45

18 2 3
                                    

Nagising ako dahil sa narinig kong sobrang lakas na tugtog ng isang speaker na ang tantya ko ay nasa kabilang kwarto ko lang narinig.
Syempre alam na kung sino ang nasa kabilang kwarto walang iba kundi si Bryan Go.

Arrgghh! Kahit kailan talaga!

Inis akong bumangon at lumabas ng kwarto ko kahit na ang gulo-gulo ng buhok ko, hindi pa ako nagtotoothbrush at higit sa lahat kahit na wala akong bra na suot. Hindi naman masyadong halata kaya okay lang.

Wala ng hiya-hiya. Gusto ko lang talaga mabulyawan si Bryan kasi sobrang pinapakita nya na talaga sakin kung gaano kasama yung ugali nya.

Kumatok ako ng pagkalakas-lakas sa pinto ng kwarto ni Bryan. Nakatatlong katok muna ako bago nya pa buksan.

Masama na nga ang ugali. Pinaghihintay pa ako.

Binuksan naman ni Bryan na may inis sa mukha.

"What?!." galit na tanong ni Bryan sakin na nakapamewang pa sa harapan nya

Abat! Sya pa ang galit ahh! Sya na nga itong nambulabog ng tulog! Sya pa may ganang magalit?

"Hoy lalaki! Hindi ko alam kung anong problema mo sa buhay mo! Pero sumusobra ka na talaga! Hindi ka ba titigil kakagulo ng buhay ko?!." nanggigigil na sagot ko kay Bryan na kampante lang na nakatayo sa harapan ko

Nanggigigil talaga ako! Konti nalang masasapak ko na ito!

"As far as I remember. You are the one who keeps on bugging in my life. Why are you making up a story?." kalmado ng sagot sakin ni Bryan

Abat! Ako pa daw?

"Kasalanan ko bang na-bankrupt kami?! Kasalanan ko ba?!." galit na sigaw ko naman kay Bryan

Bigla namang umaliwalas at parang lumambot ang mukha nya pero nakabawi agad sya na galit ang itsura.

"Hindi. But you are the reason why my life will be miserable. You don't even have the guts to know what's happening in your own family companny. Umaasa ka lang sa mga taong nasa paligid mo at nagtitiwalang maisasaayos nila ang kompanya nyo. Tama ba ako o tama ako?." mahabang sagot naman sakin ni Bryan na syang ikinatahimik ko

Kasalanan ko na ba ngayong ayoko lang talaga sa business kaya wala talaga akong pakialam sa kompanya namin?! Nakakainis na ahh!

"Ehh ano naman ngayon?! Kasalanan ko pa rin bang ako ang ipinakasal sayo?!." hindi ko na mapigilang ilabas lahat ng nararamdaman ko

Feeling ko napupuno na ako.

"Not really. But just a reminder, always remember that I will never ever be able to fall inlove with you. You're not my type. And you aren't that pretty for me. I'm so perfect and you're just a nobody." confident na sagot naman ni Bryan

So what? So what kung nobody ako at sya ay isang Mr.Perfect? Baka pag nag-ayos ako ng bongga? Mapanganga sya.

"Whatever, Mr. so-called-Perfect. The feelings are mutual. Wala ka pa nga sa kalingkingan ng taong gusto ko." mataray na sagot ko naman kay Bryan na tinaasan lang ako ng kilay

Taasan mo pa! Tingnan natin kung kakayanin mo ang ugaling meron ako! Kung may bad side ka? May bad side rin ako!

"Wala akong pakialam sa taong gusto mo. I just wanted to make things clear. No love attachments. I hate that." balewalang sagot naman ni Bryan

Arrgghhh! Nakakabadtrip talaga! Ang aga-aga!

"And btw?." pahabol pa ni Bryan kasi patalikod na ako

"I hate you too." dagdag ni Bryan at tuluyan ng bumaba para mag-agahan

Let's get it on!

"Don't worry, I hate you more." nakangising sagot ko kay Bryan na syang tinawanan nya lang

Akala nya sya lang ang may hate sakin ahh! Syempre ako rin!

Sino ba namang magmamahal ng isang kagaya nya? Napakabato at lamig ng puso! Akala mo winter na sa panahon na ginagalawan nya eh nasa Pilipinas naman kami!

Bahala na nga sya sa buhay nya! Malaki na naman sya!

________________________________________

I love youuuuu sparkles!

Enjoy reading!

Love,
sparkly_white

Ways To Workout Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon