Ngayong araw na ito na ang labas ko sa St. Lukes Hospital. Natataranta nga sila Mommy kasi gustong-gusto na nila akong makasama na nasa labas ng hospital.
Sino ba namang hindi masusuffocate sa ganun diba?
3 months akong nasa hospital. Nakahiga lang. Walang ginagawa. Maraming nakadikit na kung ano ano sa katawan.
Ang hirap kaya ng ganun.
Nasa tabi ko lang nga rin magdamag si Bryan ehh. Hindi nya ako iniwan.
Sweet nohh? Noon nacocornyhan ako sa ganun ehh. Ngayon hindi na.
Kaya ayon, tulog na tulog pa rin sa tabi ko si Bryan.
Nakakainis lang! Ang gwapo nya. Ang gwapo ng lahat ng nasa kanya. Mapipilantik na mga pilik mata, malabughaw na mga mata, mapupulang labi, maayos na makapal na kilay at magandang hubog ng panga.
Sya na talaga. Sya na.
Lahat ng kagandahan sa mukha na sa kanya na.
I think I am bless to have him.
To have him in my life.
"Love, wake up." mahinang tinapik ko yung kamay ni Bryan
Nagising naman sya sa simple at mahinang tapik ko.
"Hmmm?." tipid na sagot naman nya sakin
Pati yung boses nya! Ang gwapo na sa pandinig ko! Hahahaha!
Ano bang nangyayari sakin?
"Gising na, love. Ikaw na lang maiiwan dito." natatawang sagot ko naman kay Bryan
Unti-unti namang iminulat ni Bryan yung mga mata nya.
Wait.. ang rupok ko!
Kinikilig ako!
"Aalis na ba?." mahinang sagot naman nya sakin sabay nag unat-unat
Hindi ba halata?
"Yes, love. Kanina pa nga naayos yung mga gamit ko at gamit mo ehh." natatawang sagot ko naman kay Bryan
Nginitian nya naman ako kahit na halatang antok na antok pa rin sya.
A true man will do everything for you.
"Can we ask Kuya Bitong for us to drive us home?." humihikab na tanong naman ni Bryan sakin
Oo nga nohh. Good idea!
Since inaantok pa sya at hindi sya pwedeng magdrive.
"Yes, love. But wait? Did you bring your phone with you?." tanong ko pabalik kay Bryan
Nagulat naman sya.
"No. Why did I forget to bring my phone? Argghh!." naiinis na sagot naman ni Bryan
Kalma.
"Kalma lang, love. There's a telephone beside you. You can ask my Mom about Kuya Bitong's number. I mean you can ask our Mom." natatawang sagot ko naman kay Bryan
Natawa naman si Bryan at muling napahikab.
"I am so sleepy. And yet I still need to do something for you." humihikab na sagot ni Bryan sakin
Awww. That was so sweet.
"You can sleep in the car. You can lean on my shoulder, okay?." malambing na sabi ko naman kay Bryan
BINABASA MO ANG
Ways To Workout
RomancePapano kung gagawin mo ang isang bagay na hinding-hindi mo kailanman ginusto? Ipagpapatuloy mo pa ba ito sa kabila ng paghihirap na dadanasin mo o tatalikuran mo nalang ito? Sa buhay may mga bagay na kailangang isaalang-alang, kahit na gaanong hirap...