20

23 2 0
                                    

At dahil nga ang tagal pa rin namin na naririto sa Parañaque ay inip na inip na ako.



Gusto ko sanang mangialam sa dvd ni Bryan kaso tinitingnan ko palang yung dvd nya? Ang sama na ng tingin nya sakin!



Ang sama talaga ng ugali!



"Ahmm.. Bryan?." nahihiya kong tawag kay Bryan na nagdadrive



Seryoso syang nagdadrive mga bes!



Sana hindi lang sya sa pagdadrive seryoso nohh? Sana sakin din! Charot!



Hindi ko maimagine na magiging seryoso sya sakin as his lover. Like ewww! That will never happen!



"What?." seryosong tutok na tutok sa pagdadrive na sagot naman ni Bryan



Shocks! Ngayon lang ako nahiya sa kaaway ko sa tanang buhay ko!


"Can I switch it on?." nahihiyang tanong ko ulit kay Bryan sabay turo sa dvd player nya


Nagulat ako kasi bigla syang tumawa.


Hotdog na yaaan! Ang dami kong inipon na lakas ng loob tapos tatawanan lang pala ako?! Ekis talaga tong taong tohh! Isang milyooon!


"Marunong ka palang mahiya?." sabi ni Bryan habang tumatawa


Konti nalang pasensya ko!



Ang pera ko hindi nauubos pero ang pasensya ko?! Konting-konti na lang!


Chos! Mala-Angelica Panganiban lang tayo! Hahahahaha!


"As if naman hindi diba? Look what I am doing for you. Makiki-sounds lang ehh! Damot!." mataray na sagot ko naman kay Bryan na tawang-tawa sakin



Mukha ba akong clown para pagtawanan nya?


"Sige na. Hiya-hiya pa ehh! Di naman bagay!." natatawang sabi ulit sakin ni Bryan


Tuwang-tuwa naman na binuksan ko yung dvd player nya.


Sakto! Nandun yung paborito kong song!
Ganda ng playlist nito ahh!


"Which one do you prefer? Happy songs or sad songs or entertaining or encouraging?." curious na tanong ko naman kay Bryan kahit na alam kong nagdadrive sya


Isa kasi akong dakilang istorbo! Hahahaha!



"Encouraging." tipid na sagot naman ni Bryan sakin



Kaya ang pinili kong songs ay Scars to Your Beautiful by Alessia Cara, Beautiful Scars (na nakalimutan ko na kung sinong kumanta), The Climb by Miley Cyrus, Fight Song by Rachel (di ko na alam yung last name nya) and last but not the least This is Me by Greatest Showman.



Ang gaganda kasi ng mga kantang yan! Sobrang meaningful.


Nakita kong napangiti si Bryan na agad din namang nawala kasi napatingin ako sa kanya.


Weird diba?


Hindi ko namalayan sa kakatugtog ng songs ay at last nasa bahay na namin kami!


Chineck ko yung wrist watch ko at nakita kong 11pm na.


Buti at di umabot ng 12am.


Medyo inaantok na rin talaga ako!



Itinapat naman ni Bryan yung kotse nya sa mismong gate ng bahay namin.


Mabuti at baka mamaya may biglang dumekwat sakin sa tabi tabi.


"Thanks for the ride." nakangiting sabi ko kay Bryan at hindi ko na sya hinayaang makasagot pa


Kasi bumaba na ako agad ng kotse nya.



Antok na antok na ko ehh!


Nakita ko naman si Mommy na nakangiti ng malawak sa may pintuan namin naghihintay.


Weird na naman tong si Mommy! Nakangiti na naman!


"How's your ride together?." medyo makahulugang tanong ni Mommy sakin pagkapasok na pagkapasok ko


Hindi ko nalang pinansin since baka nagbibiro lang naman sya at higit sa lahat ay dahil inaantok na talaga ako.


"It's good. I'll go upstairs na mommy. I am so sleepy." sagot ko naman kay Mommy sabay wave ng kamay ko sa kanya


Alam ko naman kasing iinom pa sya ng water sa kusina.


Ganun si Mommy lagi kapag matutulog na sya.


Nagmadali naman akong umakyat since inaantok na talaga ako!


Ni hindi na nga ako nakapagpalit ehh.

Bahala na.

___________________________

Rainy Tuesday everyone! Here's another Chapter for you, sparkles!

Hope you enjoy it and you will share this to your friends and love ones.

Godbless!

Love,
sparkly_white

Ways To Workout Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon