09

23 3 0
                                    

Di ko pa rin malubos maisip na napapayag ko si Mommy! Kaya excited na excited na akong sabihin kay Kuya Adam. Ehh kaso mga 8am pa yun nagigising. 7:30am palang ngayon.

But anyways, excited talaga ako at sobraaang saya ko!

Kaya napapakain na naman ako ng madami.

Nasa dining area kasi ako. Nagbebreakfast. Niyaya pa nga ako ni Mommy na magjogging ehh. Ayoko nga! Mapapagod lang ako!

Ayun nga kumukuha ako ng maraaaaming hotdogs, bacons and hams.

Kahit na nararamdaman ko ng bumibigat na ko. Wapakels lang Hahahaha!

This is my body. No one can stop me! Well except my Mommy! Hahahaha!

After naman mag8am ay nakita kong pupungas-pungas na bumaba ng hagdan si Kuya Adam.

Sabi sa inyo eh! 8am nagigising yang lokong yan.

"Goodmorning Kuya!." masiglang-masigla na bati ko sa kanya

Nagulat naman sya kasi hindi naman ako masiglang bumabati tuwing umaga. Panay simangot ko kasi kapag sumasapit na ang umaga.

"What's with that happy tone of yours? By the way, goodmorning too." natatawang sabi naman ni Kuya Adam sabay umupo sa upuan na katabi ko lang

Here we go!

"Napapayag ko si Mommy na hindi ka na ipakasal sa babaeng yon." mayabang na sabi ko naman sa kanya

Dahil sa magugulatin ang mga tao rito ay nagulat na naman si Kuya Adam.

We are shockening family!

"Wait. How?." di makapaniwalang tanong naman ni Kuya Adam sakin

Grabe! Walang tiwala sa kaya kong gawin?

"Duhh. Nilambing ko lang naman si Mommy." mataray na sagot naman sa kanya

Natawa naman si Kuya Adam sabay ginulo yung buhok ko.

"That's my sister." tuwang-tuwa na sabi naman nya sakin

Duhh kuya? Ako lang tohh!

"What can you say?." nagmamayabang pa rin na tanong ko sa Kuya kong problemado masyado

"I think I'll say that.. may maitutulong ka rin pala! Hahahaha!." tumatawang sagot nya sakin

Akala ko naman magseseryoso na!

"Kuya naman eh! Just tell me what you think!." nagrereklamo kong sabi sa kanya

Naku talaga! Pasalamat sya kapatid ko sya! Ilang balde o ilang drum ng kaba ang napuno sa puso ko dahil sa ginawa ko sa kanya ah!

"Hmmm.. you're an amazing sister. You never fail to amaze me." nakangiting sagot naman ni Kuya Adam sakin

Enebe kese ako lang tohh! Naaay! Ekis! Pabebe masyado!

"Well that's me." taas-noong sagot ko rin naman kay Kuya Adam

Natawa naman sya.

"What's with the sweet momentum?." biglaang tanong ni Mommy na lumitaw out of nowhere

Para ding kabute si Mommy minsan eh! Lilitaw bigla kung saan. Syaka siguro kasi dahil na rin sa maputi si Mommy hehe.

"Nothing, Mom." nawala na ang ngiting sagot naman ni Kuya Adam kay Mommy

Weird ahh? Kanina sobrang lawak at tamis rin ng ngiti nya tapos mabilis na nawala?

Galing naman!

Sana magawa ko rin yon! Hahahaha!

Naupo naman si Mommy sa isang upuan na pinag-gigitnaan nila ako ni Kuya Adam.

Lagi namang ganito ang pwesto namin kapag nasa dining area. Kasi madalas kaming mag-away ni Kuya Adam. Hahahaha!

Masayang-masaya na nilamon kong muli ang pagkain na nasa aking harapan.

Naks naman! Isa akong makata. Isang makata na di alam kung saan magsisimula. Isang makata na ang ninanais lamang ay ang kaligayahan lamang ng aking Kuya.

Napakasweet ko na talaga!

---------------------------------------------------------------
Thank you again, sparkles! Enjoy reading!
Keep smiling and make this day more memorable! Godbless!

Love,
sparkly_white

Ways To Workout Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon