Nandito na ako sa kwarto ko. Matapos magkaroon ng masayang agahan ay napapunta na rin ako sa kwarto ko.
Hindi ko nga alam ehh? Bakit parang ang bilis lang na nawala yung lungkot ko?
Galing ni Lord ehh!Hindi ko alam na pinagdadasal pala ako nila Mommy kagabi bago sila matulog na sana daw ang mapatawad ko na sila at sana daw ay hindi na ako malungkot. And miraculously? Nangyari yon! Syempre dahil kay Lord yun!
Pero ang nacucurious ako ngayon ay yung pag-uugali ni Bryan sa Daddy nya. Alam nyo naman na lagpas pa sa isang-daang porsyento yung pagkahate ko sa kanya pero gustong-gusto ko na talagang malaman kung anong reason behind that.
Alam ko na kung sinong matatanungan ko!
Si Kuya Adam! Buti nalang nagday off sila nila Mommy! Kasi para sa akin daw itong araw na ito. Ishwit diba? Hahahahaha!Lumabas ako ng kwarto ko at binulabog si Kuya Adam sa kwarto nya. Ang lakas pa nga ng sounds nya ehh! Kahit na sound proof pa.
Naka 101 yata na volume tohh?
"KUYA ADAAAM!." malakas na sigaw ko kay Kuya Adam para marinig nya ako sabay kalabog ng pintuan ng kwarto nya
Ganyan ang tricks kapag alam mong hindi ka maririnig ng Kuya mo dahil sa lakas ng pagpapatugtog nya.
Naramdaman ko namang medyo humina yung tunog at binuksan nya yung kwarto nya.
"Bakit?." medyo problemadong tanong ni Kuya Adam sakin
Ano problema nento? Magtatanong lang naman ako ahh!
"Pwede papasok muna?." medyo mataray na sabi ko kay Kuya Adam
Napapakamot naman sya ng ulo na binuksan yung pintuan ng pagkalaki-laki.
Ang gulo ng kwarto nya! Yung unan nasa baba ng kama nya. Tapos yung kumot nya? Nasa baba rin. Ano bang nangyari dito kay Kuya Adam? Mukhang binagyo yung kwarto nya!
"Kuya? Ang alam ko tapos na yung bagyo ahh? Bakit sa kwarto mo meron pa?." natatawang tanong ko kay Kuya Adam na napakamot ng ulo bigla
"Kasi namomoblema ako sa sinabi mo kanina." malungkot na pag-amin ni Kuya Adam
Ahh! Yung sabi ko kanina na maghanap na sya ng babae? Aba! Sineryoso nya? Hahahaha!
"Diba ang sabi ko sayo noon Kuya? Hintayin mo yung babaeng para sayo at kung nakikita mo na kung sino sya? Ehh di ligawan mo! Basic!." mahabang litanya na sabi ko kay Kuya Adam
Napaisip naman sya bigla.
Kunyari nag-iisip! Hahahahaha!
"Ahhh liligawan ko si Anica." wala sa wisyong sabi naman ni Kuya Adam
Yun naman pala ehh! May nakita na sya! Si Anica!
Pero wait?
Processing...
"KUYA?! WEHH? SI ANICA TALAGA?!." hindi makapaniwalang sabi ko kay Kuya Adam
Ehh crush lang naman sya ni Anica! Crush lang pero bakit parang ikakacrushback na sya? Sana all diba?
Para sa mga hindi pa nakakacrushback dyan? Okay lang yan! Payting tayo! Hahahaha!
Kahit wala akong crush.
"Oo nga. Matagal na." agad na pag-amin ni Kuya Adam
Shocks! Masaya ako para sa bestfriend ko! Dream come true nya tohh!
Syempre hindi ko muna sasabihin sa kanya na may gusto din si Anica sa kanya! Duhh! Gusto kong mag-effort si Kuya! Bestfriend ko yun nohh!
Para sa kaalaman ng lahat? NGSB po si Kuya Adam! Hahahahaha!
BINABASA MO ANG
Ways To Workout
RomancePapano kung gagawin mo ang isang bagay na hinding-hindi mo kailanman ginusto? Ipagpapatuloy mo pa ba ito sa kabila ng paghihirap na dadanasin mo o tatalikuran mo nalang ito? Sa buhay may mga bagay na kailangang isaalang-alang, kahit na gaanong hirap...