07

26 4 0
                                    

Masayang-masaya ako ng pumasok ang ng bahay namin bitbit ang dalawang dress ni Mommy na syang makapagliligtas sa problemang hawak ko ngayon.



Mukha naman akong Attorney sa pagsasalita ko?



Pero nagulat ako kasi wala naman sya sa salas. Medyo weird kase lagi syang naglalagi sa salas namin ever since. Pero ngayon? Aba wala?



Nakita ko naman yung isang kasambahay namin, si Ate Lorna.



"Ate? Nasaan si Mommy?." inosenteng tanong ko sa kanya



Bigla naman syang nagulat sa pagtawag ko. Nakatalikod kasi sya nagwawalis ng salas.



"Ay naku naman, Amber. Aatakihin ako sa puso sa ginagawa mo." gulat na sagot nito



Ay pasensya!



"Sorry, Ate. Hehe. Pero nasaan nga si Mommy?." pagsosorry ko



Napakamot naman si Ate Lorna ng ulo nya.



Naku baka may kuto na rin sya katulad ni Kuya Bitong! Naku sana wala naman.


"Nakita kong may kausap sya sa opisina nya. Pumuntahan mo na lang sya doon. Pero mukhang napakaseryoso ng pinag-uusapan nila dahil naririto rin si Maa'm Rina." sagot naman ni Ate Lorna na syang pinagtaka ko



Si Tita Brina? Diba yun yung nanay nung bestfriend ni Kuya Adam na si Bryan na napakahusay na instructor sa paggygym?


Bat kaya sya nandito?



"Ahhh sige, Ate. Salamat. Tuloy mo nalang kung anong ginagawa mo dyan. Hehe." nagpapasalamat na sabi ko sa kanya



Ano kayang seryosong pinag-uusapan ni Mommy at Tita Rina?



"Sige sige." nakangiting sagot naman nito



Masaya pa din na pinuntahan ko ang office ni Mommy na nasa first floor pangalawang door habang winawagayway pa ang dalawang dress na pangsuhol ko kay Mommy.



Sumilip muna ako sa nakauwang na pinto.



Tama nga si Ate Lorna. Nakakunot-noo ni Mommy ehh.


Katukin ko na nga.



*Knock knock*



Gulat namang napatingin si Tita Brina at si Mommy.



Ano bang meron ngayon at lahat ng taong nakakausap ko ay nagugulat?



"Come in." striktang sabi ni Mommy nang makita ako



Syempre akong si Masunurin ay sumunod naman sa sinabi ni Mommy.



Nilagay ko na lang sa likod ko yung paper back na may lamang dalawang dress.



Para surprise naman diba?



"What's that thing that you're holding, Louise?." takang tanong naman ni Tita Brina sakin



Hala wala na. Wala ng surprise!


"Ahh ehh. Hi tita Rina!." sabi ko nalang syaka ko sya binati ng may kasiglahan



Pero syempre si Mommy pa ba? Kapag may napansin ang isa? May mapapansin na rin sya.



"What's that, Amber Louise?." madiing tanong naman ni Mommy sakin


Hooooh! This it! Pansit!


"A-ah m-mommy. I-i h-have t-to t-tell you something." pautal-utal na sagot naman kay Mommy


Shocks! Kung nandito lang si Anica? Matutulungan nya sana ako eh! Kaso wala!


"What is it?." takang tanong naman ni Mommy


Sasabihin ko na ba? Ang hirap naman!


Shocks pero para kay Kuya Adam goooo!



"A-ah hehe. Mom, I bought something for you." nakangiti at kinakabahang sagot ko


Sana di mahalatang suhol ko tohh.



Pinakita ko na sa kanya yung paper bag na dala ko. Bigla namang parang naging mala-puso ang mga mata ng Mommy ko.


Sabi sa inyo eh! Effective!



"Oh my goodness! Thank you baby!." tuwang-tuwa na sabi ni Mommy


Tuwang-tuwa pa si Mommy. Di nya alam suhol ko yan. Hahahaha!



"No worries, mommy." nakangiting tugon ko naman


Sana gumana yung suhol ko.


"I think I know where this dress come from." nag-iisip na sabi naman ni Tita Brina


Alam nya kaya?


"Where?." curious na tanong naman ni Mommy



Nakita ko namang lumiwanag bigla yung mukha ni Tita Brina at biglang ngumiti ng pagkalaki-laki.



"It's my daughter's boutique right, Louise?." tuwang-tuwa na sagot ni Tita Brina na biglang bumaling ang tingin sakin



Pano nya nalaman?



Ay oo nga pala anak nya nga pala yon. Yung model daw sa ibang bansa. Pero ni minsan di ko pa nakilala.


"A-ah yes, Tita." nauutal na sagot ko naman kay Tita Brina na tuwang-tuwa



"I knew it!." tuwang tuwa na sabi naman ni Tita Brina



Akala ko makakausap ko na si Mommy. Pero nagulat na lang ako ng lumabas sila ng office ni Mommy.



"Louise baby, we'll just go inside your Dad and I room. Susukatin ko tong binili mo for me." tuwang-tuwa na sagot ni Mommy



"A-ah eh momm---." naputol na sabi ko kay Mommy


Alam nyo kung bakit?


Iniwan ba naman nila ako ni Tita Brina!


Hindi naman sila excited diba?

________________________________

Blessed afternoon everyone! So, here's the thing. Masasabi pa kaya ni Amber na huwag ng ipakasal ng Mommy nya ang Kuya Adam nya o hindi?

Abangan!

Love,
sparkly_white

Ways To Workout Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon