19

19 2 0
                                    

Nandito na kami ni Anica sa sinehan which is nag-escalator kami pero tinakbo pa rin namin since baka nga gabihin kami.

Nasa thirdfloor pa naman! Kase may nakita kaming buntis na may kasama pang anak nya na babae na gustong mag-elevator? Ehh sa walang gustong tumulong sa kanila since puno na nga yung elevator kaya napagdesisyon na lang namin ni Anica na takbuhin yung escalator kahit na 3rd floor pa at hihingalin kaming dalawa.

Pero dahil sa umiral ang kabaitan at kaawaan sa aming mga puso ay ayun! Naibigay nalang namin yung kakaunting space para di na mahirapan pa yung buntis at yung anak nyang babae. Ang cute pa naman!

Mahilig kasi ako sa bata.

Kaya nga minsan niloloko ko si Mommy at Daddy bakit ayaw kaming bigyan ni Kuya Adam ng baby girl ehh!

Ang sabi ba naman sakin ni Mommy?

Ikaw kaya ang manganak!

Hahahahaha! Halatang nahirapan na sya samin ni Kuya Adam ehh! Tigas ba naman ng ulo namin ehh! Hahahahaha!

So ayun nga. Nakita namin sila Mommy nasa isang tabi habang naghahabol kami ng hininga ni Anica.

Grabe ba naman? Nilakad takbo rin yata namin yung escalator marating lang yung sinehan na ito ehh!

"Mommy!." tawag pansin ko kay Mommy na agad na lumingon naman

"Sit. We'll just wait for 2 minutes for our ticket." sagot naman ni Mommy at pinapaupo kami ni Anica sa mismong magkabilaan nya

Syempre? Chikahan na naman sila ni Mommy nyan.

Lagi naman silang ganyan kapag nagkakasama ehh!

Matanong nga muna itong si Anica about sa pag-uugali nitong si Bryan na masama ang tingin sa akin.

Dukutin ko mata mo ehh! Ayy! Sayang blue pa naman! Wag na lang.

"Psst, Anica." tawag pansin ko kay Anica sa mahina na boses

Good thing narinig nya naman. Kasi napalingon sya sakin ehh.

"Bakit?." nagtataka namang tanong ni Anica sakin

Tatanungin ko na kasi sya about sa kung bakit ganun na lang kung umasta si Bryan sa mga magulang nya.

Kase ako? Kahit na naloloka ako sa ugali ni Mommy? Ni minsan hindi ko pa sya nasabihan katulad ng ginawa ni Bryan kay Tito Bruce!

Hindi ko naman sa sinasabi na ang bait-bait ko kase sa isip ko naman pinagtitripan ko si Mommy ehh! At aamin ako dun.

Pero kasi iba yung dating nung kay Bryan. Ibang-iba.

"Dito ka muna sa tabi ko. May itatanong lang ako sayo." sagot ko naman kay Anica pero sa mahinang boses lang talaga

Kasi nga nasa gitna namin si Mommy. Patay kaming dalawa kapag medyo naingayan sya.

"Ahh sige." mahinang sagot naman ni Anica sakin

Umupo sya sa right side ko ng tahimik. Kasi baka nga mapagalitan kami ni Mommy.

"Bakit ganun kung umasta si Bryan kay Tito Bruce kanina? Anong meron sa kanya? May nangyari ba?." curious na curious na tanong ko kay Anica

Mukha na naman syang baliw! Ngumiti kasi sya bigla!

"Ikaw haaa? Ngayon ko lang napansin na nagkaroon ka na ng interes sa isang lalaki ahh?." nag-aasar na naman na sagot ni Anica

Kung hindi ko lang ito kaibigan? Siguro naihagis ko na mula third floor hanggang ground floor! Masyadong madaldal ehh!

Ways To Workout Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon