31

20 2 0
                                    

Nandito na ako sa bahay namin at kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko dahil nananakit yung buong katawan ko. Nabigla kasi siguro yung katawan ko since first time ko palang magworkout. 3 times a week lang daw ako magwoworkout sabi ni Blue para daw may pahinga ako ng 4 days. Kasi masakit naman daw talagang magworkout para sa akin na first timer. Natapos ako ng 2 hrs and a half hour. Grabe si Blue pinush talaga ako kahit na konting-konti na lang ay susuko na ako.

Ang hirap naman kasi talaga.

10am na ngayon at kasalukuyang nagugutom na ako. Eto na ang kalaban ko, kailangang konti na ang kainin ko kasi nga nagwoworkout ako at dapat ay magdiet din ako.

Ang hirap din pala magdiet!

Syempre wala naman yatang madaling gawain.

Bumaba na rin ako para makakain ako sa dining area. Kakain nalang siguro ako ng prutas muna since di pa naman lunch.

Naabutan ko si Mommy na may ginagawa yatang salad. Bigla naman akong natakam kasi isa rin sa paborito kong pagkain yung salad. Hindi sya yung malamig ahh? Yung maraming dahon na gulay? Tapos pwede rin syang makita sa Wendy's para mas maintindihan nyo. Hahahaha!

"Mom! Can I have some?." malambing na tanong ko kay Mommy na syang gumagawa ng salad

Ngumiti naman ng pagkatamis-tamis si Mommy.

"Sure. But you can just have one plate ha? This is now your lunch. Ito na muna ang ipapakain ko sayo. Sinabihan na naman ako ni Blue kanina kaya pinrepare ko talaga tohh for you." nakangiting sagot naman ni Mommy

Ang sweet!

"Yes! Thank you mommy!." tuwang-tuwa na sagot ko kay Mommy at hinalikan sya sa pisngi

Natatawa namang tiningnan ako ni Mommy.

"How's your workout sessions? Is it hard or easy?." curious na tanong sakin ni Mommy

"So hard, mommy. But I need it kaya I'll just do my best not to give up and do what Blue always says." napapakamot ng ulo na sagot ko naman kay Mommy

"That's what you're Kuya Adam loves about you. You never easily give up. I am so proud of you, Louise." nakangiting sabi naman ni Mommy sakin sabay halik sa pisngi ko

Aba? Mommy ako lang pwede humalik ahh! Bakit ako pati ako hinalikan mo sa pisngi?!

Shocks! Bahala na nga.

"Thanks, mom. Can I eat na?." nahihiyang tanong ko kay Mommy nang matapos na nya yung salad na ginawa nya

"Wait. I'll get two plates for the both of us. Nagluluto kasi sila Manang kaya we shouldn't disturb them." nakangiting sagot naman ni Mommy

Nginitian ko lang si Mommy at pumunta sya doon sa area ng dining area na kung saan makikita yung mga plato at iba pa. Masaya naman naming nilantakan yung salad na ginawa ni Mommy.

Pwede rin pala magpatayo ng karinderya tohh si Mommy ehh! Hahahahaha!

Kaso sobra naman yata if salad ang ibebenta nya! Baka puro mayayaman lang kayang umafford! Kase diba? Ang mahal kaya ng ingredients ng salad syaka dapat fresh lagi para mas masarap!

Hahahahaha! Try ko ngang maisuggest kay Mommy! Hahahahaha!

Pero... baka magalit! Kasi owner sya ng clothing line! Hahahaha!
Baka sabihing yung may-ari ng clothing line nagbebenta na sa karinderya! Baka naghihirap na! Hahahahaha!

Mabatukan pa ko ni Mommy ehh! Masakit yon!

-----------------------------------------------------------------
Here's another chapter for all of you sparkles! Thank you sa understanding sa pagwawait din ng updates ko.

Blessings!

Love,
sparkly_white

Ways To Workout Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon