Buong araw ay hindi ko pinansin ang presensya ni Bryan kahit kaming dalawa lang naman ang nakatira sa iisang napakalaking bahay. Wala pa kasi kaming kasamang katulong kaya ganun. At hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip nya at nagpagawa sya ng bahay na napakalaki pero para lang sa gusto nyang pamilya?
Anong tingin nya sa mapapangasawa nya? Inahin? Na kahit ilang beses manganak ay okay lang at lima ang lalabas kada manganganak?
Kawawa naman yung babaeng iyon.
Kahit naman maganda ang lahi nila dapat hindi rin nilalaspag yung babae ahh! Mahirap kayang manganak!
Akala nya ba madali lang?
Buong araw lang din ay nasa kwarto ko lang ako. Ayaw ko kasi talaga din makita si Bryan dahil nga sa pinakita na nya yung nakakaloka nyang ugali na hindi ko manlang alam kung papaano mahahandle. Buti nga at hindi rin nya ako pinapansin. Well, the feelings are mutual. And I don't care rin naman. Ang sama-sama ng ugali nya ehh. Akala mo naman kung sinong gwapo. Kung makaasta akala mo kung sino.
Paano ba maghandle ng isang taong katulad nya? Ang hirap pala sobra! Akala ko kakayanin ko pero hindi rin pala! Naku pag hindi na ako makatiis sa kanya? Iiwanan ko sya at kukuha ako ng sarili kong bahay, may pera naman ako ehh. Akala nya sya lang ang may kayang magpagawa ng sariling bahay? Ako rin nohh!
Kaya naman na nya siguro mag-isa.
Nabuhay naman sya nung wala ako, for sure mabubuhay rin sya kapag umalis ako sa bahay na sya mismo rin ang nagpagawa.
Hay nako. Wag ko na nga lang stress-in sarili ko sa kanya.
Magmomodel na nga pala ako ngayon sa companny namin kaya kailangan ko na ring magready.Syempre hindi ko naman na bobonggahan pa yung suot ko. Yung damit lang na pang-mabilisang palit para pag nandun na ako at magsusuot ng mga damit na i-momodel ko? Mabilisang tanggalin rin ng damit.
Makaligo na nga.
After 1 and a half hour ay natapos na rin akong maligo. Sinadya ko talagang tagalan kasi nakakahiya naman siguro kung ang baho-baho ko at hindi ako malinis tapos magmomodel pa ako. Syaka alam nilang isa ako sa anak ng may-ari ng companny which is si Daddy.
Syaka alam ko namang wala ring pakialam si Bryan kung saan ko man gugustuhing pumunta. Syaka wala rin syang magagawa.
Good thing at may nakita akong mga damit na nasa cabinet na meron ako sa kwarto ko. Si Mommy siguro yung nagpalagay nito. Sya lang naman at wala ng iba.
Sinuot ko lang yung plain white fitted t-shirt ko at short na black pero hindi naman sya ganoon kaikli, nilagyan ko na rin ng belt na black rin para manlang may style kahit konti lang. Pansin nyo? Puro black and white yung kulay ng mga suot ko? Ewan ko ba? Parang nag-iba na ako ng kulay na gusto ko at paborito. Tinernuhan ko na lang rin ng black heels ko na wedge pero hindi mataas yung heels, mga 1 inch lang since matangkad na rin naman ako. At kumuha lang ako ng sling bag na black and white na kulay at stripes ang ang design.
Hindi ko na yata paborito ang black and pink? Black and white na yata.
8am na ngayon at ang sabi naman ni Kuya Adam sakin ay 9am naman daw yung time ng pagmomodel ko ng mga i-eendorse kong damit na bagong designs ngayong taon na ito.
Sana nga lang hindi revealing.
Kahit naman nagsusuot na ako ng mga pambabae na damit ay ayaw ko pa rin ng mga damit na revealing. Yung tipong makikita na pati kaluluwa? Ayaw ko nun.
Mas okay pa ako sa mga oversize t-shirts ehh.
Anyways, nilagyan ko rin pala ng powder yung mukha ko pero hindi ganun kaputi. Yung sakto lang at malapit sa skin tone ko at nilagyan ko rin ng liptint yung labi ko at pisngi ko para hindi naman ako namumutla.
BINABASA MO ANG
Ways To Workout
RomancePapano kung gagawin mo ang isang bagay na hinding-hindi mo kailanman ginusto? Ipagpapatuloy mo pa ba ito sa kabila ng paghihirap na dadanasin mo o tatalikuran mo nalang ito? Sa buhay may mga bagay na kailangang isaalang-alang, kahit na gaanong hirap...