Sa wakas ay nakarating na rin kami sa hotel ng mga Go na nasa Tagaytay. Ang pangalan ng hotel nila ay Luxury Hotel.
Ang panget naman kasi if Go Hotel diba? Nakakaloka lang kapag ganun yung ginawang name ng hotel kasi parang pinipilit talaga yung mga taong magbooking sa hotel. Syempre ang hinahanap ng tao ay yung hotel na affordable at maganda yung quality. Hindi lang sa nakakahook na ganda ng name ng hotel kundi pati rin sa kung anong meron dito.
Nagpark lang si Kuya Bitong sa parking lot. Malawak yung hotel at napakaganda ng place na pinagtayuan ng hotel. Makikita mo yung mga halaman na nakasurround sa hotel pero hindi sya nagmumukhang gubat ahh? Basta yon.
Bumaba na kami sa kotse at naglakad na papuntang entrance. Hindi ko nga alam kung bakit sa entrance pa dapat dumaan ehh pwede naman sa exit nalang para mas mabilis diba?
Para mas mabilis din ako makakatakbo! Hahahahaha! Syempre joke lang.
So ayun nga habang naglalakad kami papasok ay may mga taong nagsisitinginan samin. Alam nyo naman na ayokong-ayoko ng sobrang atensyon. Kaya minarapat ko na lamang na hindi sila lingunin. Sila Daddy naman ay pilit na ngumingiti sa kanila.
Syempre business man si Daddy at kilalang kilala na mabait na business man kaya kapag inisnaban niya yung mga tao maiiba yung pakikitungo nila sa kanya.
Grabe! Ang hirap talaga kapag business ang hawak mo!
Sa schools ko pa nga hirap na hirap na ako! Pano ba kaya kapag nagkaroon pa ako ng sarili kong kompanya diba?
Sa wakas ay nakarating na kami sa mismong place na napakaraming tao. Well expected ko na rin naman ito kasi nga business man si Daddy at business man rin si Tito Bruce.
Nang makita naman kami ni Tito Bruce ay agad syang napangiti ng pagkalaki-laki.
"Bro! How's the transportation?." nakangiting malaki na tanong ni Tito Bruce kay Daddy
Ngumiti rin naman pabalik si Daddy.
"Not that bad. There's no traffic at all." natatawang sagot naman ni Daddy
"That's good to hear. You guys will be seated on that table." nakangiting sabi ni Tito Bruce at itinuro ang mesa na pangalawa sa unahan
Hindi kami VIP beh. Hindi naman.
"But you Louise, will be seated infront of your parents. Dun kayo ni Bryan sa pinakaunahang table. Because you guys are now engage." pahabol na sabi naman ni Tito Bruce
Ngumiti na lang ako kay Tito Bruce at masunuring umupo sa pinakaunahan na table.
Nakakailang ito promise!
Nakita kong nakatalikod si Bryan at alam kong naiinis sya sa mga nangyayari.
Sino ba namang hindi diba? Ipapakakasal ka sa taong hindi mo mahal at higit sa lahat dahil ito ang ipinagkasunduan ng parents mo at parents ng pakakasalan mo.
Masakit nga naman yun.
Tahimik nalang akong umupo sa harapan nya since dadalawa lang naman talaga yung upuan sa pinakaunahang table na syang kinauupuan namin ni Bryan.
Napansin naman ni Bryan yung presensya ko kaya humarap din sya agad.
"Ohh you're here." walang ganang sabi ni Bryan sakin
Hindi picture ko lang tohh! Picture!
"Yeah." walang gana ring sagot ko kay Bryan
Bigla namang ngumisi si Bryan.
"Wala ka ring gana ha?." nakangising sabi ni Bryan sakin at natatawa pa
"Yeahhh. Ikaw ba naman makakausap at makakasama ko sa iisang table? Sino ba naman ang hindi mawawalan ng gana dun?." nakangising sagot ko naman kay Bryan
Natawa naman ng pilit si Bryan.
"Come on! You're lucky because you're going to have a husband like me." mayabang na sagot naman ni Bryan sakin
Gross! Kala mo sobraaaang gwapo!
"And?." mataray at tipid na sagot ko naman kay Bryan
Nakita kong nag-iisip si Bryan ng susunod nyang sasabihin.
"Amber Louise Lee soon to be Amber Louise Lee-Go. I know we don't have a good relationship but please. Just for this moment, we should act like a real couple. That's what we're going to show them. For them not to be dissapointed." nawawalan na ng pasensya na sagot naman ni Bryan
Wow! BIG WOW! HINDI KO ALAM KUNG PAPAANO MAG-ACT LIKE A REAL COUPLE! WALA AKONG EXPERIENCE!
"Are you out of your mind? Ako? Este tayo? Mag-aact na real couple? Hoy! Kung ikaw may experience. Ako? Wala!." mahina lang na sagot ko naman kay Bryan
Halatang nagtitimpi lang si Bryan sakin kasi kanina pa sya pahawak hawak sa sentido nya.
Hahahahaha! Matigas ulo ko sir! Baka di mo kayanin! Hahahaha!
"Just follow my lead." tipid na sagot naman ni Bryan
Muli na kaming tumahimik na dalawa at tumingin na sa stage na kung saan nandun na ang emcee na syang magwewelcome sa lahat.
"Goodmorning ladies and gentleman! Today, we will be witnessing the unconditional love of the couple Amber Louise Lee and Bryan Go. Please give them around of applause!." energetic na sabi ng emcee
UNCONDITIONAL LOVE?! BAKA EVERLASTING HATE!
"Just act like we are unconditionally inlove." supladong sabi naman ni Bryan sakin
Badtrip na yan.
"So kindly stand up couple. So the crowd will see you both." dagdag pa ng emcee
Nagngingit-ngit ang kalooban na tumayo ako kasama si Bryan.
Syempre sino pa ba diba?
Nakangiting tumayo kami ni Bryan at magkahawak pa ang mga kamay.
Sarap putulin ng kamay nento ehh.
"What a perfect match! For your information they are both child of a business men." kinikilig na sabi ulit ng emcee
Na feeling ko bakla. Kasi nakatikwas yung daliri nyang maliit sa kamay ehh. Hahahahaha!
"Thank you!." sabay na sagot namin ni Bryan at ngumiti ng pagkatamis tamis
Pekeng ngiti at pekeng pasasalamat.
Naghiyawan at nagpalakpakan naman yung mga tao. Kinilig na kilig sila hindi nila alam na palabas lang ang lahat.
At higit sa lahat, hindi nila alam na tinitiis ko lang yung presensya ni Bryan at pilit na sinasabayan sya sa mga kalokohan nya.
May naririnig naman kaming bulungan na bagay na bagay raw kami at karapat dapat nga raw na maikasal kaming dalawa.
Na hindi man lang nila naisip na kapag kami ay nagsama ni Bryan ay magkakaroon ng isang malaking gera. Ang panget sa tao kasi kung ano yung nakikita nila? Doon na talaga nagsstick. Hindi na aalamin pa ang puno't dulo ng mga nangyayari.
Hindi ko alam if makakaya kong pakisamahan si Bryan ng buong araw. But I hope I will.
----------------------------------------------------------------
Goodevening sparkles! Sorry at gabi na naman akong nakapagupdate. Ako'y nakatulog na naman ng hapon at nanood ng Romantic Doctor Season 2. Hehe!Keep safe everyone and enjoy reading!
Blessings!
Love,
sparkly_white
BINABASA MO ANG
Ways To Workout
RomancePapano kung gagawin mo ang isang bagay na hinding-hindi mo kailanman ginusto? Ipagpapatuloy mo pa ba ito sa kabila ng paghihirap na dadanasin mo o tatalikuran mo nalang ito? Sa buhay may mga bagay na kailangang isaalang-alang, kahit na gaanong hirap...