42

24 1 0
                                    

Dahil sa dami nang pumapasok sa isipan ko ay hindi ko namalayang ako na pala ang kakanta. Syempre hindi ko rin alam kung ano yung ipapakanta. Pero sana kagaya rin ng kay Bryan yung alam ko rin sana.

Ibinigay naman sakin ni Bryan yung mic sabay kindat. Kasama sa palabas namin yun. Ang mag-act na sobrang sweet namin sa isa't-isa kahit hindi naman talaga.

Nginitian ko naman ng pagkatamis-tamis si Bryan sabay nagbigay ng flying kiss.

Kahit sa loob-loob ko ay diring diri ako sa ginagawa ko.

Naghintay naman ako ng hudyat ng pagkanta ko. May boses naman ako ewan ko lang kung maganda? Pero sabi naman ng iba? Maganda naman daw.

Hopefully, magustuhan ng mga tao na naririto ang boses ko.

Playing: KLWKN by Music Hero

O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa
Nating dalawa

Kilig na kilig naman yung mga taong naroroon. Marami pa nga ang nagsasabing ang lamig daw ng boses ko at ang sarap pakinggan.

Lahhh? Kinikilig ako sa mga pinagsasabi nila! Hahahaha!

Kapag kasi nakakarinig na ako ngayon ng mga compliment natutuwa na ako kaysa dati na hindi.

Tanaw pa rin kita sinta
Kay layo ma'y nagniningning
Mistula kang tala sa tuwing nakakasama ka
Lumiliwanag ang daan

Hindi ko alam pero parang namumula yung tenga ni Bryan? Weird.

Ramdam na ramdam ko naman yung kanta kaya hindi ko namamalayang may mga tao pa rin at media sa paligid naming dalawa ni Bryan.

Kislap ng iyong mga mata
'Pag ikaw ang kasabay puso'y napapalagay
Gabi'y tumatamis sa tuwing hawak ko ang iyong kamay

Syempre sasagarin na natin yung actingan. Hinawakan ko yung isang daliri ni Bryan sa kamay nya at ipinakita sa madla.

Ohh haaa? Marunong rin ako talagang magpakilig kahit na kadalasan ay meron talaga akong kabitteran sa katawan.

Yung chorus ay final chorus na ang kinanta ko. Aba abusado naman mga tao rito. Sila kinikilig samantalang ako? Nandidiri sa mga pinaggagagawa ko.

Halika na sa ilalim ng kalawakan
Samahan mo ako tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa
Nating dalawa

Naghiyawan muli ang mga tao at halatang-halata sa kanilang mga mata at mga galawan na sobra silang kinikilig.

"More! More!." sigawan ng lahat

Tiningnan ko naman si Bryan na ngumiti lang bigla.

Lahhh? Anong nginingiti nito?

"Just act like as if we wanted to sing. And let them know how much we love each other." sabi naman ni Bryan na halatang sinasagot nya ang mga katanungan sa aking isipan

"Hmmm.. let's go!." masayang sagot ko naman kasi matagal-tagal na rin akong hindi kumakanta

"But what song?." tanong naman ni Bryan

"I Won't Give Up by Jason Mraz." matamis ang ngiting sagot ko naman kay Bryan

"Naks. Better." nakangiting sagot naman ni Bryan

Sinenyasan naman nya yung Dj na nasa isang tabi para sa music.

Bigla namang nagplay yung I Won't Give Up by Jason Mraz.

Ways To Workout Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon