40

21 1 0
                                    

Ang dami kong naiisip habang naghihintay ng hudyat ng pagpasok ko. Magiging okay kaya ako? Makakaya ko kayang makasama si Bryan Go sa iisang bubong? O kaya higit sa lahat ay makakaya ko kayang maikasal sa kanya ngayon? Magrunaway bride kaya ako? O kaya magkunwari akong nahihilo para hindi matuloy yung kasal ngayon?

Pero syempre parang ang sama naman nun. Baka isipin pang nabuntis agad ako ni Bryan bago kami maikasal, kaya kailangan ng maikasal kami agad-agad. Yun ang mahirap pag nagkataon.

After 5 min. na pagkakatayo ko mula sa simbahan ay pinapasok na ako ng isang organizer sa loob. Ang weird kasi pagpasok ko ito ang narinig ko.

[Playing Dear Biyenan by Breezy Boyz and Abaddon]

Mula nang umpisang nakita ko sya at nakilala (nakilala)
Alam ko siya na talaga ang gusto kong mapangasawa (mapangasawa)
At di ko po kayang mawala pa sya sakin (sakin)
Lahat ay aking hahamakin
Para sa pagmamahalan naming dalawa

Weird diba? Akala ko pa naman maganda yung wedding song na mangyayari. Ang jeje lang.

Tapos ang ewan lang kasi si Bryan pa mismo yung kumakanta nun. Ang ganda na sana ng boses nya kaso jeje lang kinanta nya.

Pero biglang napalitan naging yung isa sa favorite kong kanta.

[Playing Ikaw at Ako by Moira dela Torre and his husband]

Sabi nila
Balang araw darating
Ang iyong tanging hinihiling
At nung dumating
Ang aking panalangin
Ay hindi na maikubli

Ang pag-asang nahanap ko
Sayong mga mata
At ang takot kong sakali mang
Ika'y mawawala

Hindi ko alam pero ang sarap sa pakiramdam na kahit na hindi ko mahal yung papakasalan ko atleast manlang favorite song ko yung naiplay na kanta sa kasal na meron ako ngayon. Pero hindi na si Bryan yung kumakanta kundi si Kuya Adam na at si Anica.

Halos lahat ng tao pagkapasok ko ay di maitatago ang saya sa kanilang mga mukha. Hindi ko rin sila masisisi kasi ang tanging alam lang naman nila ay nagmamahalan kami ni Bryan kahit hindi naman talaga. Ang daming taong nandito at sobrang pili lang ang kilala ko. Nakita ko nga din yung lola ko sa isang gilid at pati si Ate Britney na syang nakakatandang kapatid ni Bryan ay napakatamis ang ngiti na tumingin sa akin. Naiilang naman ako kasi ang dami talagang tao. Ni hindi ko nga alam kung ipagpapatuloy ko pa yung paglalakad ko papasok kasi nahihiya na ako.

Sa wakas ay nasa harapan na ako ni Daddy sabay kaming pupunta sa kung saan naroroon si Bryan. Syempre nakakailang pa rin kasi ayaw na ayaw ko sa kanya pero papakasalan ko sya ngayon.

Hayst.

Sobrang tamis pa nga ng tingin sa kin ni Daddy. Na para bang gusto nya akong langgamin.

"Dad, stop making me feel so awkward. You have the sweetest smile here, don't you know that?." nagrereklamong sabi ko kay Daddy

Tumawa naman ng mahina si Daddy.

"I am just so happy that my princess is finally getting married. But sadly, you don't even love the man that you're going to marry." sagot naman ni Daddy sakin

Hala patay! Kilalang-kilala nga pala ako ni Daddy.

"How'd you know that?." gulat na tanong ko naman kay Daddy

"You can't hide anything from me. I know everything about you." sagot naman ni Daddy sabay kindat sa akin

Napairap naman ako.

"Yeahh right." mataray na sagot ko naman kay Daddy na bigla lang tumawa

Finally, as in finally, nasa harapan na namin ni Daddy si Bryan. Kinindatan pa nga ako ni Bryan bago pa kami makarating sa harapan nya kaya lahat ng naroroon ay kinilig ng todo.

Ways To Workout Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon