Nagising ako ng may maramdamang may isang nilalang na dahan-dahang hinahagod ang aking itim na buhok. Hahampasin ko na sana yung kamay kasi himbing ako na himbing na natutulog pero nang maimulat ko ang aking mga mata ay si Mommy ang aking nakita.
"H-hi, mom. G-goodmorning." napapahiyang bati ko kay Mommy na agad namang ngumiti
"Goodmorning, anak. Sorry, naistorbo ko ba ang tulog mo?." malambing na sagot naman ni Mommy sakin
Naks naman! Aga-aga ang lambing na! Sana everyday! Hahahaha!
"Okay lang, mommy." nakangiting tugon ko kay Mommy
Okay lang talaga kahit na may lovelife ako sa panaginip ko at ang gwapo pa ng boyfriend ko! Si Do In Beom sa Romantic Doctor! Ahhh basta yon! Hindi ko kasi alam totoong pangalan nun ehh! Hehe.
"Hmmm.. are you going to have breakfast na downstairs?." malambing ulit na tanong ni Mommy sakin
Hay nako, baka maumay ako nito! Ang sweet ni Mommy ehh! Ke aga aga pa lang!
"Yes, Mommy. I'll just change my clothes. And fix myself." nakangiting sagot ko naman kay Mommy
Gulo-gulo pa buhok ko ehh! Tapos nakapajamas pa ako! Hahahaha!
"Okay, okay. We will just wait you downstairs." nakangiting pabalik na sagot ko naman kay Mommy
Bumaba na naman si Mommy para pumunta sa dining area. Hindi na ako kumakain ng bacon, hotdog, fried egg at iba pa na hindi healthy. Kasi nga alam nyo na? Nagdadiet na ako hehe.
Mahirap sya sa una syempre naisusuka ko nga yung mga pang diet na pagkain ehh! Diring-diri nga ako! Kasi ilang ulit yun nangyari ehh! Hahahaha!
Buti nga at nasa bahay ako nun at wala sa public place kundi nakakahiya yon!
After 10 min. ay naisagawa ko na lahatng ginagawa ko tuwing sasapit.na ang umaga. Minadali ko kakaunti para himdi matagalan si Mommy sa kakahintay sakin.
Mamaya kasi mapagalitan ako ehh! Hahahaha!
Iniiwasan ko nang magalit si Mommy sa akin. Wala lang! Kunyari ang bait bait kolang! Wahahahaha!
Bumaba na agad ako matapos maisagawa ang lahat. Nakita ko agad sa dining area ang pagkaing gustong-gusto ko sa umaga.
NAGSUSUMIGAW NA SALAD SANDWICH!
Pero may meat sya ng grilled! Yum yum!"Mommy, thank you for preparing this!." tuwang-tuwa na sabi ko kay Mommy na nakatalikod sa akin
Bigla namang humarap sa akin si Mommy na may matatamis na ngiti.
"Honestly, I didn't prepare that, Louise. Someone prepare that." matamis na nakangiting sagot ni Mommy
Taka ko naman siyang tinitigan.
Sino naman kaya?
May narinig akong lumapit at bahagya naman akong lumingon.
"I did. I prepare that salad sandwich that you're enjoying right now. *ehem* Babe." sabi ni.... BRYAN?!
INEENJOY KO NA EHH! SARAP NA SARAP NA AKO!
Bakit di kasi agad sinabi sa akin ni Mommy?!
Gulat na gulat ko naman si Bryan na tiningnan. Saying, what-are-you-doing-here-look.
"Don't you missed me, babe?." kunyaring malambing na tanong ni Bryan sa akin
This guy is going to my nerves! Nakakagigil sya! Hindi sa cute sya kundi naiirita ako sa kanya!
Gusto ko sanang magpahinga ng isang araw na wala sya. Na walang Bryan Go na makakasama't makikita.
Pero hanggang sana na lang siguro yun! Arrggh!
"O-ofcourse, I do. Why don't you join me, babe? Eating this food that you prepare for me." nauutal na sagot ko naman kay Bryan
Nakita kong napangisi sya ng palihim.
Nang-aasar mga behh! Gantihan nga natin! Wahahahaha!
Umupo naman si Bryan sa tabi ko. Kahit na nararamdaman ko ng mabubulunan sya hindi ko pa rin sya binigyan ng tubig.
Asaran pala ahh! Wag mo kong simulan dahil ako ang tatapos sa iyo! Chos! Hahahaha!
Bigla namang syang inubo kaya kunyari nagpanic ako. Kahit na nasa harapan ko lang yung tubig. Hahahaha!
Ang bad ko ba? Sorry na!
"Tubig ohh. Tubig." kunyaring nagpapanic na sabi ko kay Bryan at iniabot sa kanya ang tubig
Agad naman nyang ininom iyon at pilit na ngumiti sa akin.
Alam naman kasi nyang sinadya ko ehh! Hahahaha! Sorry na! Mas magaling akong mang-asar kaysa sa kanya.
Ngayon palang? Talo na sya! Hahahaha!
"Thanks, babe." sagot ni Bryan pagkatapos nyang makainom ng tubig
Binigyan ko naman sya ng pinakamatamis kong ngiti.
"You're welcome, babe. Ang cute mo!." kunyaring nanggigil na sabi ko naman kay Bryan
Nakita ko namang palihim syang napapangiwi kasi nilalakasan ko yun pagkapisil ko ng pisngi nya.
Wahahahaha!
"Babe, take it slow. Masakit." nagpipigil ng galit na sabi sakin ni Bryan
Hinimas himas ko naman yung pisngi nya para maease kunyari yung pain.
"Sorry, babe. Hehe. Cute mo!." kunyaring pagsosorry ko habang hinihimas ko yung pisngi ni Bryan
Hindi ko alam pero parang namula yung tenga nya ng konti.
Anong meron?
"Wala namang sili yang kinain mo ahh? Bakit namumula tenga mo?." nagtataka na tanong mo kay Bryan
Umiling-iling naman sya.
"Nothing." tipid na sagot ni Bryan at muling kumain
Gulo ng taong tohh! Ehh wala namang maanghang na ingredients yung kinakain nya?
Pero bat namula yung tenga nya?
Weird.
-----------------------------------------------------------------
Goodevening sparkles! Grabe nakatulog na naman ako! Hahahaha! Pero dahil nga alam kong naghihintay kayo? Syempre hindi ko kayo paghihintayin sa wala!Ganun ko kayo kalove hehe!
Enjoy reading!
Blessings!
Love,
sparkly_white
BINABASA MO ANG
Ways To Workout
RomancePapano kung gagawin mo ang isang bagay na hinding-hindi mo kailanman ginusto? Ipagpapatuloy mo pa ba ito sa kabila ng paghihirap na dadanasin mo o tatalikuran mo nalang ito? Sa buhay may mga bagay na kailangang isaalang-alang, kahit na gaanong hirap...