47

28 1 1
                                    

Buong byahe ay tahimik lang kaming dalawa ni Bryan. Walang nag-kusang magsalita dahil nga sa naging usapan namin kanina at dahil na rin sa ayaw namin sa isa't-isa. Well, mas okay na rin naman na tahimik since gusto ko rin naman iyon.

Ewan ko lang kay Bryan.

Pero kanina ko pa sya napapansin na panay ang tingin sakin.

Problema nito?

"Anong tinitingin-tingin mo dyan?." mataray na tanong ko kay Bryan na muling ibinalik ang tingin sa pagmamaneho

Hindi ko talaga sya maintindihan kahit kailan. At hindi ko alam pero parang nasusuffocate na ako sa sobrang tahimik naming dalawa.

Gusto ko magpatugtog! Sana lang hindi na nya ako pigilan.

Tiningnan ko muna si Bryan bago ko pinakialaman yung dvd player nya sa kotse nya. Hindi naman nya ako pinansin at mukhang hindi rin naman sya galit kaya in-on ko na talaga yung dvd player.

Playing: Ikaw by Yeng Constantino

Ikaw ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay ng kay tagal
Ngunit ngayo'y nandito na
Ikaw, ikaw
Ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng Maykapal
Biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw

Napatinging muli si Bryan sa akin pero bigla rin syang umiwas ng tingin ng mapagtanto nyang nakatingin rin ako sa kanya.

Hindi sa gusto ko syang tiningnan ha? Napatingin ako sa kanya kasi hindi applicable yung kanta saming dalawa. Hindi kami pareho na biyaya sa isa't-isa. Dahil mukha kaming sumpa sa isa't-isa.

Kaya nilipat ko nalang yung kanta. Sana naman sa susunod umokay na.

Playing: I Choose By Alessia Cara

All of my life
I thought I was right
Looking for something new
Stuck in my ways
Like old fashion days
But all the roads led me to you

Ay ang ganda naman ng kantang ito! Parang narinig ko na tohh somewhere?

The house that you live in
Don't make it a home
But feeling lonely don't mean you're alone
People in life they will come and they leave
But if I had a choice
I know where I would be

Nakakainis. Tamang-tama saming dalawa ni Bryan yung kanta. Kasi kung may choice lang kaming dalawa? Hindi na namin pipilitin pang magsama. Pipiliin kong wala sya at pipiliin nyang wala ako.

Through the lows and highs
I will stay by your side
There's no need for goodbyes
Now, I'm seeing the light
When the sky turns to gray
And there's nothing to say
At the end of the day
I choose you

Hanggang dulo kaya makakaya kong makasama sya?

Kakaibang kanta. Nadadala pati puso kong tila nanlalamig na.

Natapos yung kanta at napunta na sa mga masasayang kanta. Hindi pa rin mawala sa isip ko yung I Choose ni Alessia Cara. Sobrang meaningful kasi nung kanta. Syaka relate na relate akong talaga.

After 1 hr naman ay narating na rin namin yung companny ng pamilya namin. Dibale ngayon, business partners na ang mga magulang namin ni Bryan. Na noon ay may mga sari-sariling business.

Hindi ko talaga alam kung bakit kami nabankrupt. Parang gusto ko tuloy pa-imbestigahan.

Ipinark muna ni Bryan yung kotse nya sa parking lot na halatang lahat ng naroroon ay hinihintay ang pagdating naming dalawa.

Ways To Workout Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon