Unti-unti naman na lumapit ang isang nilalang.
Sabay sabi ng....
"Annyeong haseyo! Albert-imnida." bati nito sa isang Hangul na salita
Wait...
Processing....
Ehh ang pangalan ng Daddy ko is Albert?
SI DADDY TOH?!
OH MY GOODNESS!
"APPAAAAAA!." napatayong sigaw ko dahil sa pagdating ng Daddy ko
Sa bahay lang namin syang tinatawag na Appa (Father in Hangul) which is nakagamayan na namin simula pa noong una. Pero sobrang konti lang ng alam kong Hangul words since di nga ako nanirahan sa Korea.
By the way nasa Korea sya for 5 years. Kaya tuwang-tuwa ako na makita sya ngayon kasama namin.
Mga ilang taon na ba ko nun? Ahh basta! Kayo nalang mag-estimate! Nasakit ang ulo ko kapag sa math ihh.
Sayang ang moment ngayon.
Niyakap ko naman sya ng pagkahigpit-higpit pagkatapos kong makalapit.
Namiss ko talaga sya sobraaaa!
Wala kasi akong kakampi pag dating kay Mommy! Hahahahaha!
Kaya Daddy's girl ako mga siz! Kaya rin hindi ako mahilig masyado sa girly things. Isama mo pa't nandito si Kuya Adam! Sobraaang strict nilang dalawa pagdating sa pananamit ko. Nung dati nga nagsuot ako ng medyo maikling dress kasi napilit ako ni Anica? Pinabalik nila ako at pinagpalit sa kwarto ko ng jumper na parang pantalon hindi yung shorts. Ohh haaa?
Isa lang masasabi ko na alam kong sasabihin nyo!
SANA ALL MAY KUYA!
"How are you my princess?. malambing na tanong ni Daddy sakin
Ohh haaa? Kabaliktaran sila ni Mommy. Si Daddy kase mabait, sobraaang bait. Hindi naman sa sinasabi kong hindi mabait si Mommy. Pero konti lang talaga yung pinapakitang bait ni Mommy ihh. Tapos si Daddy sobraaang sweet at lambing rin. Na kokonti lang rin ang meron si Mommy. Tapos sobrang caring kahit na sobraaang strict din si Daddy para daw balance.
Oh alam nyo na? Kung saan ako nagmana?
Oo nga pala. Bago ko malimutan, si Daddy lang ang tumatawag sakin na princess. Si Kuya Adam ayaw nya nun kaya little sister na lang tawag nya sakin. Si Mommy naman gusto nya sa second name nya ako tawagin.
Kasi sabi ni Daddy ako daw ang prinsesa nya at si Mommy naman ang reyna nya tapos si Kuya Adam naman ang prinsipe nya.
Oh ha? Dang sweet diba?
Pero pag kinwento mo yan kay mommy? Macocornyhan sya!
Killjoy yan si Mommy ihh! Hehehe.
"I'm good, Appa. Since you're finally here na. Kailan ka pa po dumating?." nakayakap pa rin na tanong ko kay Daddy
Honestly? Tinitingala ko pa si Daddy since ang height nya ay 6'1. Ohh haaa.
Si Kuya Adam naman is 5'8.Kay Daddy kami nagmana ng katangkaran.
"Just 3 hrs.ago. I just rest for awhile. Since I still have a jetlag." natatawang sagot naman ni Daddy
So kanina pa pala sya nandito? Sabagay, hindi mo talaga malalaman na nandito na si Daddy since sobraaang tahimik nya matulog.
Nasa kanya na po ang lahat ng sobra!
Pati kagwapuhan? Nasa kanya na!"Ohh? Really? Where's my pasalubong?."
malambing na tanong ko kay DaddyMalambing rin ako. Minsan nga lang!
"You never change, my princess. It's on your mom and I's room. You can get it there when we finished eating." natatawa pa ring sagot ni Daddy
Ang tagal na pala naming nakatayo! Di ko namalayan! Hehehe.
"Ahh sige sige, Appa." agad na sagot ko naman
Umupo na akong muli katabi si Daddy. Nasa left side ni Mommy si Daddy at samantalang ako ay nasa right ko si Kuya Adam.
Okay? Happy family!
"So how's my queen and prince?." malambing na tanong ni Daddy kay Mommy at Kuya Adam na kasalukuyang kumakain
Hindi pa nagdadasal nako!
Magdadasal na lang ako ng sarili. Hehehe. Siguro naman nakapagdasal na rin sila.
Pumikit ako saglit at nagpasalamat kay Lord sa panibagong pagkain at sa panibagong araw na darating bukas. And syempre mawawala ba sa prayers ko ang Daddy ko? Syempre hindi! Kaya pinagpasalamat ko rin kay Lord si Daddy at ang safe flight nya.
Nagsimula na akong kumain habang nag-uusap usap na sila Kuya Adam, Mommy at Daddy.
Gutom na ko ihh! Makikiusyoso pa ba ako?
Panay lamon lang ako ng makita kong lahat sila ay nakatingin sakin.
Nagtataka naman na tiningnan ko rin sila pabalik.
Anong meron?
"Louise, are you even listening?." mataray na tanong sakin ni Mommy
Ayy ayon pala! May sinasabi pala sila.
Hindi ko napansin since busy ako sa pag ngunguya."Hmmm?." tipid kong sagot kay Mommy dahil sa ngumunguya pa ako
"I said, you should have some work out sessions. And you should lessen intaking carbs. I can see that you are getting some weight." mataray pa rin na sagot naman sakin ni Mommy
Ano daw? Work-out sessions?
Ayoko nga!
"No way! I will never ever do that!." mabilis na pagtanggi ko kay Mommy
Duhhh. Ang hirap kaya magwork-out! Kakakita ko palang sa YouTube nun kanina ihh.
Pinapanood ko palang? Hindi ko na kaya!
"Princess, it's for your own benefit. You should just try it once." malambing na sabi naman ni Daddy sakin
Shocks naman! Ipagawa na nila sakin lahat wag lang yon.
"Appa, I said no. And that's final." malamig na sagot ko naman kay Daddy sabay tumayo at uminom ng tubig agad kahit na hindi ko pa nauubos yung pagkain ko
Pagkatapos nun ay umakyat pa ko ng kwarto. Naririnig ko si Mommy na pinapabalik ako sa inuupuan ko.
Pero ayoko lang sa lahat is yung pipilitin ako sa ayaw ko?
Ekis yon.
Magkakaaway tayo at manlalamig ako sayo.
----------------------------------------------------------------
Another update sparkles! Sana hindi kayo nabobored habang binabasa itong story na ginawa ko! Finaaally! Mag chachapter 15 na!Abangan ang susunod na kabanata!
Love,
sparkly_white
BINABASA MO ANG
Ways To Workout
RomancePapano kung gagawin mo ang isang bagay na hinding-hindi mo kailanman ginusto? Ipagpapatuloy mo pa ba ito sa kabila ng paghihirap na dadanasin mo o tatalikuran mo nalang ito? Sa buhay may mga bagay na kailangang isaalang-alang, kahit na gaanong hirap...