Nagising ako ng may naramdaman akong nakaupo sa kama na hinihigaan ko. Yung kama ni Ate Lorna. Ang akala ko ay si Ate Lorna yung nakaupo, yun pala si Mommy.
Medyo mugto pa yung mga mata ko dahil na rin sa umiyak nga ako kagabi.
"Goodmorning, anak." malambing na bati ni Mommy pagkabangon ko
Medyo meron parin na kirot sa puso ko kapag nakikita ko silang tatlo. Si Daddy, Kuya Adam at si Mommy.
Hindi naman yata mawawala agad yung sakit diba? Kasi on process pa.
"What brought you here, mom?." walang kabuhay-buhay na sagot ko naman kay Mommy na biglang napahinto
Nagulat ako kasi bigla syang umiyak sa harapan ko.
"I know I've been so hard to you and your Kuya Adam. I am sorry if may pagkukulang ako sa inyong dalawa. It's true that we had an agreement before. Pero hindi ko alam na matutuloy yun at desidido ang Daddy mo na gawin yun. I am sorry, anak. Wala man lang akong magawa para sayo." umiiyak na sabi ni Mommy sakin
Umiwas ako ng tingin para hindi rin ako maiyak.
Akala ko kapag nakita kong umiyak si Daddy ay sa kanya lang ako masasaktan. Pati pala kay Mommy.
"M-mom. Stop crying." nanginginig ang boses na sabi ko kay Mommy
Napahagulgol lalo si Mommy sa harapan ko.
Hindi ko na alam yung gagawin ko!Kaya niyakap ko nalang si Mommy bigla. Napahagulgol naman sya ng sobra nung niyakap ko sya. Hindi ko alam na may ganitong side si Mommy. Ang akala ko matapang sya. Pero hanggang akala lang pala.
"A-anak, always remember that Mommy loves you ha? Na I will never leave you to your battles. Alam kong kay Lorna ka lang nag-oopen but please learn to open everything to Mommy okay?." nanginginig ang boses na sabi ni Mommy sa akin
Shocks! Naiiyak ako kay Mommy.
"Yes mommy. But can you please stop crying na? Pumapangit ka na mommy." pang-aasar ko kay Mommy
Bigla naman syang natawa na syang kinagulat ko lalo.
Kasi kapag sinasabihan namin sya ni Daddy na pangit? Nagagalit sya!
"Alright, alright. But please keep that on your mind okay?." malambing na sagot ni Mommy sabay punas ng luha nya
"Opo." tipid na sagot ko kay Mommy na nakangiti
Bigla naman akong niyakap ni Mommy out of nowhere.
"Louise, thank you for sacrificing yourself for the companny. I know you'll overcome this. I am always here to support you no matter what. Just call Mommy and I'll be there." matamis na sabi ni Mommy habang nakayakap sakin
Shocks! Ito yung matagal ko ng hinihintay kay Mommy. Kasi puro sila work ni Daddy.
"Yes mommy. May pagkain na po ba sa dining area?." tanong ko kay Mommy sabay himas ng tyan ko
Natatawa naman akong tiningnan ni Mommy bigla.
"Yes, baby. Meron tayong bacon, hotdog, ham and eggs. Diba favorites mo yun?." masayang sabi ni Mommy sa akin
Kitang kita ko yung saya sa mga mata nya. Yung priceless na saya.
"Yes, mommy hehe." tuwang-tuwa na sabi ko naman kay Mommy
"Tara?." masayang sabi naman ni Mommy
Tumayo na ako at isinuot yung tsinelas ko at sabay kami ni Mommy na pumuntang dining area na masaya.
Siguro kailangan ko lang magpatawad para manumbalik ulit yung saya.
Nagulat naman sila Daddy kasi masaya kaming magkasama ni Mommy na hindi nya pa nakikita noon.
"Goodmorning everybody!." parang baliw na bati ko sa kanilang lahat
Gulat na gulat yung mga mata nila Daddy, Ate Lorna at Kuya Adam.
"A-ah goodmorning din." nauutal pang sabay na bati nila Daddy at Kuya Adam samin ni Mommy
Magkatabing naupo kami ni Mommy sa dalawang upuan. At si Mommy naman ay nilalagyan ng maraming pagkain ang plato ko.
Nasanay na nga talaga silang malakas akong lumamon! Hahahahaha! Hindi na pagkain yun ehh! Lamon na! Lamon!
"Mommy, don't put too much foods. From now on I will go on a diet. Kasi sabi ni Kuya Adam magmomodel daw ako sa companny. Right, Kuya?." nakangiting sabi ko kay Mommy sabay baling ng tingin kay Kuya Adam na napalunok bigla
"A-ah yes, Mommy. I already told her before." nauutal pang sagot ni Kuya Adam
Bagong bago yung mga pakikitungo nila ngayon ahh? So interesting.
"Really? I'm so glad to hear that!." tuwang-tuwa na sabi naman ni Mommy sabay pisil sa malasiopao kong pisngi
"Mommy naman ehh!." reklamo ko sa ginagawa ni Mommy
Natatawang hinimas naman ni Mommy yung pisngi ko.
"Sorry, sorry. Hindi ko mapigilang pisilin ehh! Hahahaha!." tumatawang sabi naman ni Mommy
Tiningnan ko si Daddy na sana warning for him to make Mommy stop. Pero aba? Walang ginawa! Nagkibit-balikat lang sakin?
Bigla namang tumahimik.
"Louise, I am sorry for what I did to you. Dapat ako yung sumasalo ng mga bagay-bagay ehh. Hindi ikaw. Ako yung Kuya mo pero parang ikaw pa yung mas nakakatanda sa ating dalawa. Sorry. I am really sorry." out of nowhere na sabi ni Kuya Adam in the middle of silence
Naramdaman ko naman yung sincerity sa boses ni Kuya Adam kaya nginitian ko sya.
"Kuya? Wala kang kasalanan okay? Tatanggapin ko yung pagdadaanan ko ng buong-buo. Para sayo at para sa pamilyang ito. Alam kong sobrang ayaw mo na maipakasal sa isang babaeng hindi mo pa nakikilala. Kaya ngayon palang? Maghanap ka na! Hahahaha!." tumatawang sagot ko kay Kuya Adam
Bigla namang tumawa silang lahat.
"You never really fail to amazed me, Louise. Sana all strong!." nakangiting sabi ni Kuya Adam sakin
I am just trying to be strong para sa inyo. Alam kong wala akong pakialam sa companny noon. Bibigyan ko na ng care yon ngayon.
"Ako lang tohh Kuya! Ako lang!." tumatawang sabi ko naman kay Kuya Adam
Humagalpak naman silang lahat ng pagtawa.
Hayst. Ang sarap lang sa feeling na kahit kahapon lang? Ang lungkot mo tapos ang saya mo na ngayon.
Just treasure the moments with your family and happiness will come.
___________________________
Goodmorning sparkles! So here's the another update for all of youuuu! Hopefully, ay magustuhan ninyo ito.
Thank you sa suporta! Mahal ko kayo!
Blessings!
Love,
sparkly_white
BINABASA MO ANG
Ways To Workout
RomancePapano kung gagawin mo ang isang bagay na hinding-hindi mo kailanman ginusto? Ipagpapatuloy mo pa ba ito sa kabila ng paghihirap na dadanasin mo o tatalikuran mo nalang ito? Sa buhay may mga bagay na kailangang isaalang-alang, kahit na gaanong hirap...