39

21 1 0
                                    

Ito na ang araw na syang pinakahinihintay ng lahat. Ang maikasal ako kay Bryan Go na hindi ko naman mahal. Ang hirap lang kasi hindi ko natupad yung pangarap kong maikasal sa taong mahal ko at sa taong mahal ako.

Syempre ano pa bang aasahan mo sa arrange marriage diba? Halos lahat naman yata ng nakakaranas nito ay wala talagang nararamdaman sa isa't-isa dahil lang sa business ng pamilya kaya naikasal ang isa't-isa kahit walang pagmamahal na nadarama. Naisip ko? Bakit kaya ganun nohh? Bakit nauso pa ang arrange marriage?

Pero syempre hindi naman ako gagaya sa mga nagrurunaway bride. Ayokong madissapoint ang mga magulang ko. Dahil ang araw na ito rin ay may mga media rin na darating dahilan nga sa parehas na businessman ang parents namin ni Bryan. Bryan Go na ayaw na ayaw ko at pilit kong iniiwasan dahil sa ayaw ko ng presensya na meron sya. Na kung pwede lang ay pahintuin ko ang kasal pero wala akong magagawa. Walang-walang magagawa.

Sanaol lang masaya. Lahat kasi na nasa paligid ko? Ang saya nila! Yung tipong parang sila pa yung ikakasal? Kanina pa nga tumititig sakin yung mga nag-aayos sakin ehh! Like sinasabi nila sakin na ang swerte-swerte ko daw?

Hindi lang nila alam na magpapakasal ako para sa negosyo, para sa pamilya ko. Pagkatapos pa nito ay may haharapin pa ako. Ang pagmomodel sa kompanya na meron ang pamilya ko. Magsusuot ng mga damit na ayaw na ayaw ko simula noong bata pa ako.

Lahat ng ayaw ko magagawa ko sa sitwasyong meron ako ngayon. Hindi ko alam kung kakayanin ko pero susubukan ko. Susubukan kong i-overcome lahat ng pagdadaanan ko pa lamang. Dahil hindi ko ito gagawin para sa sarili ko, gagawin ko ito para sa pamilya ko. Para sa pamilya kong isasakripisyo ko kahit pati ang sariling pangarap na meron ako. Yun nga ay ang maikasal sa taong mahal ako at mahal ko.

"Louise anak?." tawag ni Mommy sa akin kaya pilit ang ngiting nilingon ko sya

Buti nalang at hindi nya napansin.

"Yes, mom?." pilit ang sayang sagot ko naman kay Mommy

Lahat nalang pilit.

"I hope you'll be happy." naiiyak na sabi naman ni Mommy

Naiiyak ako! Ayshh!

"I hope so, mom." pilit na ngiting sagot ko naman kay Mommy

"Sorry, anak." naiiyak na sagot ni Mommy

Stop, mommy! Please stop!

"Don't worry, mom. I'll do my best to be happy even if it's too hard to do so." pilit na ngumiti ng malaki na sagot ko naman kay Mommy

I hope I'll do my best.

"Thank you and sorry again, Louise." sagot naman ni Mommy at tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina nya pang pilit na pinipigilan

"M-mom, don't cry. I will be okay. I promise. I will be okay." nauutal na sagot ko naman kay Mommy

Nakita naman kami ng mga bakla na parang malungkot kaming dalawa ni Mommy sila yung kasama namin ni Mommy dito sa hotel room. Agad naman silang nagsilapitan.

"Mudrakels keribels yan ng junakis mo! Payting lang! Diba siz?." pang-eencourage na sabi nung makeup artist

I do hope that I have a strong personality like you.

"Yeahh." tipid kong sagot habang pinipigilan ang pagtulo ng luha ko

Agad rin naman akong chineck nito upang makita kung maayos pa ba yung makeup ko. Huminga naman sya ng maluwag ng makita nyang maayos pa naman.

"Hayyst. Salamat! Di nabura ang makeup ko sayo! Kinabahan ako dun ahh!." nakahinga ng maluwag na sabi nung makeup artist

Tapos na rin namang ayusin yung buhok ko kaya ang pagsuot na lang ng white gown ko ang susunod. Maganda naman yung gown hindi sya yung tube type kundi isa itong off shoulder type na white gown tapos may mga kumikislap pang parang mga diamonds na design.

Ways To Workout Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon