Nagulat naman ako kasi binaba ng may-ari ng black na van yung wind shield. Pumikit ako kasi natatakot ako at baka holdapin kami. Patay na! Nagdadasal ako na sana huwag na muna kami ngayon holdalpin since wala nga akong dalang cash or cards.
Ehh? Sila Daddy naman? Hindi ko maramdamang kinakabahan, mukha pa nga silang masaya eh!
Ano yun? Masaya silang hoholdapin?
Bago yun ahh!
"Brad! How are you?." masayang bati ng feeling ko yung taong nagbaba ng sind shield ng black van
Pero bat parang pamilyar yung boses?
"Hoy ang pinipikit-pikit mo dyan?." rinig kong bulong ni Kuya Adam sakin na sobraaang nagtataka sa ikinikilos ko
Unti-unti ko namang binuksan yung mga mata ko.
Akala ko holdaper! Si Tito Bruce lang pala!
Daddy ni Bryan.Naalala ko naman noon daw ay magkaibigan daw talagang tunay si Daddy at Tito Bruce. Si Tito Bruce pa nga raw ang gumawa ng paraan para mapansin ni Mommy si Daddy eh!
Naaays bridge to love!
Ohh sige. Corny na naman ako! Pasensya!
"I am good. But before we proceed to talk about our conditions. You should park your van, Bruce." natatawang sagot naman ni Daddy kay Tito Bruce
Agad naman na natawa si Tito Bruce at dahan-dahan na binaba ang wind shield at ipinark yung black van nila sa katabi ng kotse namin.
They're so close even Mom and Tita Brina.
Pare-parehas kasi daw silang nagkakilala na magkakaibigan na ang isa't-isa.Nakita kong mabilis na bumukas yung pinto ng kotse sa likuran. At niluwa nito si Anica na halatang excited na excited na.
Ang alam ko family day namin? Bat kasama sila?
Don't get me wrong ha? I consider them as my family but... nakakapagtaka lang.
Parang may mali.
Hayaan na nga! Kumakalam na sikmura ko ehh!
"BESTFRIEND!." malakas na sigaw na pagbati ni Anica sakin sabay lapit ng mabilis
Magiging maingay na naman ang araw ko.
Hindi kasi napapagod magsalita si Anica eh. Kahit yata pati mga kwento ng buhay ng mga halaman at hayop ay kaya nya pang ikwento eh."Ohh?." masungit na tanong ko naman kay Anica
Napanguso naman sya bigla.
"Aren't you happy to see me?." nagtatampong tanong naman ni Anica sakin
Ehh kakapunta nya palang sa bahay kahapon diba? Diba?
"Why would I? We've seen each other yesterday already. Anong meron bat kailangan kitang mamiss?." mataray na sagot ko na naman kay Anica
May narinig naman akong bumulong sa likod ko
"Sungit. Kala mo naman kung sinong maganda." rinig kong bulong ni...
Wait? Si Bryan?!
Sinabihan akong masungit? Wait! Kailan pa kami naging close?
Pero okay lang since totoo naman.
Pero di ako papatalo noh! Wala sa bokabularyo ko yun!
"Okay lang kahit di maganda. Ehh anong tawag mo sayo? Chismoso?." mataray na sagot ko naman sa kanya pero pabulong lang rin kasi baka marinig kami nila Mommy't Daddy na kasalukuyang nag-uusap nila Tito Bruce and Tita Brina and as well as Tito Amiel and Tita Aemie
BINABASA MO ANG
Ways To Workout
RomancePapano kung gagawin mo ang isang bagay na hinding-hindi mo kailanman ginusto? Ipagpapatuloy mo pa ba ito sa kabila ng paghihirap na dadanasin mo o tatalikuran mo nalang ito? Sa buhay may mga bagay na kailangang isaalang-alang, kahit na gaanong hirap...