diba natambakan ako ng paper works?

Pero nakita ko naman yung pangalan ni Mommy kaya pinirmahan ko kaagad.

Baka pagalitan pa ko ehh! Maitanong nga sa kanya.

"Mommy?." tawag ko kay Mommy na kasalukuyang umiinom na naman ng fresh juice nya

Health conscious ka gHorL?

"Hmmm?." tipid na sagot naman ni Mommy

"May nakita kasi akong gold paper kanina sa office ko sa S.F.A. May nakalagay na pangalan mo? Pero don't worry, Mommy! Pinirmahan ko yun. Pero nacucurious lang ako kase ang ganda ng paper ehh. Ano yun mommy?." mahabang litanya ko kay Mommy na biglang napatigil

Hindi naman kami naglalaro ng stop dance diba? Bat napahinto si Mommy?

Uminom naman si Mommy ng water, warm water pagkatapos kong sabihin ang mahaba kong litanya.

Pero bigla naman syang ngumiti ng pagkatamis-tamis.

"Nothing, Louise. That's the only one that you needed to do. Sign it. And you did well." matamis na ngiting sagot ni Mommy

Ways To Workout Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon